PART 2

8.4K 667 205
                                    

PART 2

Blaine

Hinintay niya si Oswaldo na mag-shower at magbihis muna sa locker room pero hindi na siya sumama pa sa loob at baka kung ano pa ang kanyang makita. Nagpaiwan na lang siya sa may bench sa harap ng locker room at ilang minuto lang rin ang lumipas at muli niya itong nasilayan na naglalakad patungo sa kanya. Simpleng t-shirt, shorts at sneakers lamang ang suot nito pero lumilitaw na kaagad ang kagwapuhan ng kaibigan. Nakangiti ito at sukbit sa likod ang kanyang bag.

"Tara na?" tanong nito na kanyang tinanguan. Tumayo siya at sinabayan itong maglakad patungo sa parking lot ng kanilang eskwelahan. Mabilis na nag init ang kanyang pisngi nang umakbay na naman ito sa kanya at doon niya na samyo ang pinaghalong amoy ng Safeguard at Johnson's baby cologne na kulay blue na pamilyar na pamilyar na sa kanya ang amoy.

Kagat ang labi niyang pinigilan ang kilig na naramdaman. Medyo kakaunti na lang mga estudyante sa paligid kaya sinulit na niya ang pagkakataon na magkadikit sila ni Oswaldo. Dama niya ang init ng katawan nito, amoy niya ang bango nito at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, malinaw niyang nakikita sa kanyang isip ang gwapo nitong mukha.

"Saan nga pala tayo pupunta, Oswaldo?" tanong niya nang makarating sila sa parking lot. Nakatayo sila sa harap ng motorsiklo nito habang kinukuha nito ang dalawang half helmet sa compartment ng motorsiklo nito.

"May bagong unli-wings na kainan malapit sa mall. Subukan natin kung masarap." anito bago inilagay sa kanyang ulo ang half helmet at inilock ang strap sa ilalim ng kanyang baba.

Nakagat niya ang kanyang labi nang sandaling magkatitigan sila nito at dahil hindi niya makayanan na tumitig sa kulay tsokolate nitong mga mata sa takot na baka makita nito doon ang kanyang inililihim na pagtingin para rito.

"May crush ka sa akin, Blaine noh?" tanong nito at unti-unting lumapad ang mapang asar na ngiti sa mga labi nito.

"Ang kapal ah." namumula niyang usal. "Wala akong crush sa iyo noh."

Tumatawa itong nagsuot ng helmet at muling inilipat ang kanyang bag sa harap nito. Nauna itong sumampa sa motorsiklo nito at sumunod siya. Yumakap siya sa katawan nito para kumapit at nang masigurong ayos na siya ay pinaandar na nito ang motorsiklo at lumabas sila ng kanilang eskwelahan patungo sa pinakamalapit na mall.

Maingat kung magpatakbo si Oswaldo at sinisiguro nito na nasa gilid lamang sila ng highway upang hindi maipit sa mga mabibilis at malalaking sasakyan. Isa iyon sa rason kung bakit nakakaramdam siya ng kapanatagan kapag ito ang nagmamaneho dahil alam niyang ligtas siya sa kamay nito.

Saglit silang nahinto sa daan nang pumula ang traffic lights. "Susulitin ko talaga ang unli wings mamaya sa punto na malulugi sila sa akin. Damihan mo rin ang kain mamaya, Blaine ah." natatawa nitong usal.

Napangiti siya. "Kailan mo pa ako nakitang kumain ng marami, Oswaldo? Ibawi mo na lang ako. Ikaw naman itong malakas kumain sa ating dalawa eh." aniya.

"Hayaan mo, akong bahala sa'yo." anito at mula sa side mirror ng motorsiklo ay nakita niya ang pagkindat nito sa kanya.

Muling naging berde ang traffic lights kaya muling pinatakbo nito ang motorsiklo hanggang sa makarating sila sa tinutukoy nitong establisyemento. "WING STOP," pag basa niya sa pangalan ng kainan.

Ipinarada ni Oswaldo ang motorsiklo nito sa harap na parking lot. Nauna siyang bumaba nang patayin nito ang makina. Kinalas niya ang suot na helmet at iniabot iyon sa kaibigan na muling itinago sa compartment.

"Tara na." galak nitong anyaya at hinawakan siya sa kamay at hinila papasok sa establisyemento. Pumwesto sila sa tabing parte kung saan kita nila mula sa salamin na pader ng WING STOP ang malawak na paradahan at ang malaking mall sa tabi. Magkaharap silang naupo sa pang dalawahang booth.

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now