PART 5

9.5K 598 226
                                    

PART 5

Blaine

"Kung gusto mo pang kumain, Oswald. Magsabi ka lang kay Blaine. Marami pa kaming kanin doon sa kusina. Mabuti na lang at sumakto na marami ang aking sinaing ngayong gabi." anas ng kanyang mama habang sabay silang tatlo na kumakain sa hapag. Pinagsasaluhan nila ang dala ring mga pagkain ni Oswaldo kaninang umaga.

"Salamat po, tita."

"Ang sarap talaga mag luto ng mama mo. Hindi na ako nagtataka na sikat na sikat na ang inyong mga restaurant. Kung minsan nga kapag gumagala kami ni Blaine sa mall, hinahanap talaga namin ang inyong kainan at doon kumakain." pagkukwento ng kanyang mama at totoo naman talaga iyon pero para sa katulad niyang personal na natikman ang luto ng mama ni Oswaldo, masasabi niyang napakalayo ng mga nasa kainan ng pamilya nito sa orihinal.

"Kung gusto nyo po, lagi ko na lang kayong dadalhan ng mga lutong ulam ni mama kapag sinusundo ko si Blaine tuwing umaga, tita."

"Naku, huwag na Oswald. Tama na itong paminsan-minsan lang at baka ma-spoiled ako at ipaasawa ko na lang sa iyo si Blaine."

Halos masamid siya sa kinakain sa narinig. Napaubo siya kaya dali-daling kinuha ang baso ng tubig at uminom. Habang pulang-pula siya. Tumatawa naman si Oswald.

"Wala naman pong gusto sa akin si Blaine, tita eh." ani Oswaldo bago siya nilingon pero nag iwas siya. "Atsaka magiging manager ko pa po siya kapag naging propesyonal na akong football player dito sa pinas o kaya naman sa ibang bansa."

"Anong wala? Meron iyang gusto sa iyo, Oswald. Arte naman ng anak ko kung wala." panglalaglag sa kanya ng kanyang sariling ina.

"Mama!" mas namula ang kanyang mukha. Wala siyang pinagsasabihan sa kanyang nararamdaman para kay Oswaldo pero kung minsan, naiisip niyang may kutob ang kanyang ina sa itinatagong pagtanggi para sa matalik na kaibigan.

"Ang tanong may gusto ka rin ba kay Blaine?" tanong ng kanyang mama nang bumaling ito kay Oswaldo na ikinalaki ng kanyang mga mata. Hindi na niya alam kung naghahapunan pa ba silang tatlo o hino-hot seat na sila ni Boy Abunda?

Ang kaibigan naman niya ang naubo at uminom ng tubig.

"Mama naman." pag singit na lamang niya. Hindi na siya umaasa na may gusto sa kanya si Oswaldo at ayaw niya ring masaktan sa isasagot nito sa kanyang mama kaya naman sumingit na siya. "Straight iyang si Oswaldo."

Nang mapansin niyang ubos na ang kanin sa plato ng kaibigan ay nagpaalam siya bago kinuha ang plato na nilagyan nila ng kanin at muli iyong nilagyan sa kanilang kusina. Mula sa kusina ay tanaw na tanaw niya ang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ng kanyang mama at ginisa na lamang sila nito nang ganoon.

Napabuntong-hininga siya bago bumalik sa hapag at nilagyan ng kanin ang plato ni Oswaldo. Nakangiti lamang itong nagpasalamat bago muling bumalik sa pagkain. Sanay na siya sa lakas nitong kumain at sigurado siyang hihirit pa ito ng isang sandok ng kanin bago titigil at tumama siya. Hindi na niya hinintay na manghingi ito. Muli niya na lamang itong hinainan ng kanin at ulam.

Natutuwa siya dahil at home na at home si Oswaldo sa kanila at mas alaga pa nga ito ng kanyang mama kesa sa kanya. Hindi naman siya nagseselos o ano pa man, kasi kapag siya naman ang bumibisita sa mga Torrero, siya rin ang inaasikaso nang todo.

Matapos nilang kumain ay nagtulungan silang dalawa na iligpit ang pinagkainan at siya na ang naghugas niyon. Gusto pa sana siya nitong tulungan kaso humindi na siya. Baka tumagal lamang sila at prinsipe ito sa bahay ng mga ito bilang bunso kaya di na niya pinatulong. Baka pagalitan pa siya ng kanyang tita Ethan kapag nalaman.

Napangiti siya habang nagbabanlaw ng mga plato habang ang kaibigan niya ay sumabay na lang sa kanyang mama na manood ng balita. Rinig niya mula sa lababo ang tunog mula sa telebisyon at narinig niya na may bagyo sa kanilang tatama bukas ng umaga pero ngayon pa lamang daw ay madarama na nila ang hagupit niyon. Mas lalakas pa iyon bukas kapag sumentro na ang mata ng bagyo sa kanilang lugar kaya ang lahat ay pinag iingat.

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now