PART 12

7.1K 518 132
                                    

Eto na ang PART 12. Enjoy! I know na na-miss nyo itong dalawa.

PART 12

"Bakit naman kasi nakipagsuntukan ka pa, Oswaldo? Pareho tuloy kayong na kick-out sa laro." sermon niya habang sinusuri ang gwapo nitong mukha kung may galos ba ito mula sa pakikipag away sa kalabang player. "Kapag nalaman ito ni tita, lagot ka talaga." hindi niya napigilang banta.

Kumunot ang noo nito. "Si Ortega naman ang nagsimula eh." ismid nito. "Medyo may kasalanan ka rin, Blaine."

Napataas ang kanyang kilay. "Hoy, Oswaldo! Ano namang kasalanan ko sa'yo at pati ako ay nadadamay?" kunot rin ang noo niyang tanong sa kaibigan bago kumuha ng cotton sa dalang bag nang makita na may maliit na sugat ito sa gilid ng labi.

"Pinapaselos mo ako." seryoso nitong ani bago siya hinarap ng tingin.

Mabilis na nag init ang kanyang tingin at pinamulahan ng pisngi. Gusto niyang mag iwas para itago nararamdamang gulat at kilig pero pinanatili niya ang pagtingin sa kaibigan. "Tigilan mo nga ako, Oswaldo." pairap niyang turan bago inilapat ang cotton sa labi nito at napadiin pa nga siya kaya napadaing ito sa sakit.

"Dahan-dahan naman, Blaine. Kaunting lambing naman sana."

"Ewan ko sa'yo, Oswaldo." muli niyang irap bago binawasan ang pagdiin sa cotton. "Ano ba kasing ipinuputok ng butse mo? Buti na lamang at hindi ka na suspend ngayong season dahil sa ginawa n'yo." sermon niya.

"Nakita mo naman na siya ang nanguna at may ibinubulong rin sa akin ang gagong iyon." gigil nitong usal at halata niyang nagkikimkim lang ito ng galit base sa kung papaano nito ikuyom ang kamao. "Sana tinawagan o tinext mo ako na papunta ka na rito para sinundo na lang kita sa gate. Ewan. Nagseselos ako."

Hindi niya akalain na mas may ikaiinit pa pala ang kanyang pisngi. Napakagat labi siya. Sigurado siyang dala lamang iyon ng pagiging bunsong anak at gusto lagi nito na senro ng atensyon at walang kaagaw. Gayun pa man, hindi niya pa rin maiwasang kiligin sa inaakto nito.

"Praning." komento niya. "Pero huwag mo na ulit iyon uulitin. Sigurado naman akong kinakanti ka lamang ni Ortega para mawala ka sa pokus at maipatalo mo ang laro. Pasalamat ka at naipanalo pa rin ng team nyo ang laro kahit wala ka."

Napakibit balikat ito. "Ah basta. Mabilis akong napipikon kapag idinadawit ang pangalan mo." galit nitong usal habang nakatingin sa fountain ng Brent Academy. Hinihintay nila ang magulang nito para sunduin sila. Nakasanayan na kasi ng mga ito na kumain sa labas kapag may laro si Oswaldo at lagi siyang nakakasama.

"Ano ba kasing sinabi ni Ortega?"

"Ayokong sabihin."

Napakamot na lamang siya sa ulo. Itinapon niya ang cotton na may kaunting spot ng dugo sa maliit na bulsa ng kanyang bag bago kumuha ng ointment at dinampian ang labi nito.

"Okay na." aniya matapos. Halata pa rin ang sugat sa gilid ng labi nito at sigurado siyang mapapansin iyon ng kanyang tita Ethan.

"Maraming salamat." maikli nitong tugon pero hindi pa rin siya nililingon.

Napabuntong hininga na lamang siya. Nagtatampo ito at hindi niya malaman kung bakit. Ayaw rin naman nitong ikwento sa kanya ang mga sinabi ni Ortega.

"Sabay ka sa amin nina mama at papa na kumain sa labas ah. Ihahatid na lang kita sa inyo pagkatapos." anyaya nito matapos ang ilang segundong katahimikan na namagitan sa kanilang dalawa.

"Hindi na. Nakakahiya kay tito at tita." pagtanggi niya.

"Sige na. Para hindi na ako magtampo sa'yo."

Napangiti siya. "Sige, pero sabihin mo muna ang sinabi ni Ortega."

Napaungot ito bago siya nilingon. "Huwag mo nang problemahin iyon, Blaine. Kumukulo lang ang dugo ko kapag binabanggit mo ang apelyido ng isang iyon." hindi na nito naituloy ang sinasabi nang tumunog ang cellphone sa bulsa nito. Saglit nitong sinagot ang tawag at ibinaba rin pagkatapos ng ilang segundo. "Nasa harap na daw sila mama." anito bago kinuha ang bag.

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now