PART 1

14.3K 619 439
                                    

PART 1

Blaine

"Blaine!" rinig niyang pagtawag sa kanya ng kanyang mama mula sa labas ng kanyang kwarto. "Nandito na ang boyfriend mo." Maliban sa boses ng kanyang mama, narinig niya rin ang pagtawa ni Oswald o Oswaldo kung siya pa ang tumatawag sa kanyang pinakamatalik na kaibigan.

Napaungot siya. Maswerte siya kung boyfriend nya nga ito pero hindi. Hanggang matalik na kaibigan lamang ang turing nito sa kanya at ayaw niya rin naman iyong sirain dahil lamang sa may patago siyang pagtingin para rito.

"Mama!" pag angal niya. "Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, hindi ko po boyfriend iyang si Oswaldo. Papasukin mo na lang po dito. Patapos na rin naman po ako."

Tapos na siyang makapagbihis sa kanyang uniporme. Mabilis niyang inilagay ang mga libro at notebook niya na inilabas kagabi nang magsagot siya ng kanyang mga assignment sa kanyang bag. Ganoon lagi ang kanilang set-up ni Oswald. Tuwing umaga ay susunduin siya nito sa kanilang bahay dala ang motorsiklo nito at pagkahapon ay ihahatid rin.

"Boyfriend mo pala ako eh." ani ng isang baritonong boses.

Napalingon siya sa bumukas na pinto at pumasok ang nakangiting si Oswald. Mapang asar ang ngiti sa labi nito. Kaswal itong tumungo sa kanyang higaan at nahiga. Itinukod nito ang isang braso para suportahan ang ulo at pinanood siya na magligpit ng gamit.

"Asa ka pa." pang aasar niya dito pero ang totoo niyan ay siya talaga ang umaasa niyon. "Huwag ka nang mahiga diyan. Magugusot ang uniporme mo." Isinarado na niya ang kanyang bag nang matapos niyang ilagay ang lahat ng libro at notebook niyang kakailanganin.

"Sus, parang lugi ka pa ah." pang aasar nito pabalik sa kanya. Nang mapansin na tapos na siya ay tumayo na ito at kinuha ang kanyang bag at isinukbit sa balikat nito. "Tara na, boyfriend ko." dagdag asar pa nito.

Inirapan niya na lamang ito at nauna nang lumabas. Sumunod naman ito sa kanya. Dinaanan niya muna ang kanyang ina na abala sa paglilinis sa kanilang pinagkainan ng almusal. "Bye, ma. Mauna na kami ni Oswald."

"Bye po, Tita."

Nakangiti namang tumango ang kanyang ina. "Mag ingat kayong mag-boyfriend ah."

"Mama talaga." muli niyang pag angal. "Sige na po. Bye-bye!"

Matapos makapag paalam sa kanyang mama ay sabay na silang lumabas ng gate kung saan nakaparada ang itim na motorsiklo ni Oswald. Hindi pa talaga ito pwedeng magmaneho dahil pareho pa lamang silang dise-sais pero nagpumilit ito sa magulang at dahil bunso, binilhan. Ang hindi niya talaga kinaya ay siya ang inirason nito sa mga magulang, para lagi daw silang sabay na papasok sa eskwelahan. Sobra-sobra ang kanyang kilig na naramdaman noong sinabi iyon sa kanya ni Oswald kahit na alam naman niyang ginawa lamang nito iyon dahil matalik na kaibigan ang turing nito sa kanya.

Inilagay nito ang kanyang bag sa harap nito. Pabaliktad nito iyong isinuot kaya ang umbok ng kanyang bag ay nasa harap nito. Hindi nagdadala ng bag si Oswald dahil iniiwan nito ang mga gamit sa locker nila sa school habang siya naman ay hindi mapakali kapag hindi nakakapag basa o review kaya dinadala niya pauwi ang kanyang mga libro at notebook. Wala rin siyang gadget kagaya ng iba kaya nagtitiis siya sa tradisyonal na paraan.

Nauna itong sumampa sa motorsiklo at sumunod naman siya. Nahihiya man siya, yumakap siya sa likod nito at ipinalibot ang kamay sa bewang. Hindi niya naiwasang pamulahan ng pisngi. Bakit ba kasi ang gwapo at ang bait sa kanya ni Oswald? Naiinis rin siya sa sarili na nahulog siya sa kanyang kaibigan.

"Ayos ka na, Blaine?"

"Oo." Maikli niyang tugon. Sinimulan na nitong paandarin ang motorsiklo at mas napahigpit na lang ang yakap niya sa bewang nito. Hindi niya rin maiwasang maamoy ang mabango nitong damit. Amoy bagong labang damit na may farbric conditioner. Alam niyang bunso ito sa tatlong magkakapatid kaya naman alagang-alaga ito. Laki sa layaw at nasusunod ang lahat ng gusto pero kahit kailan man ay hindi niya nakitaan si Oswaldo na nagmayabang ito sa mga materyal na bagay na meron ito.

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now