PART 4

7.8K 579 178
                                    

PART 4

Blaine

"Ngayon, quits na tayo."

Paulit-ulit na rumirehistro sa kanyang isip ang ginawang paghalik sa kanyang pisngi ni Oswaldo at hindi siya makatulog dahil doon. Kinakain siya ng kilig na nararamdaman. Ito na ang ikalawang gabi na hindi siya nakakatulog sa tamang oras at dahil iyon kay Oswaldo. Kung alam lamang sana ng kanyang kaibigan ang tindi ng epekto ng simpleng paghalik nito sa kanya ngayon.

Tumagilid siya nang higa at sinipat ang oras sa tabi ng kanyang higaan. 12:30. Lagpas hating gabi na pero hindi pa siya inaantok. Ayos lang rin naman kung tanghali na siyang magising bukas dahil Sabado bukas, hindi niya kailangang magmadali para makapasok sa eskwelahan.

"Nakakainis ka Oswaldo!" usal niya sa isip. Kanina pa may hindi matanggal na ngiti sa kanyang labi. Maging ang kanyang ina habang kumakain sila ng hapunan ay napansin iyon. Tinanong pa nga siya nito kung ano o sino ang rason at parang kilig na kilig siya. Hindi siya sumagot at hindi na rin ito nag usisa pa pero may kutob daw ito kung sino.

Isinubsob niya ang mukha sa unan. Para na siyang mababaliw sa kanyang higaan dahil sa damping paghalik na iyon na iginawad sa kanyang pisngi ni Oswaldo samantalang sigurado siyang masarap na ang tulog nito ngayon. Napabuntong hininga siya bago muling tumihaya ng higa. Kasalanan niya rin naman at nagkagusto siya sa kanyang matalik na kaibigan.

Noon, niyayakap at hinahawakan nito ang kanyang kamay at wala lamang iyon para sa kanya. Pero ngayon? Simpleng pag akbay lamang na madalas nitong gawin ay pinamumulahan na siya ng pisngi sa kilig. Halos hindi na nga niya matandaan kung kailan ba nagsimula ang pagkakagusto niya kay Oswaldo. Ang alam niya, nagising na lamang siya isang araw at parang nagkakarera na ang kanyang dibdib sa tuwing masisilayan ang gwapo nitong mukha, tuwing naaamoy ang banayad nitong pabango, at tuwing naririnig niya ang walang pagpipigil nitong tawa.

Bakit nga ba sa dinami-rami ng lalaki sa mundo ay kay Oswaldo pa siya nahulog? Bakit kailangang sa pinaka matalik pa niyang kaibigan? Kung alam niya lamang sana ang sagot sa mga katanungang iyon. Napahikab siya nang maramdaman ang kanina pa hinihintay na antok. Biglang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata at hindi na niya nilabanan pa ang antok. Ipinikit niya ang mata at natulog. Gigising pa siya bukas para muling umasa na magiging sila ni Oswald.

***

"Blaine!"

"Mmmmm?"

"Blaine, anak." ang banayad na boses na iyon ng kanyang mama ang narinig niya mula sa harap ng kanyang kwarto. Medyo nagising ang kanyang diwa dahil doon pero sobrang komportable pa siya sa kanyang higaan at hindi niya magawang bumangon. "Nandito si Oswald. Magde-date daw kayo."

Nasundan iyon ng pagtawa ni Oswald.

Bigla siyang napamulat ng mga mata at mabilis na napabangon sa narinig. Nakaramdam siya ng pagkahilo dahil doon pero alerto na ang kanyang isip nang banggitin ng mama niya ang pangalan ni Oswaldo.

"Pasukin mo na lang sa loob, Oswald. Tulog pa siguro si Blaine."

"Sige po, tita."

Nagmamadali niyang sinuklay ang buhok gamit ang kamay at saktong pagbukas ng kanyang pinto at iniluwa niyon si Oswaldo. Basa pa ang buhok nito na magulo ang pagkakaayos dahil siguro sa hangin nang sumakay ito sa motorsiklo. Nakasuot rin ito ng complete soccer uniform mula sa tshirt, shorts, medyas na hanggang ilalim ng tuhod at ang Nike soccer shoes nito.

Mablis na namula ang kanyang pisngi. Napaka-gwapo nito at ito pa talaga ang unang-unang bumungad sa kanya sa umaga. Hindi siya nagrereklamo pero sana naman nakapag handa siya.

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now