PART 6

7.7K 527 195
                                    

PART 6

Blaine

Linggo nang umaliwalas ang panahon. Maaga pa lamang ay sumikat na ang araw na pakiwari niya ay bumabawi sa dalawang araw na pag ulan mula sa malakas na bagyong dumaan sa kanilang lugar. Makailang ulit na nawalan sila ng kuryente sa dalawang araw na iyon at ang malala pa para sa kanya ay hindi niya matagalan na hindi makita at makasama si Oswaldo. Hinahanap niya ang presensya nito lalo na ang pagiging makulit at mapang asar nito.

"Anak, nandito ang boyfriend mo!" rinig niyang sigaw ng kanyang ina na nagpaalis sa antok sa kanyang katawan. Nanlalaki ang mata siyang napabangon mula sa kanyang higaan at agad na tumungo sa pinto ng kanyang kwarto at binuksan iyon, sa kanyang pagmamadali ay hindi na niya namalayan na nasa harap na mismo niya ang nakatayong si Oswaldo at may ngiti sa labi.

Bumangga siya katawan nito at mas nabigla siya nang mabilis siyang makulong sa mga bisig nito nang maagap siya nitong yakapin. Mula sa pagkakabigla, mabilis na nag init ang kanyang pisngi nang madama ang mainit nitong katawan. Amoy na amoy niya sa dibdib nito ang pamilyar nitong cologne at gusto na lamang niyang ipikit ang mata at muling matulog sa bisig nito.

"Ay sus, na-miss nila ang isa't-isa." komento ng kanyang ina.

Nakaramdam siya ng hiya at gusto sanang lumayo sa kanyang kaibigan nang mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Nadama niya ang pagtawa nito sa dibdib. "Pwede ko po bang nakawin si Blaine ngayong araw, tita?"

"Ay, oo naman." walang pagdadalawang isip na pagtugon ng kanyang ina. "Kung itatanan mo si Blaine, Oswald. Sabihin mo na ngayon para maipag empake ko na siya para sa'yo." tumatawa nitong pahabol. Hindi niya makita ang mukha ng kanyang kaibigan at ng kanyang ina dahil sa pagkakasubsob niya sa dibdib ni Oswald pero kahit papaano ay ipinag papasalamat niya iyon. Hindi siya makapaniwala na handang-handa ang kanyang ina na ibigay siya kay Oswaldo.

Tumawang muli si Oswaldo. "Hindi pa po ngayon, tita."

Mas nag init ang kanyang pisngi sa itinugon ng kaibigan kaya naman kinurot niya ito sa tagiliran. Pinakawalan na siya nito at doon niya lang tuluyang napagmasdan ang kaibigan. Basa pa ang buhok nito at halatang bagong ligo. Pormado rin ito at may ideya na siya na lalabas sila nito.

"Maligo ka na, Blaine. Gala tayo." nakangiti nitong anyaya sa kanya.

"Hindi mo man lang ako sinabihan kagabi para naman nakapag handa ako." aniya at muling naglakad papasok sa kanyang kwarto. Sumunod ito sa kanya at isinarado ang pinto sa likod nito.

"Biglaan lang rin naman ito kasi akala ko uulan pa rin hanggang ngayon." dahilan nito bago dumiretso sa kanyang higaan at padapang humiga. "Bilisan mo na at nagugutom na ako. Hindi pa ako nag aalmusal."

"Hoy Oswaldo! Bakit ba nag mamadali ka at hindi ka na nag almusal?" gulat niyang tanong at nilapitan ito sa kanyang higaan. Komportable pa rin itong padapang nahiga doon. "Umalis ka nga diyan." medyo nako-conscious rin siya at baka mamaya ay mabaho na pala ang kanyang higaan.

"Sa mall na lang tayo mag almusal o kahit saan mo gusto. Sabihin mo lang." anito. Medyo hindi niya nga marinig nang maayos ang boses nito.

"Oo na." aniya at kinuha ang kanyang towel at lumabas ng kanyang kwarto para maligo. Mabilisang paliligo lamang ang kanyang ginawa. Nagsipilyo at nagtapis.

Pagbalik niya sa kanyang kwarto ay nakahiga pa rin si Oswaldo sa kanyang higaan. "Oswaldo lumabas ka muna at magbibihis ako." aniya at hinigpitan ang kanyang tuwalya na hanggang dibdib. Ewan niya ba at nakasanayan niya ang ganoong pagtatapis dahil bata pa lamang siya ay iyon na ang nakikita niya sa kanyang ina at nadala niya iyon hanggang sa paglaki.

Umikot ito nang higa at hinarap siya. Napangiti ito. "Show me your boobs. I will send money." anito at ginagaya pa ang boses ng mga Indiano sa internet.

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now