Chapter 57

2.5K 55 3
                                    

"Aww, nakakalungkot naman, Prof. Nagkita po ba uli sila?" one of my student asked me, pero habang tintignan ko yung libro, parang hindi ito tapos.

Oo nga hindi tapos yung libro, parang sinadya na hindi tapusin.

"Ikaw ba prof, nagmahala kana po ba?" tanong uli nila, napatigil naman ako. I smiled at them habang inaalala siya.

"Oo naman," narinig ko ang hiyawan at asaran nila sa akin. Okay lang naman dahil parang pamilya na rin ang turing ko sa kanila.

"Ano pong nangyari?" bigla naman silang tumahimik at halatang interesadong malaman.

"Let say hindi lang talaga kami para sa isa't-isa, that was 7 years ago, class. My first and last heartbreak." Bigla naman napalitan ng lungkot ang mga mukha nila. Yes, first and last, after nun hindi na 'ko nagmahal muli.

It's always her. Funny, right?

Hanggang ngayon siya pa rin kahit gaano na katagal simula nung nawala siya.

"Thank you, class. See you tomorrow. Don't forget about your assignment." Nagpaalam naman sila sa akin bago lumabas hanggang sa ako nalang naiwan dito mag isa. Nakatayo lang ako rito habang tinitignan ang libro, parang familiar yung kwento. May kumatok naman sa pinto na siyang kinabalik ko sa realidad.

"Good morning, Prof. Villarreal." Cassidy said, ngumiti naman ako sa kaniya.

"Good morning too, Prof. Dela Cruz." I greeted her too. Sabay naman kaming lumabas dalawa. She's a professor too, si gaga walang mapiling gusto kaya sinamahan nalang niya ako rito, bored daw siya sa buhay at tinatamad siya mag manage ng kumpanya nila.

Pero kahit ganon, siya ang nagbantay at nag alaga sa akin. About Natalie, pinursue niya ang gusto niya, maging abogado at nasa ibang bansa. Si Onse may computer shop business.

Bihira nalang kami mag usap usap pero magkakaibigan pa rin naman kami.

“May gaganapin na reunion, pupunta ka?” Cassidy asked me. Palabas na kami ngayon ng school para umuwi.

“Hindi ko alam, kung pupunta kayo, edi pupunta na rin ako.” Inirapan naman ako nitong isa.

“Kaya nga ikaw tinatanong ko kasi kung pupunta ka, pupunta rin ako.” Tinawanan ko lang sya ng mahina. Gusto ko rin naman pumunta kaso naaalala ko siya kaya bigla akong nawawalan ng gana.

“Rain, until now ‘di ka pa rin nakaka move on sa kaniya? 7 years na.”

“I don't know, Cass. I tried, pero siya pa rin talaga.”

“What if bibigyan uli kayo ng chance, kukuhain mo ba?” tanong niya sa akin.

“Oo nam—Aray! Bakit ka ba nang hahampas.” Daing ko sa kaniya habang hinihimas ang braso ko.

“Sige pagpatuloy mo yan, parang di ka iniwan.” Napabusangot naman ako, oo na, iniwan na, need ba ipamukha?

“Gusto mo ba mag bar muna saglit? Treat ko.” Pumayag naman ako at sumakay na kami sa sasakyan niya, sa kaniyang sasakyan ang gamit namin, wala akong dala ngayon.

Nang makarating na kami pumasok na kami sa loob, umorder na siya ng iinumin namin.

“Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo?” tanong ko kay Cass.

“Hindi, nagpaalam naman ako at alam naman niya na ikaw lang kasama ko.” She's already married na pala, ako nalang ang naiiwan.

Nagpaalam naman si Cass na pupunta sa restroom saglit at may lumapit naman sa pwesto ko.

“Hello, gorgeous. Are you alone?” bati ng isang lalaki at nginitian pa ‘ko, creepy naman.

“No, and I am already married.” Agad din naman siyang umalis, tama yan lumayo layo kayo, hindi naman ako interesado.

Ilang minuto rin bumalik din si Cassidy.

“Bakit ka nakasimangot diyan?”

“May nagsubok lang na lumapit sa akin.” Sagot ko.

“Tapos?”

“Edi pinalayo ko, alangan naman i entertain ko rin.” Napailing nalang siya, nagkwentuhan lang kami buong magdamag, hindi kami uminom masyado.

10 p.m din nang makauwi kami kanila Cass with her wife.

“Good evening, Miss Lydia.”

“Hello, baby!” bati naman ni Cass at lumapit sa kaniya sabay niyakap.

Dito ako nakatira sa kanila ngayon, well okay lang naman kanila Cass kaso si Cassidy din naman ang may gusto na isama ako even though na kasal na siya, para lang mabantayan pa rin ako, of course kahit din asawa niya gusto rin na dito nalang ako. Pero soon lilipat na rin ako.

Nakita ko naman na masaya silang magkayakap, napangiti nalang ako. I’m happy for her nahanap niya na rin ang makakasama niya habang buhay. Ako kaya kailan?

Nagpaalam na ‘ko sa kanila at umakyat sa kwarto. Kinuha ko naman  libro na binabasa ko. Ewan ko pero ang weird ng pakiramdam ko sa libro na ‘to. Binaba ko na at kinuha ang phone ko para buksan at kausapin siya.

Pitong taon ko na pala kinakausap ang account niya kahit alam kong hindi niya na ‘to bubuksan, gusto ko lang magkwento. Nandito lahat ang mga hinanakit at paghihirap ko nitong nakalipas na taon.

Alam kong hindi niya na ‘to mababasa pero gusto ko pa rin sabihin sa kaniya ang mga nangyayari sa akin. I close my phone at humiga na para matulog.



















“Hanggang kailan mo titignan ang litrato niya sa malayuan?”

“None of your business.” I plainly answered.

“You miss her, right?”

“You know? Just get out. Tinatawag kana ni dad.”

“I just want to say sorry, dahil sa akin napalayo kayo sa isa’t isa.” I tried to calm myself.

“And my good news ako, single pa rin siya ngayon. All these years, wala siyang naging ka relasyon. At kung gusto mo siyang makita may paparating reunion ang dati niyang school, baka makita mo siya ron.”

“I don't know. She looks fine without me, bakit ko pa guguluhin?”

“Come on, alam ko naman gusto niyo pa rin ang isa't isa, pitong taon na rin, don't you think it's already time para magkita na uli kayo?” I look at her picture, I bitterly smiled.

“Sometimes love is about letting go.”

“You are unbelievable, hindi mo pa nga nasusubukan, i le-let go mo na agad.”

“Come on, hindi ikaw ‘yan. Go get your frickin girl bago pa makuha ng iba.” Bigla naman nag init ang dugo ko dahil sa sinabi siya, he smirked, what a jerk.

Deceive MeWhere stories live. Discover now