Chapter 49

1.9K 45 3
                                    

It's been 2 weeks since our Valentine's date, ang bilis lang ng oras at mag ma-marso nanaman, it means malapit na mag graduation.

Si dad naman napansin ko masyadong stress lately, pero lagi kong pinapaalalahanan na magpahinga rin kahit minsan or mag bakasyon siya.

I wonder ano kaya gagawin ko after graduation, hindi ko pa talaga mahanap ang passion ko, pwede bang maging patatas nalang sa lupa or maging uod? Maging uod nalang para may tulong kay mother earth, kidding.

Papunta na ako ngayon sa opisina niya, as usual may dalang pagkain uli. Habang papalapit ako sa opisina niya may naririnig ako na parang may nag aaway, good thing walang taong dumadaan ngayon dito.

Habang papalapit ako sa pinto niya mas naririnig ko kung sino 'yon. Dahil sa kuryosidad ko, huminto muna ako at nakinig.

"It's been awhile, Alas, you didn't miss your friend?" I heard someone and If I'm not mistaken it's a man.

"What are you doing here Santie?" Santie? Medyo familiar.

Wait, siya 'yong pinag uusapan nila nung nakaraang araw. Mas lalo akong na curious kaya nanatili pa rin ako sa labas.

"Come on, I'm trying to be nice here."

"I don't give a fuck, just tell me, what are you doing here? Don't tell me pinapasunod ka sa akin?"

"No, why would I do that? Nandito ako dahil gusto ko lang makita ka." I clenched my fist.

"Tinanong mo rin ba 'ko kung gusto kitang makita?" That's my girl right there, medyo natawa naman ako pero mahina lang.

"Alas, Alas, hindi ka pa rin nag babago, still salty. That's why I like you." What the heck!? Gusto ko sana pumasok at manugod pero gusto ko pa rin marinig kung ano sasabihin niya.

"I never like you, Santie." Wala naman pala dapat akong ipagalala, hehe.

"It's all because of her, right? Alas, you can't be with her." Naging seryoso ang boses niya, and the heck sino siya para mag desisyon?

"You have no rights para utusan ako!"

"So, paano siya? You are being selfish! Alas, alam kong alam mo naman kung bakit nandito ka, hindi ba? Kahit gustuhin mo, wala kang magagawa!" he shouted out of frustration.

Sinong "siya"?

"Satingin mo Alas hindi ako aware? Alam kong mahal mo pa rin siya because he save you! Now, you are being ungrateful!"

"Yes, I do love him, at hindi naman magbabago 'yon, but may sarili pa rin akong desisyon." Mas naguguluhan ako sa naririnig, parang bibigay na ang tuhod ko anytime.

"You love him? So, bakit hindi mo tapusin lahat? Tapusin kung anuman namamagitan sa inyo ng batang 'yan! You love him, right? Then do it! I dare you."

"But the question is, do you really love that kid? Now answer me." Natahimik naman sila sa loob, please, say yes.

Kahit na medyo nanghihina na ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga narinig, mas pinili ko pa rin ipagpatuloy.

"You can not answer, because you're just us-"

"Get out, Santie!" pagpuputol niya sa sasabihin nung lalaki.

"Okay, if that's what you want. But, I won't stop hanggat hindi mo siya sinusuko. Kung ayaw mo, ako ang gagawa ng paraan." I clenched my fist and jaw. Bumukas ang pinto at may lumabas 'yong lalaki. Napatingin siya sa akin at ngumisi.

"Pity you," I heard him pero hindi ako nag pa apekto. Naglakad na siya paalis at tinignan ko naman siya habang naglalakad papalayo.

Nasira na ang mood ko, pagkapasok ko sa opisina niya, nakita kong minamasahe niya ang kaniyang ulo. Lumapit ako sa lamesa niya at nilapag ang dala ko, napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Mon amour, kanina ka pa nandyan?" tanong niya, umiling naman ako.

"No, kakarating ko lang." I said at walang ganang naupo.

"Are you okay? Bakit ang tamlay mo ata ngayon?" tanong ko sa kaniya.

"I'm okay," tipid na sagot niya.

"Are you sure? You can tell me every-"

"I said, I'm okay. Bakit ba ang kulit mo?" tumaas ang boses niya, at halatang nabigla siya dahil sa ginawa niya. Instead na makaramdam ako ng galit, mas nangingibabaw ang pag aalala ko.

"Hey, I'm just asking, baby. What's wrong?" I tried to be calm para hindi na siya sabayan sa inis niya.

"Bakit ka ba paulit-ulit, Rain?"

"Because, I'm worried. You're acting different." She lowered her head. Lumapit ako sa pwesto niya at niyakap siya.

"I-I'm sorry, Rain. I shouldn't act like this." She explained, I caress her back gently.

"Shhh, That's fine, I understand you."

"Did I hurt you? Tell me, please?"

"A little bit, but don't worry, alam kong hindi mo 'yon sinasadya." I said, nagiging honest lang naman ako, ayoko magsinungaling na hindi ako nasaktan.

Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"Let's eat? Lumalamig na ang pagkain natin." Humiwalay ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo, I smiled pero nakasimangot pa rin siya.

"Hey, we're good na." bumalik ako sa tapat niya at tahimik kaming kumain. Pero hindi ko pa rin maiwasan isipin mga narinig ko kanina, siguro sa susunod ko nalang siya kakausapin tungkol do'n.


"Sure ka na hindi ka sasabay?" I asked her.

"Yeah, babawi ako soon, drive well baby." She kissed my cheeks bago ako lumabas sa opisina niya.

Palabas na ako ngayon ng school, tatawagan ko sana ang driver ko nang may tumawag sa akin.

"Rainiel, right?" nakasandal siya sa gilid at dahan-dahan na lumapit sa akin. Nanatili lang akong seryosong nakatingin sa kaniya.

"Santie, siguro naman kilala mo na 'ko."

"Hindi," malamig na sagot ko, napatawa lang siya ng mahina.

"Okay, okay, chill, I'm trying to befriend with you. Wanna talk? I need something from you." Naging seryoso na rin siya, at inayos ang polong suot niya. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng sagot.

"Sure," in the end, pumayag din ako.

Deceive MeWhere stories live. Discover now