Chapter 35

2.1K 60 6
                                    

Bumalik ako sa tent namin para tignan sana si Prof kung tulog na. Pumasok na ako sa loob at nakita ko siyang nakahiga tapos balot na balot ng kumot.

Mukha siyang namumuhay bilang isang shanghai.

Nakatagilid siya sa paghiga, umupo naman ako gilid niya. Alam kong hindi pa siya tulog.

"Miss," tawag ko sa mahinang boses, pero hindi ako pinansin.

"Ma'am,"

"Prof,"

"Cookie Mon-"

"Ugh! Can't you see that I am sleeping?" she groaned because of annoyance.

"Weh, bakit ka pa po sumagot kung tulog kana?"

"I'm done having conversation with you, doon kana!" I heard her habang nakatalukbkong ng kumot. Ang cute parang bata.

"Nope, Ayaw ko po."

"Edi bahala ka." Naiinis na hayag niya, I chuckled.

May naisip ako.

Sinubukan kong tanggalin ang kumot sa mukha niya. At, hindi pa nga siya tulog. Tumingin naman siya sa akin ng masama.

Nagtalukbong uli siya ng kumot, pero tinanggal ko uli. Bawat talukbong niya, tinatanggal ko. Hehe.

"Leave me alone! So annoying." She exclaimed, I think she ran out of patience because of me.

"May papakita lang sana po ako." I said habang nakatingin sa babaeng nakatalukbkong ng kumot.

"Please?" I plead, tinanggal naman niya ang kumot at tumingin sa akin at hindi ko maiwasan magtaka. Bakit namumula mata at pisngi niya?

"W-What happened to your eyes and cheeks, Miss?" alanganin na tanong ko pero nag iwas siya ng tingin.

"None of your business."

Okay sige, hindi ko na pipilitin.

"O-okay po, tara, may papakita ako." Sabi ko at tumayo. Nakatingin lang siya sa akin, pero tumayo rin siya.

Sanaol matangkad.

"Follow me po." I said at lumabas kami ng tent. Naglakad kami sa kakahuyan, hindi naman masyadong madilim dahil maganda ang sinag ng buwan.

Nang makarating na kami sa gusto kong ipakita sa kaniya, nakita ko siya na parang namangha.

Nandito kami ngayon sa isang waterfalls, may mga alitapatap na siyang kinaganda nito. Naupo kami sa may bato, syempre inalalayan ko hehe, ayaw pa nga, e.

Mas lalo maganda ang view ng buwan dito. Tahimik lang kami, nakita ko siyang pinapanood ang agos ng tubig.

"How did you find this place?" Narinig ko siya.

"Kanina po, habang naghahanap ng mga kahoy." I said. Nahanap ko 'to kanina lang, gusto ko lang ipakita sa kaniya.

"Beautiful," She muttered while looking at the falls.

"Indeed, Miss."

"I know I am beautiful, so stop looking at me." I chuckled because of what she said.

"Miss, magtatanong ako pero syempre hindi ko na itatanong kung pwede bang magtanong." Sabi ko, umiling lang siya.

"Go ahead."

"N-Nasaan po magulang niyo?" alanganin na tanong ko, ramdam kong napahinto siya at tumingin sa akin. Shit dapat hindi ko na tinanong!

"Died." Sagot niya, at parang may nakita akong lungkot at galit sa mga mata niya, pero nawala rin. hindi ko maiwasan mabigla.

Deceive MeOnde histórias criam vida. Descubra agora