Chapter 13

2.9K 67 0
                                    

I’m here at the grocery sa mall namimili ng pwedeng i-grocery, hindi na ‘ko nag pasama sa kanila, hindi naman ako mag tatagal, ‘e. Though we have maids, mas gusto ko ako ‘yong namimili sa amin, marami na silang ginagawa sa bahay and wala namang pasok.

Nandito ako ngayon sa meat section tinignan ko ang cart ko, wala pang laman kasi kakarating ko lang. Pa sipol-sipol lang ako sa daanan habang nakatingin sa mga stall.

Chicken, fish, and beef bibilihin ko, nagpakuha na ‘ko at nilagay sa cart, I’ll buy vegetables for dad.

Hindi ko alam kung cabbage or lettuce bibilhin ko, kaya parehas ko nalang kinuha, pati fruits na rin.

“I’ll take this.” May narinig akong pamilyar na boses, pero baka guni-guni ko lang ‘yon. Pero hinanap ko pa rin kung sino nagsalita. Laking gulat ko nung nasa tabi ko lang pala, medyo napatitig ako sa kaniya ng matagal.

“You look like an idiot, stop staring.” Sabi niya at parang natauhan naman ako, napanguso nalang ako, hmp puro insulto na natatanggap ko ah.

“Grabe, hindi po ba pwedeng cute? Idiot talaga?” pero dedma lang siya at kumukuha ng mga gulay, napansin ko puro gulay at cookies laman ng cart niya? Cookies? Cute.

“No, you’re not.” Sabi niya at umalis na kaya hinabol ko.

“Miss!” tawag ko sa kaniya.

“Maa’aammm.” Pinahaba ko pa ang boses ko pero wala pa rin.

“Mahal.” I blurted out kaya napahinto siya at tumingin sa akin, mukhang lagot.

“What?” finally nagsalita na rin, nakakunot lang ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

“Ikaw po ha, gusto mo palang tinatawag na mahal.” Panunukso ko, pero blanko lang siyang nakatingin sa akin.

“Rainiel.” May pag babanta sa boses niya, wait, did she just called me by my first name?

“D-did you just called me sa first name ko?” hindi makapaniwalang tanong ko at parang natauhan siya.

“It’s not a big deal, go away.” May pagkairitang hayag niya sabay talikod at naglakad na paalis, syempre sinundan ko hehe.

“Maaa’aaam.” Tawag ko uli.

“Stop following me.” Mukhang naiinis na siya, lagot. Pero nginitian ko lang siya.

“My dad said, follow your dreams, so I’m following you, Miss Madam.” I moved my eyebrows upside down pa and suppressing myself from smiling, siya naman mukhang pino-process ang mga sinabi ko.

“Bahala ka.” Sabi lang niya at tumalikod, kaya sinundan ko pa siya hehe.

“Ma’am ano pa po ba bibilihin niyo?” tanong ko sa kaniya napunta kami sa beverages.

“Shut up, and just follow.” Okay, shattap kung shattap pero bakit muna mainit ang ulo niya? I muttered sungit.

Nakita ko kumuha siya ng freshmilk, maybe I should buy some soda.

“Soda isn't good for your health.” I heard her kasi aabutin ko na sana, pero syempre kinuha ko pa rin.

“Mahilig po ba kayo sa freshmilk?” tanong ko at tumango naman siya, himala kala ko mag susungit uli.

“Can I be your freshmilk po ba ma’am?” I blurted out, tumingin naman siya sa akin. Hehe cute.

“Hibang kana.” Awts, sabi ko nga dapat nanahimik nalang ako.

Umalis na kami at syempre sinundan pa rin siya.

“Ma’am saan pa po ba tayo?” tanong ko sa kaniya habang nakatingala, matangkad kasi!

“None.” sabi niya, I nodded. Nakapila na kami at syempre nag favor ako sa kaniya kung pwede bantayan niya muna, tutal malayo pa naman, may nakalimutan akong bilihin.

Tumitingin-tingin ako sa mga candy mweheh. Habang papaalis na ‘ko ng may mabangga ako, bumagsak ako at hinawakan ang ulo saka likuran ko, sakit.

“I’m sorry.” She extend her hands at tinanggap ko, ang tangkad din.

“O-okay lang, hindi naman big deal.” I said saka nginitian siya. Para siyang model dahil sa tangkad.

“You’re cute.” Then she pinched my cheeks, hmp porket maliit cute lang?

“I’m Beatrice.” Sabay lahad ng kamay niya.

“Rainiel, pwede rin namang Rai, Rain or ikaw bahala.” Sabi ko at tumawa naman siya.

“You’re so funny.” Sabi niya at parang nahiya naman ako.

Baliw, ano nakakatawa sa sinabi ko?

“By the way, are you okay? Malakas ba pagkaka impact?” may alalang tanong niya, pero mukhang wala naman akong nararamdaman.

“I’m okay, how about you?”

“Okay lang, ikaw inaalala ko dahil ikaw ang bumagsak.” Sabi niya, tinignan naman niya kinuha ko.

“Rainiel.”

Narinig kong may tumawag sa akin kaya nagulat ako. Nakita ko si Ma’am na nasa likuran ko. Naka crossed arms at walang ekspresyon ang mukha, tumingin din siya sa babaeng nasa tapat ko.

“S-sige na, Bea, sa susunod nalang.” Sabi ko at nginitian siya bago umalis. Papalapit na ‘ko kay Ma’am at nauna na siyang naglakad.

“Miss.” Tawag ko pero walang sagot.

“Ma’am.” tawag ko pa.

“Alas.” At tumingin siya sa akin na nakakunot ang kilay.

“Stop calling me using my first name.” Sabi niya, wewz pag akin, pwede?

“Luh, ako nga tinawag mo, e.”

“Because you’re my student.” sabi niya

“Yiee, Alas.” panunukso ko pa.

“You know po, ang ganda ng name niyo.” Sabi ko parang nabigla yata siya sa sinabi ko, totoo naman, ‘e.

Nauna na siyang mag bayad bago ako. Nang matapos na kami, palabas kami ng supermarket.

“Are you hungry?” tanong niya habang nakatingin sa daan. Lumawak naman ang ngiti ko.

“Miss, sabihin niyo lang po kung gusto niyo ‘ko ka date, papayag naman ako.” Pang-aasar ko pa.

“Fine, don't eat then.” Naiinis na sabi niya, I can't stop myself from laughing, she's being cute pag naiinis.

“Basta libre niyo.” Sabi ko pa.

“Aalukin ba kita kung pag babayarin kita?” sabagay, may point siya. Gutom na rin naman ako. Kaya hinila ko na siya, ewan ko nung hinawakan ko ang wrist niya biglang dumagundong ang puso ko, hindi ko na pinansin.

“A Bee?” tanong niya at tumango naman ako, pumasok na kami. Naghanap na kami ng mauupuan.

“Ako na po mag-oorder, ano po sa inyo?” tanong ko.

“Is there any veggies here?” tanong niya, I apologetically smile at umiling.

“Then what’s their menu?” tanong niya, seryoso? Hindi pa siya naka punta rito? Sinabi ko naman sa kaniya lahat.

“I’ll go with burger and water with no Ice.” Sabi niya at tumango naman ako. Nang matapos na ‘ko umorder, bumalik na ‘ko sa pwesto namin, nakita ko siyang nag p-phone.

Tahimik lang siyang kumakain habang ako kwento nang kwento ng kung anong kalokohan.

“Thank you po, Miss.” Sabi ko at nginitian siya, nandito kami sa parking lot.

“Okay.” Sabi lang niya at pumasok sa sasakyan, hinintay ko naman siyang makaalis bago ako pumasok sa loob


I will never forget who she made me feel that time.

Deceive MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant