Chapter 17

2.9K 85 8
                                    

"Magkakaroon tayo ng U-Day, and pwede kayo mag grupo grupo kung ano gagawin niyo. May activities, booths, and sa gabi meron pa banda." I heard our president said, nakatingin lang ako sa labas ng bintana, so magkaka U-Day uli. U-Day stanss for 'University Day', It's an annual celebration every year.

Para sa akin, napaka boring no'n.

"About sa banda president, meron na ba?" tanong ng classmate kong lalaki sa kaniya.

"Unfortunately, wala pa. Pero kung meron may gusto, pwede kayo lumapit sa amin. Hindi 'to battle of the band, guys." Naramdaman kong kinalabit ako ng katabi ko kaya tinignan ko siya.

"No," kahit na hindi siya magtanong alam ko na kung ano sasabihin o tatanungin niya, napanguso lang siya.

"Pres! Ako may isa-suggest!" narinig ko classmate kong babae.

"Sino?"

Tumingin naman sa siya sa akin at ngumiti, mukhang alam ko na kaya agad akong napalunok.

"Si Rainiel pres, magaling kumanta 'yan."

"Oo, pres, magaling 'tong kaibigan ko." Sabay akbay sa akin ni Cassidy kaya sinamaan ko siya ng tingin, tumingin naman si president sa akin at ngumiti.

"Rainiel na 'yan!" panggatong pa nila, actually lahat sila.

"Rainiel, are you okay with it?" tanong niya sa akin, nakatingin naman mga classmates ko sa akin habang nakangiti, hindi na talaga ako makakatanggi, huminga ako ng malalim.

"Okay, pumunta ka nalang sa office ko para mapagusapan." She said at nagpaalam na para umalis.

"Ano gagawin natin sa U-Day?" tanong ng isa namin na ka-grupo, they decided na bumuo ng grupo para sa U-Day, lima lang kami.

"Mag street foods nalang tayo?" suggest ng classmate namin na lalaki, naka bilog kami.

"Pwede, tapos bentahan natin sila ng fishball dalawang piso isang piraso." Suggest ni Cassidy kaya nakakunot ang noo ko na tumingin sa kaniya, siraulo ba 'to?

"Gaga, satingin mo may bibili sa atin?" tanong ko sa kaniya, napailing nalang iba namin na kasama.

"Ito naman si bff high blood agad, halika nga kiss nalang kita." Lalapit sana siya para halikan ako, pero tinutulak ko ang mukha niya palayo, tumatawa lang iba namin na kasama.

"Layo! Argh!"

"Sige na, kiss lang!" pangungulit pa niya.

"Villarreal." I heard the familiar voice, napatingin ako sa kaniya at na realize ko ang position namin ni Cassidy na nakapatong sa akin kaya bigla siyang bumangon at ako rin. Tumahimik ang buong klase na kanina maingay.

Seryoso lang siyang nakatingin sa amin, lalo na sa akin kaya hindi ko maiwasan mapalunok.

"H-hello, Miss Frontera." Bati ng katabi ko, pero nakatingin pa rin siya sa amin, umalis din siya agad.

Ano nangyari? Tinignan ko naman ng masama ang katabi ko pero nag peace sign lang siya.

"Ehem, so final mag street foods nalang tayo?" tumango lang ako.

"Okay kay Rain, sa inyo?" tumango lang din silang lahat.

★★★

Naglalakad na ako ngayon papunta sa office ni prof with as usual pagkain.

"Happy lunch, Miss cookie monster!" bungad ko pagpasok sa loob. Kaso nakita ko maraming professor sa loob maski director namin, agad silang napatingin sa gawi ko.

Patay.

Naramdaman ko natigilan ako ng hininga saglit.

At ang lakas pa ng boses ko!

"And who are you?" agad akong napalunok, patay ano na gagawin ko! Gusto ko nalang magpalamon sa kinatatayuan ko. Nakita ko si Prof na napailing naman, seryoso lang nakatingin sa akin ang iba niya pang kasama sa loob.

"A-ah, e-eh-" ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko.

"Thank you for bringing my lunch here, Miss Villarreal, you can wait outside, mag-uusap tayo." talagang diniinan niya pa ang salitang 'mag-uusap' ngumiti lang ako ng pilit at lumabas kasama nung pagkain na dala ko. Hindi rin nagtagal at lumabas ja rin silang lahat at napansin kong tinitignan nila ako kaya napayuko nalang ako.

"Come inside." I heard her kaya sinunod ko, kinakabahan akong lumapit sa lamesa niya habang nilalapag ang pagkain.

"I-I'm so-"

"It's fine." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Ngumiti lang ako at umupo sa tapat niya at nilapag ang pagkain namin. Tahimik lang kami.

"M-miss, 'yong kanina sa room, wala 'yon, baka kung ano isipin niyo po." Pagpapaliwanag ko napahinto siya at napansin kong humigpit ang hawak niya sa kutsara na hawak niya.

"Okay." sabi lang niya, bakit na se-sense kong hindi.

"O-okay po." Sabi niya okay e. Napansin kong masyadong brutal ang pag kuha nya sa gulay gamit ang tinidor kaya napalunok ako.

"M-miss, are you okay?" lakas na loob kong tanong, napatingin naman siya sa akin.

"Do I look like I'm okay?" sabi niya napakunot naman ang noo ko. Sabi niya kanina okay?

"Miss sabi niyo po okay lang?"

"Nevermind." She dismissed the topic at patuloy na minumurder ang gulay, buti nalang hindi ako naging gulay. Patingin-tingin ako sa kaniya and I saw how she clenched her jaw, I gulp.

Nang matapos na kami hindi niya pa rin ako kinakausap.

"Miss, alis na po-"

"Stay." Sabi niya, bakit feel ko naging aso ako? Naglakad naman siya at lumapit sa akin. She's towering me right now kaya nakatingala ako, I can feel her superiority over me, it makes me wanna kneel down.

Naglakad siya papalapit sa akin kaya hindi ko maiwasan mapaatras hanggang sa naramdaman ko ang lamesa na nasa likod ko, I’m trapped.

“M-miss? May k-kailangan kayo?” tanong ko, I can't stop swallowing hard. Yumuko siya at lumapit sa tenga ko, Her scent so intoxicating.

“P-prof.” Utal na hayag ko, nararamdaman ko naman ang puso ko.

She lean closer to my ears.

Je suis en colère.” She whispered, napapikit ako, I feel her hand caress my cheeks. I opened my eyes at nakita ko ang mata niya na nakatingin sa akin kaya natulala ako. Umayos na siya ng tayo at naglakad papunta sa pwesto niya. I left dumbfounded.

Deceive MeWhere stories live. Discover now