Chapter 32

2.2K 62 2
                                    

I woke up, and check the time, It's 4:30 am in the morning, tumingin naman ako sa katabi kong higaan, she's still sleeping, niligpit ko muna ang hinigaan ko.

Kinuha ko na ang hygiene kit ko sa bag and towel, kailangan ko maghanap ng maliliguan. Bago ako lumabas lumapit muna ako sa pwesto niya, inayos ko ang kumot. She still gorgeous. Lumabas na ako ng tent at malamig na hangin ang sumalubong sa akin, medyo madilim pa.

Napansin ko walang ibang tent ang nandito maliban sa amin. Naghanap ako ng pwedeng maliguan. May nakita naman akong balon, lalapit na sana ako nang biglang may sumagi sa isip ko.

Dito lumalabas si sadako, ‘di ba? Iyong may mahabang buhok tapos lumalabas sa balon? Napanood ko ‘yon! Tapos medyo madilim pa rito, tahimik, at malamig. Hindi ko maiwasan makaramdam ng takot at mapalunok. Pa unti-unti akong napapaatras at may naramdaman akong kumalabit sa akin, bigla akong napahinto.

Biglang huminto ang pag hinga ko at ramdam ko ang takot na bumabalot sa sistema ko, si sadako na ba ‘to?

Tatalikod ba ako, o huwag na? Biglang may kumalabit nanaman. Huhu help!

Huminga muna ako ng malalim, at—



“Rainiel.”

“SADAKO!” I exclaimed dahil sa pagkagulat, bigla akong napapikit at nag cross sign, unti-unti kong dinilat ang mata ko at,

“M-Miss Frontera?” I said in disbelief, nakatakip naman ang tenga niya at masamang nakatingin sa akin. Hindi pala si sadako, mas malala pa kay sadako, kidding.

“Who the fuck is sadako?” may diin sa tono niya, halatang naiinis. Napansin ko nakasuot siya ng bugs bunny na pajama, cute. Galit pa rin siyang nakatingin sa akin.

“Wala, Miss. Bakit ba kasi kayo nanggugulat at basta nalang sulpot nang sulpot. Ano ba ginagawa niyo rito?” tanong ko sa kaniya.

“Mamamangka.” Pilosopong sagot niya, hindi ko maiwasan mapanguso. She rolled her eyes.

“Of course maliligo, kairita. You, what are you doing here?”

“Mangingis—ARAY!” biglang binato niya ‘ko ng toothpaste sa mukha, hinimas ko ang mukha ko, ang sakit!

“Bakit ka naman namamato, Miss?” hindi ko maiwasan mapabusangot.

“Oh, it's not me, ask sadako.” Masungit na sagot niya at nilagpasan nalang ako, nakita ko naman na dumiretso siya sa balon. Hmp, aga-aga, ang taray-taray.

★★★

“Nandito na ba ang lahat?” I heard our principal, It's 7 am at nakakaramdam na ako ng antok, katabi ko si Cassidy.

“Okay, magtatanim tayo ngayon ng mga puno.” He added, nakita ko naman nagtaas ng kamay ang katabi ko.

“Pwede po ba magtanim nang sama ng loob?” napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan, gusto ko nalang kalimutan na magkaibigan kami. Napailing nalang ang principal namin.

“Okay, mag start na kayo, hanapin niyo na ang partner niyo.” Iginala ko naman ang paningin ko para hanapin si Miss Frontera, kaso hindi ko mahanap, don't tell me naiinis pa rin siya sa akin? Ako nga dapat mainis, e. Hmp.

”Babush, hinahanap na ‘ko ni Miss Contreras.” I heard Cassidy, tinulak ko naman siya palayo, nang inis pa ang gaga.

Naglakad nalang ako at nagsimulang magtanim, kaso hindi ako marunong. Bahala na. Nagsimula na ‘ko maghukay.

“Mali ‘yan.” May narinig akong pamilyar na nagsalita, tumingala ako.

“I’ll teach you.” Miss Frontera said, at yumuko. Inexplain naman niya sa akin kung paano kaso nakaka distract ang mukha niya. Naka messy bun siya, at fitted ’yong t-shirt na suot niya.

“Are you listening?” tanong niya sa akin na nakapag pabalik sa sarili ko, natauhan ako bigla.

“Opo, Miss.” Sagot ko at ngumiti sa kaniya.

“Really? Then, why are you looking at my face? Nasa mukha ko ba ang lupa?” hindi ko maiwasan matawa, nagtataray nanaman.

“Nope, I’m fascinated by how beautiful you are, Miss.” I said and winked at her. I saw how her pupils dilated at nag iwas naman siya ng tingin.

“I already knew that.” She said, ako naman ang pinasubok niya, and taraaan! Kaya ko na, lumawak naman ang ngiti ko.

“Miss!” tawag ko sa kaniya, and I caught her smiling too, pero nung nahuli niya ‘ko na nakatingin sa kaniya, bumalik nanaman sa pagiging mataray ang mukha niya.

At least, I made her smile again!

“You’re a fast learner.” She said plainly, I nodded. Nag tanim pa kami nang nag tanim, at na e-enjoy ko naman.

“Rainiel.” Tawag niya sa akin kaya tumingin ako sa kaniya kaso bad decision dahil binato niya ‘ko ng lupa, buti hindi ko nakain. I saw her smirking, binato ko rin siya pabalik, at sinamaan naman niya ako ng tingin. Gumanti lang ako.

“You dimwit!” babatuhin niya sana ako nang hawakan ko ang palapulsuhan niya, may naramdaman ako na siyang kinatigil ko, bakit bigla akong nakuryente?

I saw Miss Frontera’s face na natigilan din at tumingin sa akin, alam kong naramdaman niya rin ‘yon.

What happened?

Binitawan ko naman siya at bumalik nalang sa pagtatanim, tahimik lang uli kami, kahit siya na sobrang seryoso ang mukha.

★★★

“Are you hungry?” I heard Miss Frontera asked me, tumingin ako sa kaniya and I nodded, It's already lunchtime.

“Stay here.” Sabi niya at umalis, saan nanaman kaya ‘yon pupunta? Ilang minuto lumipas nakabalik na rin siya. May hawak-hawak siyang basket.

“Hi, Boss Madam!” bati ko, nilapag naman ang dala niya at may iba’t-ibang klaseng gulay.

“Where did you get this, Miss?” tanong ko sa kaniya.

“Woods.” Napansin ko naman na may maliliit na gasgas ang kamay niya, don't tell me namitas siya para sa amin? Magsasalita sana ako nang narinig ko siya.

“Stay here, I’m gonna cook this.” She said, tinanggal naman niya ang bracelet niya and, hindi lang basta bracelet ‘yon, I think multi purpose na bracelet. May pinindot siya at may lumabas na flint. Kinaskas naman niya ‘yon at may apoy na lumabas. Hindi ko maiwasan mamangha.

“I used to live in the wild when I was in the military.” I heard her, naalala ko pala na madami siyang trophy, medal, and certificate sa bahay niya nun. Nakaka mangha.

Hinugasan naman niya ang gulay at nagsimulang hiwain. Mas lalo siyang gumaganda kapag nag se-seryoso, hindi ko maiwasan mapangiti.

Swerte mapapangasawa ni cookie monster.

Nang matapos siyang magluto, pumasok na kami sa loob ng tent. Nilabas ko naman ang baunan ko. Kumuha ako at tinikman ang gawa niya, masarap.

Tahimik lang din naman siyang kumakain. Kumuha ako ng tubig at binigyan siya, napatingin naman siya sa akin at tinanggap din ang hawak kong tubig.

“Miss,” tawag ko sa kaniya, napatingin siya sa gawi ko.

“If looks could kill, you’d be a weapon of mass destruction.” I said and winked at her. Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko at nag iwas ng tingin.

“Rainiel.” Tawag niya rin sa akin.

“You know what you would look really beautiful in....” she stopped and looked at me intently, I swallowed hard because of her beautiful eyes,

“In my arms.” My jaw dropped, and I can feel my heartbeat again, napakalakas. She bit her lower lip at yumuko, she's holding her laugh.

Did she...did she just—

“I was just kidding.” Bumalik sa pagiging seryoso ang boses niya. Wewz, kidding daw.

I’m still speechless, and








I’ve fallen.....again

Deceive MeWhere stories live. Discover now