Chapter 2

4K 92 9
                                    

"Rain, nak, baba kana. Kakain na kayo ng daddy mo." Tawag si akin ni nanay sa labas ng kwarto ko.

"Sige po, susunod na." I fix myself bago bumaba, shorts and plain t-shirt lang, pwede na, ang comfy kasi e.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko si dad, my dad's name is Rico Salazar Villareal, a well-known politician.

Naka pwesto na siya sa dining room at currently nakasuot sa office attire niya.

"Good evening, dad." Bati ko sa kaniya and I kissed his cheeks. Nasa mid 50's na siya pero hindi pa rin kumukupas ang kakisigan niya.

"Good evening, too." Bati rin niya, bibihira lang kami mag usap due to his schedule at ako naman sa pag-aaral. Though he's a politician wala akong balak sumunod sa yapak niya, hindi naman niya ako pinipilit.

Umupo ako sa tabi niya at nagsimula na kaming kumain.

"Kumusta pag-aaral mo?" tanong niya, to be honest, hindi alam ni dad na kotang kota na ako sa late hehe.

"Okay lang po, as usual consistent dean's lister." Sagot ko habang kumakain.

"Good to hear that, I know you can do better." Hindi naman ako pine-pressure ni dad sa pag-aaral, kung ano lang daw ang kaya ko, ayos lang. He's a best dad ever!

"How's politics and business?" Tanong ko sa kaniya.

"Gano'n pa rin, maraming kabanggaan lalo na sa politika, don't worry, mag-iingat ako palagi." Sabi niya, I'm aware naman na delekado talaga ang pumasok sa politika kaya hindi ko maiwasan magalala kay dad

"What's your plan pagkatapos mo grumaduate?"

Napaisip ako kung ano ba talaga gusto ko, seriously, I took this course at wala akong plano? That's okay, may oras pa naman para makapag isip.

"Wala pa po." Tumango lang siya.

"That's okay, mahalaga makatapos ka muna. Don't pressure yourself too much." Ngumiti lang ako sa kaniya.

Napaisip ako sa sinabi ni Cass about lovelife thingy kaya naisip kong mag hanap sa dating apps, try lang naman.

Pass, masyadong mahalay.

Looking for fubu? No thanks.

Pass, parang tatay ko na.

Pass, ayoko sa hubadero.

Pass din, hanap niya chinita na short hair.

Hard pass, may longgadog ang hanap niya.

Seriously? Mag iisang oras na ako rito wala pa rin akong matipuhan? Pinatay ko na cp ko at binaba, I massage my temple.

Umilaw ang laptop ako at nakita ko may incoming group call.

"Good Evening! Girls!" Bati ni Cass sa screen.

"What? I'm studying." Iritableng sabi ni Nat, bagay talaga sa kanya naka messy bun at salamin.

"Sus, palagi naman." Sabi niya habang may binubuo na parang cube.

"I'm not like you na walang ginagawa sa buhay." Natalie bored said.

"Tama na 'yan, bakit kayo tumawag?" tanong ko.

"Not me, ask Cassidy."

"Wala lang, tara bar tayo sa susunod, nakakamiss, e." Yaya niya, matagal na rin pala simula nung lumabas kami.

"Sigeeee na, bago mag exam, plith, plith." Nagpacute pa ang gago, Natalie rolled her eyes.

"Ano, Nat? Pagbigyan na ba natin ang isang 'to? Kawawa naman baka tumalon." Pagbibiro ko.

"Oo na." Alam kong napilitan lang siya dahil sa kakulitan nung isa.

She widely smile na parang nanalo sa lotto, napailing nalang ako.

"Thank you mga sister! Mwah, baba ko na, bye, love y'all." Nag flying kiss siya bago inend ang tawag, seryoso, para ro'n lang? Binaba ko na ang laptop at naglakad papunta sa kama.

Mahaba haba nanaman ang araw bukas.

Dios mio! Kung kahapon late na ako, ngayon naman, late na late na. Nagmamadali akong tumakbo sa hallway. Malapit na talaga ako buminggo kay Mr. Samaniego, siya 'yong professor ko na kinausap ako kahapon.

Maling partner pa ng sapatos ang naisuot ko, instead pair of white shoes, bakit may floral 'yong isa!

Wait, nakapag suot ba ako ng undergarments? Ah, nevermind basta late na late na ako!

Buti nalang marunong ako mag parkour hehe kaya madali nalang sa akin humanap ng daanan.

Talon dito, talon doon, takbo rito, takbo ro'n, para lang ako nag f-free running. Advantage ko pala 'to pag naging snatcher ako, biro lang.

Nang makarating na ako sa floor agad ako kumaripas ng takbo papunta sa dulong room.

Let me remind you, Rai, na meron hagdanan at elevator sa mismong tabi ng room mo.

I know! Sisihin mo 'yong adrenaline rush ko!

Hinihingal ako na huminto sa tapat ng room ko, bubuksan ko sana ang pinto biglang lumabas na si Mr. Samaniego, I'm doomed.

Nanlaki ang mata ko habang kinakabahan, nagkatinginan naman kami, ngumiti lang ako na parang inosente at siya naman walang ekspresyon.

"Follow me, Mag-uusap tayo, punasan mo nga 'yang pawis mo!" singhal niya at may binigay na tissue. Habang sinusundan ko siya pinupunasan ko naman ang pawis ko. Letse, bababa nanaman, kakagaling ko lang do'n, e!

Sa loob ng faculty, may isa pang kwarto ro'n which is kwarto ni Sir. When we arrived at his office, umupo siya sa swivel chair niya. Ako naman nakatayo lang.

"Sit, Rainiel." He said while massaging his temple. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tapat niya. Huminga siya ng malalim bago mag salita.

"Rainiel, hindi porket inaanak kita, i to-tolerate ko na ang ginagawa mo. Lumalala na 'yang pagiging pala-late mo. I'm disappointed, really disappointed." Napahinga naman ako ng malalim at nakayuko lang.

"Tito, can we slide this? Promise It won't happen again." Tinaas ko pa ang isang kamay ko parang namamanata.

"No, and lastly, gusto ko ayusin mo 'yang pagiging late mo, paano nalang pag dumating na ang bago niyong propesor." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What do you mean, tito?" I ask while creasing my forehead, nakatingin lang siya sa akin. I swear pag isa 'yang matandang panot at may galit sa mundo, mag d-drop nalang ako.

"May aayusin ako at kailangan ko ng kapalit. Rai, gusto ko magpakabait ka, ayoko maging sakit sa ulo ka niya. That professor is not just a professor."

"Alien ba siya?" pagbibiro ko tinignan lang niya ako na parang nagbabanta.

"Rai, stop joking." Napa peace sign nalang ako.

"That person is an ex army with a highest rank." Napangaga ako dahil sa sinabi niya, so totoo nga ang chismis na kailangan kong magpakabait, napalunok ako.

"S-sige po hehe, sabi na magpapakabait na, e." Ngumiti siya na para bang naniniwala sa akin.

"I believe in you." He pat my shoulder, he's the best tito talaga.

"Kailan siya dadating?" tanong ko.

"Maybe next week? Basta dadating nalang daw siya." Sabi niya at tumango lang ako. Tumayo na ako para magpaalam sa kaniya. I hug him at umalis na palabas. Kinuha ko ang phone ko at ginamit habang naglalakad.

Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, may nabangga ako, buti hindi ako tumilapon.

"S-sorry." Paghingi ko ng paumanhin pero hindi ko na inangat ang tingin ko kung sino 'yon. Ano ba 'yan, feel ko bumangga ako sa pader. Pero ang bango niya ah, amoy lavender.

May nakita naman akong nalaglag sa sahig kaya dinampot ko.

Letter A at color maroon na ballpen, wait is this a real gold with diamond? Ibibigay ko sana kaso nawala na 'yong tao na nabangga ko.

Sana hindi ako mapagkamalan na magnanakaw.

Deceive MeWhere stories live. Discover now