Chapter 45

2K 49 2
                                    

January

"Nak, pinapapunta ka ng ama mo sa opisina niya, pumunta kana, ha?" salubong sa akin ni Nanay pagkapasok ko sa loob, I kissed her cheeks bago tumuloy sa office ni dad sa bahay. I knocked the door muna bago pumasok.

He's smiling at me and I returned the smile also, naglakad ako papasok at umupo sa tapat niya, he's wearing his attire. Pero parang stress si dad halata sa mukha niya ang pagod ngayon.

"Kumusta kana, nak?" panimula niyang tanong.

"Okay lang dad, ikaw po? Bakit para pong pagod kayo?" hindi ko maiwasan mag alala kaya naitanong ko na, nginitian lang niya ako.

"I'm okay, marami lang talagang ginagawa sa office. Ikaw dapat kamustahin ko. I'm your dad kaya natural lang na kamustahin kita palagi kahit hindi tayo nagkakasama." He genuinely said, napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit na marami siyang ginagawa hindi pa rin niya nakakalimutang kumustahin ako.

"Thanks, dad. But, I am really okay, no need to worry. Kayo po baka napapabayaan niyo na sarili niyo."

"Huwag mo na ako alalahanin, nak. Palagi naman ako nag-iingat. Malakas 'to!" he even flex his muscles kaya natawa kami pareho. May kinuha siya sa bulsa niya at inabot sa akin, a card.

"There, hindi ka nanghihingi sa akin kaya ako nalang magbibigay. Treat your friends or someone you love." He even teased me while saying "someone you love."

"Dad, may pera pa naman ako, no need at marami pa ang natira sa akin."

"Nah, just take it, and ito pa." May inabot siya sa akin na susi.

"Tara, may pupuntahan tayo, maaga pa naman." Pag aaya ni dad, sabay kaming tumayo at lumabas sa opisina niya. Sumakay naman kami sa sasakyan niya at siya na ang nag drive, nakatingin lang ako sa labas. Ilang minuto nakarating kami sa isang private na lugar, maganda ang ambiance nung kapaligiran dahil sa mga puno.

But one thing caught my attention ay isang bahay. Hindi siya gaano kalakihan pero modern na modern ang design sa labas.

"Surprise, nagustuhan mo ba? Matagal ko na pinapagawa 'to para sa iyo." Dad said while smiling.

"One day, I know you'll have your own family. It doesn't matter if it's a girl or a boy. What matter is, you're happy."

"Choose your happiness, anak." He pats my head, gusto ko maiyak. He hugs me and I can feel her hands stroking my back gently.

"How I wish mailakad kita papunta sa altar. I'll be the happiest man ever." Humiwalay siya sa akin.

"Dad, don't say that. Of course kayo naman talaga."

"Hayst, ang nega naman natin. Gusto mo ba pumasok sa loob?" Pag aaya niya sa akin.

"Next time nalang po, thank you, sobra naman 'to."

"Anak kita, natural lang na ibigay ko sa'yo ang lahat. At, malapit kana grumaduate, kung ano man ang pipiliin mo, I'll support you. Huwag mo sundan ang yapak ko dahil lang sa ama mo ako. Gusto ko piliin mo 'yong mga bagay na gusto mo talaga." I nodded at bumalik na kami sa sasakyan para umuwi.

★★★

"I miss you cookie."

"Duh, kanina lang tayo nagkita sa school." I chuckled, kausap ko siya sa call. Nakahiga lang ako sa kama.

"Hindi mo ba 'ko miss? Grabe ang sakit no'n." Sinubukan ko mag paawa, I even pouted.

"Shut up, I miss you everyday, okay kana?"

"Eh, bakit parang labag yata?" totoo naman e, hmpf.

"I'll kiss you tomorrow. Sleep now, my baby dwarf." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"I can't sleep. Kantahan mo nalang ako." Narinig ako ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya.

"Aight," yown!

Nagsimula naman siyang kumanta pero bakit nursery rhymes? Anong trip nito? Effective naman kasi inaantok ako. Unti-unting nilalamon na ako ng antok, bago ako tuluyan makatulog may sinabi siya.

"Sleepwell, my baby dwarf."

"Good Morning, cookie ko!" I hug her, sabay kaming pumasok sa sasakyan niya.

"Morning." Tipid na bati lang niya, ano nanaman ba meron?

"Hey! What's wrong?" tahimik lang kami sa loob ng sasakyan.

"You forgot something important." She said in a cold tone, napaisip naman ako.

"Hoy, hindi ko nakalimutan maligo ah! Mahal mahal ng body wash ko, e." Tinignan lang niya ako, walang nag bago, ang ganda niya pa rin hehe.

"Seriously?"

"Ano ba 'yon?" hindi ko maiwasan magtaka.

"You didn't kiss me." Reklamo niya, ahh kaya pala mainit ang ulo. I gave her a peck at nginitian siya.

"There! You're such a cutie!" I pinched her cheeks, she playfully rolled her eyes at ngumiti.

"Whatever," At, nagsimula na siyang mag maneho.

"Study well, mon amour." Paalala niya sa akin habang palabas kami ng sasakyan niya.

"Ikaw kaya first sub ko natural."

"Dumbass, hindi lang sa subject ko." Saway niya sa akin.

"Oo na, ikaw din see you sa lunch." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kami naglakad. Panay ring naman ang phone niya pero hindi niya sinasagot.

"Hindi mo ba sasagutin 'yan?"

"Don't mind it." Kinuha nalang niya ang phone niya sabay shinut down.

Huminto kami sa tapat ng office niya.

"May kukuhain lang ako, you can go alone naman baka kasi matagalan ako." I nodded, ako nalang ang mag isa pumunta sa room namin.

Deceive MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant