CHAPTER SEVENTEEN

3 0 0
                                    

Makalipas ang isang linggo ay nagising na din si Iori. Tulog si Athena sa tabi nito ng magising ang binata. 

'Athena. wika ng binata habang inaayos ang magulong buhok ng dalaga. 

Nagising ang dalaga at napasigaw ito. 

IORIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII! sigaw ng dalaga sabay yakap sa binata. 

'Miss na miss na miss na kita! dagdag na nito. 

'Ano ba ang nangyari? tanong ng binata kay Athena. Sinubukan ni Iori bumangon subalit hindi niya pa kaya. 

'Mahabang kwento, pero masaya ako at gising ka na. mahinang wika ng dalaga. Hinalikan nito sa labi ang binata. Nagulat si Iori sa pangyayaring iyon pero nagpapasalamat siya at hindi siya iniwan ng dalaga. 

'Aayusin ko na ang mga papel mo para makalabas na tayo dito. sabi ng dalaga. 

Kinausap ni Athena ang doctor na walang sawa sa pagbisita at pagtingin sa lagay ng binata nung nawalan ito ng malay.

'Doc, makakalabas na po siya? tanong ng dalaga sa doktor. 

'We have to do series of test pa iha. Pero mukhang okay naman na ang asawa mo. sagot ng doktor sa dalaga. 

Opo doc, hehe. nakangiting sagot ng dalaga sa doktor. 

'Salamat po at hindi niyo siya pinabayaan. mahinang wika ng dalaga sa doktor. Yumakap si Athena sa doktor. 

'Wala iyon iha, trabaho namin na subaybayan ang bawat pasyente dito sa ospital. sagot ng doktor.

'Kapag naayos mo na ang lahat ng babayaran ninyo, gagawin ko na ang release order ni Iori. sagot ng doctor. Umalis na ito at naiwan ang dalaga. 

Makalipas ang dalawang araw ay nakalabas na ng ospital ang binata. Inaalagaan siya ni Athena sa bahay nila. 

'Sabi ng doctor, magpalakas ka para makabalik ka na sa trabaho mo. wika ni Athena sa binata. 

'Oo naman! Pakiramdam ko nga ay magaling na magaling na ako. sagot ng binata sa dalaga. 

'Pwede na tayo gumawa ng baby ulet. wika ni Iori sa kasintahan sabay yakap dito. 

'Siraulo ka! Hindi pa nga lumalabas itong isa eh. sagot ng dalaga sa binata. 

'Ayos yan Athena, para kambal pag labas. Lika na dali. yaya ng binata sa dalaga. Hinatak nito ang kamay ng dalaga. 

Masaya ang dalawa. Normal na ulet ang kanilang buhay. Parang walang nangyari. 

Nagpatuloy ang relasyon ng magkasintahan. 

(5:30 PM sa park na madalas nilang tambayan)

'Athena, pakasal na tayo sa simbahan. yaya nito sa dalaga. Nasa tapat sila noon ng isang simbahan kung saan sila madalas magsimba. 

'Iori, bumabawi pa tayo sa gastusin nung naospital ka. sagot ng dalaga. Malaki din ang binayaran ng dalawa sa nangyari sa binata. Umabot ng 100k ang nagastos ng dalawa sa ospital.

Tsaka nagpakasal na tayo sa huwes db? okay na yun. Pag nakabawi tayong dalawa, tsaka natin planuhin yang sa simbahan. okay? dagdag pa ng dalaga. 

'Madali na lang yan, di naman importante na magarbo ang kasal natin eh. sagot ng binata.  

'Minsan na nga lang tayo ikakasal, gusto ko siyempre yung para akong disney princess. wika ng dalaga na umaakting na prinsesa. 

'Ikaw bahala. sagot ng binata sa dalaga. Hinalikan ng binata sa labi si Athena at sabay yakap sa dalaga.

Maya maya ay dumaan na naman ang taong grasa na nakatira sa park kung saan sila madalas magpalipas ng oras. 

'MGA TALANDE!' wika ng taong grasa sabay dila sa magkasintahan. 

Nagtawanan naman si Iori at Athena sa pangyayaring iyon. 

Ilang taon ang lumipas at nagpakasal din sa simbahan ang magkasintahan. Abay nila sa kasal ang kanilang dalawang anak. Isang babae at lalake na naging ring bearer at flower girl nila. 

'You may now kiss the bride, wika ng pari sa magkasintahan.

'MAHAL NA MAHAL KITA IORI.' Mahal kita Mr. Pessimistic!

'MAHAL NA MAHAL DIN KITA ATHENA.' Mahal kita Ms. Aggressive!  

END of STORY. 

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jan 06 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

WHEN MR. PESSIMISTIC MEETS MS. AGGRESSIVENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ