CHAPTER THREE

5 0 0
                                    

Kumakain na si Iori pero naiisip niya pa din ang dalagang si Athena. Halos maubos na niya ang inorder na dalawang manok at tatlong kanin sa fastfood na madalas niyang kinakainan tuwing nasa mall siya. Gutom na gutom ang binata dahil mag aala una na din kasi ng tanghali. 

'Athena'. wika ni Iori sa sarili sabay subo ng balat ng manok. Nagdadalawang isip siya kung babalikan niya pa ang dalaga kasi wala naman siyang pambili ng condo. Maliit lang ang kanyang kinikita sa pabrika na pagawaan ng sapatos at kakaregular niya pa lang sa naturang trabaho.

Pagkatapos kumain ni Iori ay naglakad na ulet siya patungo sa pwesto ni Athena. Pagdating sa lugar, napansin niyang iba ang nakatayong babae doon. 

"Miss, si Athena nasaan? tanong ni Iori sa babaeng nakatayo sa pwesto ni Athena kanina. 

"Ay kumain po eh. Bibili ka ba ng condo sir? tanong ng dalaga at nagumpisa na itong magsalita ng mga bagay tungkol sa binebenta nitong condo subalit di naman nakikinig si Iori at palingon lingon na hinahanap pa din si Athena. 

Biglang dumating si Athena mula sa likuran ni Iori at nagwika ng, "Hinahanap mo ba ako Sir? Lumingon si Iori para tignan si Athena at nagkangitian silang dalawa.  

"Kala ko di ka na babalik eh. sabay tapik sa balikat ni Iori na akala mo eh sobrang close na nilang dalawa. Namula naman ang binata at napangiti sa ginawa ni Athena. Tumigil sa pagpapaliwanag ang kasamang babae ni Athena. 

"Ikaw na bahala dyan ah. Magkakilala ba kayo? sagot ng katrabaho ni Athena. 

"Ah oo close nga kami nito ni Iori eh. sabi ni Athena sabay kindat kay Iori na biglang tumingin palayo kasi nahiya sa ginawa ng dalaga. Mahiyain talaga ang binata at di sanay sa mga babae na agresibo tulad ni Athena. 

Umalis palayo ang katrabaho ni Athena at naiwan sila ni Iori. 

"Sir Iori, okay ka lang. Nagbblush ka dyan. Di ka pa ba nakikindatan ng babae? sabay tawa ni Athena at inayos ang laptop kung saan ipapakita kay Iori ang picture ng condo na kanyang iaalok rito.

"Magkano nga itong condo na inaalok mo? tanong ni Iori kay Athena habang nakatitig sa laptop sa lamesa. 

"2.5 million." sagot ni Athena habang patuloy sa pagpindot sa laptop upang ipakita ang kabuuang na larawan ng nasabing condominium. 

Napalunok ng laway si Iori sa sinabi ni Athena. Nak ng boogie yan, sabi ni Iori sa isip niya. Napansin ni Athena parang di bibili ang binata pero patuloy pa din siya sa pagkumbinse dito.

"Pero sir maganda naman di ba? Sakto lang sa presyo. wika ng dalaga na nakatingin kay Iori na parang inaakit ito.

"Maganda naman. Ilang kwarto iyan? tanong ni Iori habang nagkukunwaring may dinudukot sa bulsa. 

"Isang kwarto lang Sir Iori, bale master bedroom lang. sagot ni Athena. "

Kunin niyo na po ba? dugtong ni Athena. 

"Pagiisipan ko. Pwede ko ba makuha ang number mo para message kita sa desisyon ko? tanong ni Iori sa dalaga. 

"Eto sir oh, sabay turo sa leaflet sa lamesa. Nakasulat pala sa leaflet ang cellphone number ng dalaga.  

"Ah oo nga no, di ko napansin. sagot ni Iori habang nagkakamot ng ulo kahit hindi naman makati. 

"Message mo ako sir pag bibili ka na ah." sagot ni Athena sabay kindat ulet kay Iori.  Alam naman ni Athena na hindi bibili ang lalake pero binigay pa din niya ang number kasi natutunugan niyang yun lang ang pakay nito sa kanya. Ganito kasi ang mga lalakeng tipo ni Athena yung mga mahiyain. Nachachallenge kasi siya sa mga ganitong lalake. 

'Oo sige. Imemessage kita.'  sagot ng binata habang paalis sa tapat ni Athena. 

"Hintayin ko sir." sabay flying kiss patungo sa direksyon ni Iori. 

5pm ng hapon. 

Nakauwi na si Iori sa kanilang bahay at nadatnan niya ang kanyang tatay na laging may inuutos sa kanya na kaya naman nitong gawin. Nakaupo ito sa sofa nila at nanunuod ng Family Feud. 

"Anak, abot mo nga yung remote control. Ililipat ko sa balita.' wika ng tatay niya na halos nakahiga na sa sofa. 

"Eh balita na susunod dyan 'tay.' wika ni Iori habang iniaabot ang remote control sa kanyang tatay. 

"Ayoko sa 24 Oras, wala na si Mike Enriquez eh. sagot nito sabay lipat ng channel. 

Iiling iling naman si Iori habang patungo sa kanyang kwarto. Nagpalit siya ng damit at humiga sa kanyang kama. Iniisip niya pa din si Athena at ang inaalok nitong condo. 

"Hindi ko naman kaya bumili ng condo." wika ni Iori habang nakatingin sa mga bituin. May mga glow in the dark na bituin kasing nakadikit sa kisame nila na nakapaikot sa bumbilyang nagsisilbing ilaw niya sa kwarto. Mahilig kasi siya sa bituin kaya naisipan niyang lagyan ang kanilang kisame. 

Nakatulog na si Iori kakaisip ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nagising siya sa tunog at dahan dahan niyang inabot ang cellphone sa may ulunan niya. Naiwan niya pala ito kanina nung nagtungo siya sa mall. Binasa niya ang mensaheng natanggap. 

Hi sir! Kunin niyo na po ba yung condo? - Athena ♥

Napabangon siya sa kama at nagsuot ng salamin. 

Si Athena. Nagmessage ito agad sa kanya. Napangiti siya habang paulit ulit na binabasa ang message ng dalaga. 

Biglang pumasok ang kanyang tatay sa kanyang at pinagmasdan siya nito. 

'Anak, kanina ka pa pala gising, kain na tayo.' wika ng ama na nakatingin pa din sa kanya. 

'Crush mo yang nagtext ano at nakangisi ka dyan? dagdag pa ng ama na akmang lalapit kay Iori upang silipin ang mensahe sa kanyang cellphone. 

"Hindi ho. sabay layo sa kanyang tatay palabas ng kwarto. 

Habang kumakain ang mag-ama ay nagkukwento si Iori sa kanyang tatay tungkol kay Athena.

'Ah ganun ba, maganda pala eh. Ba't di mo ligawan nak? tanong ng kanyang tatay kay Iori sabay subo ng taba ng baboy mula sa sinigang na ulam nila. 

'Eh tay, nahihiya akong kausapin eh. Kinakabahan nga ako kanina nung kinausap ako eh. saad ng binata habang naglalagay ng kanina sa pinggan nito.

'Di ka talaga nagmana sa akin, kung ako ikaw, syota ko na agad yan. wika ng kanyang ama habang nakangisi. 

Napangiti si Iori kasi alam niyang palikero ang kanyang tatay noong binata pa ito kwento ng kanyang yumaong ina. 

'Nagmessage na nga ho eh.' sagot ni Iori sa kanyang ama habang naghuhugas ng kamay sa lababo. 

'Anak, baka sa kanya na mangagaling ang apo ko. Tuluyan mo na yan.' wika ng ama kay Iori habang nililigpit ang kanilang pinagkainan. 

'Bahala na ho tay, sagot ni Iori habang papunta siya sa kanyang kwarto. 


END OF CHAPTER THREE.


WHEN MR. PESSIMISTIC MEETS MS. AGGRESSIVEWhere stories live. Discover now