CHAPTER SIX

4 0 0
                                    

Pauwi na si Iori galing sa pabrika lulan ng kanilang service van. Doon siya lagi nakikisabay pauwi para makatipid na din sa pamasahe.

'Salamat par! sabi ni Iori sa driver ng van. Ibinaba siya nito sa mismong tapat ng bahay nila. Pagpasok ni Iori sa gate ay naabutan niya ang tatay niyang nagkukumpuni ng bike.

"Mano po, tay. sabay abot ng pasalubong na siopao sa kanyang tatay.

"Asado' to? sagot ng tatay ni Iori habang sinisilip ang supot na pinaglalagyan ng siopao.

"Syempre pa. sagot ni Iori sabay pasok sa loob ng bahay nila.

"Nak, maghain ka na dyan. Kain na tayo. sigaw ng tatay niya.

Nakauwi na din si Athena sa bahay nila at naabutan niya ang kanyang ina na nagsusulsi ng shorts niya.

'Nay, gabi na ho. Bukas na po iyan. bati ni Athena sa kanyang ina sabay akma itong magmamano.

"Kumain ka na dyan at busog pa ako, sagot ng ina na itinigil ang pagsusulsi at binuksan ang TV. Oras na para sa drama na pinapanood nito tuwing gabi.

Matapos kumain ay nagligpit na si Athena at umakyat na sa kwarto nito.

Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang backpack at nagumpisang magbrowse sa  online shopping app na Shine. Dahan dahan siyang humiga at maya maya pa ay nakatulog na hawak anh cellphone.

Nakahiga si Iori at nakatingin sa kawalan. Inaalala ang kwentuhan nila ni Athena.

"Ang ganda niya talaga. pabulong na sabi ni Iori sa sarili. Minsan lang kasi siya humanga sa isang babae na tulad ni Athena ng ganun kabilis.

"Magugustuhan kaya ako ni Athena? tanong ni Iori sa sarili.

"Malabo yan, hindi kayo bagay. sinagot niya ang kanyang sariling tanong. Pero sa kanyang isip ay buo ang pasya niya na gagawa siya ng paraan upang magustuhan ng dalaga.

Maya maya pa nakatulog na si Iori kakaisip kay Athena.

"Athena, mahal na mahal kita. Sana ay tanggapin mo ako bilang iyong boyfriend. sabi ni Iori kay Athena habang hawak ang kamay nito.

"Iori, mahal din kita. Sobra pa sa inaakala mo.' mahinang sabi ni Athena sa binata. Hinawakan ni Iori ang pisngi ng dalaga at dahan dahang inilapit ang kanyang labi upang halikan si Athena. Napapikit naman ang dalaga at naghihintay ng susunod na gagawin ng binata.

Unti unting lumalapit si Athena para tuluyan na siyang mahalikan ni Iori ng biglang...

Kriiiiiiiiiinnnnnnnggg. (tunog ng alarm clock.)

Nagising si Iori na nakanguso at tulo laway.
"Tangina, kala ko totoo na. sabi ni Iori sa sarili.
Nakangiti ang binata at dahan dahang hinawakan ang labi nito.

"Makaligo na nga. sabi ni Iori at nagtungo na ito sa banyo at nagsimulang maligo.

Pasipol sipol ang tatay ni Iori habang nagsasangag ng kanin. Dati kasi itong cook sa isang barko noong binata pa ito. Magaling siyang magluto kaya naman nainlab ang nanay ni Iori sa kanya.

"Nak, almusal is ready. C'mon down. sigaw nh tatay ni Iori.

"Tay, anong c'mon down? Wala naman tayong hagdanan. nakangiting sagot ni Iori habang paupo sa lamesa.

'Hayaan mo na 'nak. Malay mo balang araw magkakabahay tayo yung up and down.' pabirong wika ng tatay niya habang hinahalo ang Ovaltine na tinitimpla nito.

"Basta tay, wag ka muna mamamatay ah? sagot ni Iori sa ama sabay yakap sa ama.

"Ang drama mo nak, kumain ka na. sagot ng tatay niya na biglang naluha sa sinabi ng anak nito. Medyo may edad na din kasi ang tatay ni Iori at ito na lang ang nagaalaga sa binata simula noong namatay ang kanyang nanay.

Masaya ang usapan ng mag-ama nang biglang tumunog ang cellphone ni Iori. Kinuha niya ito sa kanyang bag at binasa ang mensahe.

"Iori, kailangan mo pumasok ng maaga, marami tayong delivery ulet. sabi sa mensahe mula sa kanyang boss.

Nireplyan niya ito, 'OTW na boss.'
Nagpaalam na si Iori at umalis na ito ng bahay.

Araw ng biyernes kaya marami na namang pasahero sa MRT. Hirap na hirap si Iori lagi tuwing ganitong araw. Eto yung isa sa hassle niya bago makarating sa pabrika na pinapasukan niya.

Pagdating na pagdating sa pabrika ay inumpisahan na niya ang pagbibilang ng mga sapatos na idedeliver nila ulet sa mall. Pawisan at nanlilimahid agad ang binata bunga na din ng init sa stockroom kung saan siya naka-assign. May electric fan doon, pero sadyang pawisin ang binata

Tinawag na niya ang mga pahinante nila upang isa isang isakay ang mga kahon ng sapatos sa kanila closed van. Kailangan ito madeliver bago magbukas ang mall.

Alas-nuwebe na ng makarating sina Iori sa mall kung saan idedeliver ang mga sapatos.
Isa isang binaba ang mga kahon ng sapatos ng mga pahinante habang si Iori naman ay inililista kada brand ng sapatos na binababa.

"Okay na ba? tanong ni Iori sa isang pahinante na nagpapahinga sa gilid ng van.

"Ok na sir Iori. nakangiting sagot nito sabay thumbs up sa binata.

"O sige, meryenda muna kayo. sabi niya sa mga kasamahan.

END OF CHAPTER SIX.


WHEN MR. PESSIMISTIC MEETS MS. AGGRESSIVEWhere stories live. Discover now