CHAPTER THIRTEEN

1 0 0
                                    

Nakatayo si Iori habang nagbibilang ng mga deliveries nila, biglang may dumaan na kotse, at nahagip ang kasamahan niyang pahinante na may buhat buhat na mga kahon ng sapatos. 

Nabitawan ng kasamahan ni Iori ang mga kahon na hawak nito at sumabog ang mga sapatos sa ere. Bumagsak sa sahig ang kawawang pahinante. Bumaba agad ang driver ng kotse, at nilapitan ang kasama ng binata. 

Tinitignan ni Iori ang lalakeng bumaba. Pamilyar sa kanya ang itsura nito. Bigla itong humarap sa direksyon niya. Si Terry, ang ex ni Athena. Malaki ang atraso sa kanya nito. Di siya namukhaan nito kasi naka facemask siya. 

Biglang sinugod ni Iori si Terry at sinapak ito ng derecho sa mukha. Bumagsak si Terry sa sahig. Akmang tatayo ito, subalit sinundan pa ng tadyak ni Iori sa sikmura ito. Napasigaw si Terry sa sakit. Nagtataka ito kung sino itong sumipat at sumuntok sa kanya. Tinanggal ni Iori ang kanyang mask at ngumiti. 

AKALA MO DI KITA MAMUMUKHAANG HAYOP KA!! pasigaw na sabi ni Iori kay Terry. Sasapakin pa sana niya ulet ito kaso inawat na siya ng mga kasamahan niya. 

'Sir, awat na sir. sabi ng kasama niyang pahinante na pinigilan ang kanyang kamay na masuntok ulet si Terry. Inawat din siya ng driver nilang kasamahan. Si Terry naman ay mabilis na nakabangon at nagtungo sa sasakyan nito. Mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan. Naiwan si Iori at ang mga kasamahan nito. 

'Sir, sino yun? Parang galit na galit ka sa kanya.  tanong ng kasamang driver ni Iori. Si Iori naman ay nakangisi at bumalik sa pagbibilang ng mga deliveries nila. 

'Nakaganti din ako sa mokong na iyon. sagot niya sa mga kasamahan. Takang taka ang mga kasamahan nito sa kilos ng binata. Pinagpatuloy naman ni Iori ang pagbibilang ng mga kahon kahong deliveries nila. Kailangan matapos niya ito kasi marami pa silang deliveries noong araw na iyon. 

Alas siyete ng gabi. 

Palabas na ng building si Athena ng makita niya si Iori na naghihintay sa kanya. Binilisan naman ng dalaga ang paglalakad at sinalubong ang binata. 

'Hello! Kanina ka pa? tanong ng dalaga kay Iori sabay halik sa pisngi nito. 

'Hindi naman. Lika na, at mukhang uulan. yaya nito sa dalaga. Nagsimula silang maglakad. Ganun lagi ang routine ng magkasintahan. Habang naglalakad napansin ni Athena na nakangisi ang binata. 

'Bakit ka nakangisi dyan ha? tanong ng dalaga sabay yakap sa binata. Ngayon lang kasi nito nakita na nakangiti ng ganun ang kasintahan. 

'Athena, may gagawin ka ba sa  darating na sabado at linggo? tanong ng binata sa dalaga. 

'Wala naman, manlilibre ka ba? nakangiting sagot ng dalaga. Medyo naexcite siya sa sasabihin ng binata. 

'Balak ko kasi magout of town tayo. sagot ng binata sabay tingin sa dalaga. Si Athena naman ay napangisi. 

'San tayo punta? tanong nito. 

'To the moon. sagot ng binata kay Athena.

'Weh? nagpapatawa di naman kalbo. pangaasar ng dalaga kay Iori. Kinurot nito si Iori sa tagiliran at napaaray ang binata sa ginawa niya. 

'Basta. Sorpresa ko na yun. sagot ng binata kay Athena. Alam nito na gusto din ng dalaga magliwaliw silang dalawa. 


Sabado ng umaga. 

Nagkita ang magkasintahan sa isang terminal ng bus sa may Cubao. Nakaback-pack si Iori at si Athena naman ay ganun din. Pareho silang excited sa pupuntahan nila. Sumakay sila ng bus na papuntang Ilocos. 

'Ilang araw tayo dun? tanong ng dalaga ng nakaupo na sila sa loob ng bus. Tumingin ito sa binata na nagaayos ng back pack nito. 

'Hanggang lunes ng hapon. sagot nito sabay kurot sa pisngi ng dalaga. 

Nagsimula ng mapuno ang bus. Hindi pa nakakaalis ang bus, pero tulog na ang magkasintahan. Premium ang sinakyan nilang bus kaya kumportable ang upo nila. Iilan lang ang pasaherong kasakay nila.  Si Athena ay nakasandal sa balikat ng binata at tulog na tulog. Si Iori naman ay tulog din na nakasandal ang ulo sa ulo ng dalaga. 

Malayo layo din ang Ilocos kaya sinadya nilang matulog muna sa byahe. Dumating sila ng Ilocos ng mag-aalas kwatro ng madaling araw. May nabook ng transient house ang binata malapit sa Calle Crisologo at dun muna sila tumuloy. 

Pagpasok sa transient house ay namangha ang dalaga. Kakaiba kasi yung bahay na inupahan nila. May aircon ito sa sala at meron isang master bedroom. 

'Magkano rent dito? tanong ng dalaga. Nagikot ikot ito sa loob ng bahay. Manghang mangha ito sa mga muwebles ng bahay. Medyo luma pero malinis ang bahay. Tinignan nito ang mga nakadisplay na mga figurines sa mga estante nito. 

'Napalunan ko lang sa raffle, sagot ng binata sa dalaga. Sinundan niya si Athena na abala sa pagiikot sa bahay. 

'Anong raffle? Kalokohan. sagot ng dalaga. Binuksan nito ang pinto ng master bedroom at pumasok ito. 

'Basta raffle. Dami mo naman tanong. naiinis na sagot ng binata. Binuksan nito ang aircon sa master bedroom sabay salampak ng higa sa kama. Tinignan lang siya ng dalaga. Maya maya ay humiga din si Athena sa tabi ng binata sabay yakap dito. 

'Iori, virgin pa ako, di pa ako handa. pabirong wika ng dalaga sa binata. Tinignan siya ni Iori sabay tumawa. 

'Anong pinagsasasabi mo? natatawang sagot ni Iori sa dalaga. 

'Matulog na tayo. Maaga pa tayo gagala bukas. yaya ng binata. Inayos nito ang comforter sa kama at humiga na ulet. 

Tumabi naman sa kanya ang dalaga. Yumakap ito sa kanya. Nakangisi ito. Si Iori naman ay kinilig sa ginawang iyon ni Athena. Maya maya pa ay nakatulog na ang magkasintahan. 

Alas diyes ng umaga. 

Nagumpisa nang mag-ikot ang dalawa. Nagumpisa sila sa Calle Crisologo. Patingin tingin sila sa mga souvenirs na binebenta sa mga tindahan dito. Pagkatapos dito ay nakakita sila ng isang lumang restaurant. Umorder ang dalawa ng empanada. Isa ito sa specialty ng restaurant. Masaya ang dalawa kasi ngayon lang sila nakarating ng Ilocos. Panay naman ang picture ng dalaga kahit saan sila magawi ni Iori. 

Inabot sila ng alas kwatro ng hapon kakaikot sa Vigan. Kung saan saan na sila nakarating dalawa. Masaya silang bumalik sa inuupahang bahay. 

'Nakakapagod. wika ni Iori sa dalaga. Humiga ito sa sofa sa sala. Si Athena naman ay pumasok ng kwarto at nagpalit ng damit. Paglabas ni Athena ay naka pantulog na ito  agad. 

'O matutulog kana? tanong ng binata. Nakatingin ito sa seksing katawan ng kasintahan. Napalunok pa ito ng laway. Ngayon nya lang nakita ang dalaga sa ganoon ayos. 

'Di ito pantulog, sagot ng dalaga. May kinuha itong tuwalya sa bag nito at dumerecho sa banyo. Naiwan naman na nakahiga si Iori sa sofa. 


END OF CHAPTER THIRTEEN.

WHEN MR. PESSIMISTIC MEETS MS. AGGRESSIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon