CHAPTER FOUR

3 0 0
                                    

Nakahiga si Iori hawak ang cellphone niya. Paulit ulit niyang binabasa ang message ni Athena.

Hi sir! Kunin niyo na po ba? - Athena ❤️

Nireplayan niya na din ang dalaga.

"Pinagiisipan ko pa. Pasensya ka na ah. yan ang reply niya kay Athena. Pinindot niya ang 'send' at inilagay sa ulunan nya ang cellphone. Papikit na ang binata ng biglang tumunog ulet ang cellphone. Napangiti siya kasi naisip niya na si Athena ang nagteks.

Inabot niya ang cellphone sa kanyang ulunan kaso bigla niya itong nabitawan at bumagsak sa mukha niya ito.

"Aray! Langya naman oh. saad ng binata.
Binasa niya ang mensahe sa screen ng kanyang cellphone ngunit hindi ito si Athena ang nagteks sa kanya.

'You do not have enough balance in your account right now to send this message.' sabi sa screen ng cellphone niya.

'Nak ng tokwa nga naman oh.' pabulong na wika ni Iori sa sarili. Naubusan na pala siya ng load at hindi nasend ang kanyang mensahe para kay Athena.

Tinignan niya ang relo sa dingding nila.

10pm na pala. Sarado na ang malapit na loading station sa tapat ng kanilang bahay.
Naisip ni Iori na matulog na lamang at kinabukasan na replyan ang dalaga.

Nakahiga na si Athena at nagsusulat sa kanyang planner ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dali dali siyang tumigil sa pagsusulat. Naisip niya na nagreply na si Iori sa kanyang mensahe subalit pagtingin niya sa kanyang cellphone ay iba ang nagteks sa kanya.

"Kumusta ka na? sabi sa screen ng kanyang cellphone. Si Terry ang nagtext. Ang ex niya na pinagpalit siya sa ibang babae. Mahigit tatlong taon din sila ni Terry pero hindi pa din ito tumitigil sa pagteteks sa kanya kahit may asawa't anak na ito.

'TIGILAN MO NA AKO! OKAY?' ito ang kanyang nireply sa ex niyang palaging nangungumusta sa kanya simula nung maghiwalay sila.

Pinindot niya ang salitang 'block number' sa kanyang cellphone sabay buntong hininga. Naalala na naman niya ang panglolokong ginawa sa kanya ni Terry noon at bigla siyang naluha. Pinagpalit kasi siya ni Terry sa isang babae na katrabaho nito.

"Kapal ng mukha nagteteks pa din si mokong." sabi ni Athena habang pilit na pinupunasan ang luha na tumutulo sa kanyang pisngi.

Tumayo siya sa harap ng salamin at tinignan ang sarili. Napansin niya ang kanyang eyebags na lumalalim na sa kakapuyat niya sa pagiisip kung paano makakaquota sa pagbebenta niya ng condo.

"Makatulog na nga. wika ni Athena sa sarili sabay salampak sa kama niya. Maya maya pa ay nakatulog na din ang dalaga.

Kinabukasan.

Maagang nagising si Athena. Naunahan niya ang alarm clock niya sa unang pagkakataon. Dahan dahan bumangon ang dalaga at inabot ang kanyang cellphone sa gilid ng higaan.

"Di na talaga nagreply ah. saad nito habang dahan dahang inaabot ang tsinelas sa paanan niya. Hinihintay niya pa din ang reply ni Iori. Nagbabakasakali ang dalaga na kukuha ito ng condo unit subalit mukhang tama ang hinala niya.

Pumasok na si Athena sa banyo at nagumpisa na itong maligo. Maaga pa kaya medyo tinagalan niya ang kanyang pagligo. Nasa kalagitnaan na siya ng pagligo nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Dali dali siyang nagtapis ng katawan at lumabas sa banyo upang basahin ang nagteks sa kanya.

'Gud am. Pinagiisipan ko pa kung kukunin ko Pasensya ka na.' sabi ng mensahe. Si Iori ang nagteks.

Napangisi ang dalaga. Nabuhayan siya ng pag-asa na makumpleto ang kanyang quota.

Nireplyan niya ito agad.

WHEN MR. PESSIMISTIC MEETS MS. AGGRESSIVEWhere stories live. Discover now