CHAPTER TWELVE

1 0 0
                                    

'Nak, kumusta kayo ni Iori? tanung ng ina ni Athena sa dalaga.

'Ok naman ho kami. nakangiting sagot ng dalaga habang naglalaba ito ng mga damit ng kanyang ina.

'Hindi pa ba kayo papakasal? urirat ng ina niya na umupo sa tabi ng dalaga.

'Nay, eh hindi pa po. Tinanung ko na ho si Iori, at di pa daw siya handa. mahinang sagot ng dalaga. Nagbabanlaw na ito ng kanyang mga kinusot na damit.

'Aba eh mukhang di yata seryoso sa iyo ang lalakeng iyon. tumayo na ang kanyang ina at nakapamewang na ito.

'Baka naman may ibang babae yan ha? dagdag pa ng ina ni Athena.

'Wala ho. Di po magagawa ni Iori yung bagay na yun. Wag ho natin siya ijudge agad. sagot ng dalaga. Inumpisahan na nitong isampay ang mga damit na nilabhan. Sakto at maaraw nung araw na yon.

'Siguraduhin mo, sagot ng ina.

'Hingian mo ng CENOMAR, dagdag ng ina na nakangisi.

Si Athena naman ay naiwang iiling iling na lang. Sanay na siya sa kanyang ina. Labis lang itong nagaalala sapagkat umeedad na din si Athena.

Nakahiga si Iori sa kama at malalim ang iniisip nito.

Gusto niya na din pakasalan si Athena subalit iniisip niga kung paano nya bubuhayin ang dalaga. Hindi naman ganun kalakihan ang natanggap niyang increase. Madami siyang iniisip, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

'Goodnight Iori.' sabi sa text. Galing iyon kay Athena.

Nireplyan agad ito ng binata.

'Goodnight Athena. I love you.'

Pahiga na si Iori ulet nang biglang tumunog ang cellphone at nagprompt ang mensahe galing sa dalaga.

'I love you too. ❤️'

Kinilig ang binata. Iba ang dating talaga sa kanya ng dalaga. Ultimo text ay kinikilig siya.
Si Athena na siguro ang matagal na niyang hinihintay na babae. Kaya siguro siya iniwan ng mga past girlfriends niya para makilala ang dalaga.

Ilang break-ups na din ang pinagdaanan ng binata. Ilang paasa na relasyon na akala niya ay totoo subalit hindi pala. Lagi na lang ganun. Kaya dumating siya sa punto na ayaw na niyang magmahal. Pero dumating si Athena, nagiba ang ihip ng hangin. Parang gumaan ulet ang pakiramdam ng binata. Masyadong agresibo ang dalagang ito, pero yun ang nagustuhan ng binata sa kanya.

Ilang araw ng hindi nagkikita si Iori at Athena. Madami kasi silang ginagawa sa kani-kanilang trabaho kaya hindi na minsan nila nagagawang kausapin ang isa't isa.

'Athena, pasensya ka na ah. wika ng binata sa dalaga.

'Busy ka, busy ako. Ganun talaga. wika ng dalaga sa binata.

Nasa parke sila nung araw na yun. Doon sila madalas tumambay. Presko kasi sa lugar na iyon at mahangin. Nakagawian na nila na dun magpalipas ng oras at magbonding.

'Kain na tayo, may dala akong sinigang at kanin. wika ng dalaga habang nakasalampak sila sa damuhan ng parke.

'Picnic ba? Hehe. natatawang tanong ng binata.

'Oo. kain na tayo. Alam kong gutom ka na. habang sinasandokan ng kanin si Iori sa baunan nito.

Napangiti ang binata. Gusto niya kasi yung maasikasong babae tulad ni Athena.

Si Iori ang taong laging may dalang baunan sa bag tuwing lumalabas sila ni Athena. Nakaugalian na kasi nito magdala ng baunan lalo na at sa trabaho nila ay dun siya madalas kumain.

'Maasim ba? tanung ng dalaga sa binata. Napansin kasi nitong napasimangot si Iori paghihop ng sabaw ng sinigang.

'Oo. Maasim. Sarap ng luto mo. wika ng binata sabay sawsaw sa patis ng taba na galing sa sinigang.

'Mas masarap ako dyan. nakangiting sagot ni Athena sabay kindat sa binata.

'Gumugusto ka ah. Baka di mo mapanindigan yan. saad ng binata kay Athena.

Ganun sila magbiruan. Parang bata na naghaharutan lagi.

Matapos nila kumain ay tumambay sila sa ilalim ng isang puno sa parke. Malilim doon at medyi mahangin.

'Nakaantok no? wika ng binata sa dalaga sabay higa sa hita ni Athena.

'Ayan ka na naman. Baboy ka talaga. Pagkatapos kumain, matutulog agad. sabi ni Athena sabay pingot sa pisngi ng lalake.

Maya maya pa nakatulog na ang binata. Pinagmamasdan naman ni Athena ang labi ng binata. Parang gusto niya ito halikan. Dahan dahan siyang yumuko upang halikan ito, subalit bigla nagising ang binata at hinalikan siya sa labi.

'Kala mo ah. Nakangiting sambit ni Iori. Nagtutulug tulugan lang pala ang binata. Bumango ito at tumakbo palayo sa dalaga.

'Ikaw talaga. Lika nga dito. galit na wika ng dalaga sabay takbo para habulin ang binata.
Naghabulan sila paikot sa puno kung saan sila nakatambay.

Di nila alam na may nagmamasid sa kanilang dalawa sa kalayuan. Si Terry. Kanina pa ito nakatayo sa labas mg parke at tinitignan ang dalawa. Maya maya pa ay nagsindi ito ng sigarilyo at naglakad palayo sa parke.

December 16. Unang araw ng simbang gabi.

Nagkita ang magkasintahan sa isang simbahan na malapit sa pinapasukang trabaho ng dalaga.
Patapos na ang misa at palabas na sila ng simbahan ng biglang itong sinugod ni Terry Sinapak nito si Iori. Hindi agad nakareact ang binata dahil nagulat ito. Nagkaroon ng tensyon sa mga tao sa paligid.

'Tantanan mo si Athena ah! Hayop ka. sigaw ni Terry sabay tadyak sa tiyan ng binata. Napahawak si Iori sa tiyan nito. Bunagsak si Iori sa sahig. Susugod pa sana si Terry subalit pinigilan siya ni Athena.

ANO BA TERRY? TAPOS NA TAYO DIBA? TIGILAN MO NA AKO!! sigaw ng dalaga kay Terry.

MAHAL PA DIN KITA. naluluhang sagot ni Terry kay Athena.

'Tumigil ka!! May asawa ka na dib?? sagot ni Athena kay Terry sabay bitaw ng isang sampal sa binata subalit nasangga ito ni Terry.

Babangon na si Iori para gumanti kay Terry subalit tumakbo na ito palayo.

'GAGO YUN AH! TAPOS NA KAYO DI BA? Bakit ka pa niya ginugulo?? tanong ni Iori kay Athena.

Di nakasagot ang dalaga. Lalapitan niya sana si Iori, subalit bigla itong umalis palayo sa kanya.
Hinabol siya ni Athena at niyakap. Tumigil naman sa paglalakad si Iori at kumalma.

'Iori, mahal kita. Hindi ko alam kung bakit ako ginugulo nung Terry na yun. paliwanag ni Athena. Umiiyak ito habang nakayakap sa binata.

Si Iori naman ay naawa sa dalaga. Gusto niya ito proteksyunan subalit naunahan lang siya ng sapak ni Terry kaya siya natumba kanina.

HINDI AKO PAPAYAG NA DI MABAWIAN ANG LOKONG YUN. sabi ni Iori sa isip niya habang kinakalma ang dalaga.

END OF CHAPTER TWELVE.

WHEN MR. PESSIMISTIC MEETS MS. AGGRESSIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon