CHAPTER ONE

16 0 0
                                    

Alas onse ng umaga. Sabado. 

"Makapagmall nga, restday ko naman."
sabi ni Iori sa sarili habang papalabas ng gate ng bahay nila. 

Araw ng Sabado iyon at bagot na bagot ang binata sa kanilang bahay kaya naisipan niyang umalis na muna.

Lalakarin ko na lang ba o magtricycle kaya ako? pabulong nitong wika sa sarili habang papunta sa pilahan ng tricycle sa subdivision nila. Sasakay na sana siya kaso nanghinayang siya sa pamasahe kaya napagisipan niyang maglakad na lang hanggang makarating sa isang malapit na mall sa lugar nila.

Ganito na lang ba ako lagi? Lagi na lang nila akong sinasaktan, wika ni Iori sa sarili na pangisi ngisi habang naglalakad. Maya maya pa ay mararating na niya ang sikat na mall kung saan siya madalas magpalipas ng oras tuwing nababagot sa bahay.

Pagpasok sa mall ay nginitian siya ng gwardya ng mall, nakikilala na kasi nito kasi madalas siyang tumambay sa mall na iyon tuwing araw ng Sabado.

"Wala pasok sir? sabi ng gwardya kay Iori pero nilagpasan lang ito ni Iori sabay wika palayo ng, "Oo wala. Bakit?

"Sunget mo naman sir," sabi ng gwardya.

Umakyat si Iori sa department store ng naturang mall upang humanap ng pantalon, sira na kasi ang kanyang pantalon na sinusuot niya sa pabrika na kanyang pinagtatrabahuhan.

Kakasahod lang naman, pabiro niyang wika sa sarili habang tumitingin ng mga pantalon sa Men's section.

"Pantalon sir?" bati ng saleslady na di katangkaran pero nakangiti na lumapit sa kanya.

"Size 34 meron? sagot ni Iori sa saleslady kahit di naman siya nakaharap dito dahil patuloy siya sa pagtingin ng pantalon.

"Pang pasok sir o pang porma? wika ng saleslady na parang nasusungitan kay Iori kasi halos guluhin na ni Iori sa pagkakatupi ang mga pantalon sa estante.

"Pang pasok sana, sagot ni  Iori pabalik sa saleslady.

"Eto sir," sabay abot ng saleslady kay Iori ng isang slacks na black.

"Size 34 ito ah?" tanong ni Iori na parang nagdududa pa sa saleslady.

"Yes sir, sagot ng saleslady.
"Doon po sa likod ng cashier ang fitting room," dagdag pa nito.

Nagtungo si Iori sa fitting room upang tignan kung kasya ang slacks na inabot sa kanya ng saleslady. Medyo tumataba na kasi si Iori dahil sa pagkain sa fastfood kaya medyo nahirapan siyang isuot ang naturang pantalon.

Matapos masuot ang pantalon, tumingin si Iori sa harap ng salamin at umikot ikot para makita kung okay ang pantalon.

Tangina, pabulong nitong wika sa sarili.
"Ang sikip na pala ng 34 sa akin," dagdag pa nito habang hinuhubad ang nasabing pantalon.

Bumalik si Iori sa saleslady at iniabot ang slacks na hawak niya habang nakangisi.

"Miss, 36 pala. Masikip yung 34 eh." wika ni Iori habang iniaabot ang slacks sa saleslady na nakatawa.

"Ang taba mo sir tapos 34 lang kinuha mo hehe."
wika ng saleslady habang naghahalukay sa estante ng mga pantalon.

"Salamat ah. Kala mo kagandahan eh, wika ni Iori sa isip niya habang inaantay ang size na sinabi sa saleslady.

"Naku sir, wala na 36."
"Pasensya na ah." saad ng saleslady na medyo natatawa pa.

"Ah sayang naman, sige di bale hanap na lang ako sa iba, sagot ni Iori habang papalayo sa lugar.

'Haay, ang taba mo na kasi Iori, wika niya sa sarili habang hinahampas ang sariling tiyan papalabas ng department store.

Nagsimulang magikot si Iori sa mall upang malibang. Iniisip niya pa kung bibili pa ba siya ng pantalon o kakain nalang sa paborito niyang fastfood restaurant.

"Kakain o bibili, bibili o kakain nalang,"
sabi ni Iori sa sarili habang patuloy sa pagiikot. Maraming tao sa mall kasi araw ng Sabado at may weekend sale. Magpapasko na din kasi kaya laging madaming tao sa naturang mall.

Palinga linga si Iori sa atrium ng mall ng bigla siya lapitan ng isang babae na biglang nagabot ng leaflet ng condo.

"Sir, open house po namin baka gusto niyo bumili ng condo." wika ng babae na nakangiti habang iniaabot ang leaflet kay Iori.

"Saan location? sagot ni Iori na akala mo naman ay bibili talaga ng condo. Tinitignan niya ang damit ng babae kasi maganda ang hubog ng katawan nito.

"Sa likod lang ng mall na ito sir, malapit lang." sagot ng babae na tinuturo yung lugar kung saan banda ang naturang condo na kanyang iniaalok.

"Nakabenta ka na? tanong ni Iori habang tinitignan ang hawak na leaflet na inaabot ng babae sa kanya.

"Hindi pa nga sir, wika ng babae.

"Mahal downpayment sa ganito diba? wika ni Iori habang inaaninag ang leaflet na hawak. Nakita niya dito ang pangalan ng babae na kausap.

Athena. pabulong niyang basa. Napatingin ulet si Iori sa babae kasi hindi ito tumitigil sa pagkumbinse sa kanya.

"Actually sir, mura ang downpayment kasi nakasale ang mga condo unit namin ngayon. wika ni Athena.

"Ikaw to? sabay turo ni Iori sa leaflet kung saan nakasulat ang pangalan ni Athena.

"Ay hindi, yung kasama ko yan." sarcastic na sagot ni Athena na medyo nainis sa tinuran ni Iori.

"Eh ano pangalan mo? tanong ni Iori na napansin ang sarcastic na sagot ng dalaga.

"Biro lang sir. I'm Athena. Single. sagot nito sa kanya habang nakangiti at inaayos ang buhok.

"Kailan pwede makita yung condo? tanong ni Iori habang tintignan si Athena na parang nacoconscious kasi kanina pa malagkit ang titig ni Iori sa kanya.

"Pwede mamayang 1pm. Maglulunch na kasi ako eh. Balik ka na lang sir." sagot ni Athena.

"Ah ganun ba. Sige balik ako." sagot ni Iori habang papalayo kay Athena.

"Wait sir, wika ni Athena habang hinahabol si Iori.

"Ano na naman? sagot ni Iori na habang nagkakamot ng ulo

"Ano pala pangalan nyo sir? tanong ni Athena sabay bukas ng kanyang planner.

"Iori. wika ng binata sa kanya.

"Cool ng name nyo sir." sagot ni Athena habang sinusulat ang pangalang binanggit niya sa planner nito.

"Sir Iori, ano number mo para message kita after lunch, sabay abot ng planner nito sa binata.

"0919.. akina yang planner sulat ko na lang." sagot ni Iori habang akmang kukunin ang planner sa dalaga.

Iaabot na ni Athena ang planner sa binata kaso nabitawan niya ito at nalaglag sa sahig. Nagulat si Iori sa nangyari at agad agad na kinuha ang planner na nalaglag sa paanan niya.

"Pasensya na, wika ng dalaga sabay yuko upang abutin ang planner subalit nakuha na ito ni Iori at nagtama ang kanilang tingin sa isa't isa na parang eksena sa isang romantikong pelikula. Nakangisi sila pareho.

"Ang bango mo naman Miss, sabi ni Iori habang sinusulat ang kanyang number sa planner.

"Pere keng tenge, nakangiti na sagot ng dalaga sabay hawi ng buhok sa tenga nito.

"Yaya Dub yan? wika ni Iori sabay abot ng planner ng dalaga.

Napangiti si Athena sa biro ng lalaki. 

Sinulat ni Iori ang number sa planner sabay abot ulet sa dalaga.

"Sir Iori, kain muna ako, message kita pagkatapos kong kumain, wika ni Athena kay Iori na papalayo na sa kanya.

Iniisip niya tuloy kung narinig siya nito kasi ang bilis maglakad ng binata palayo sa kanya.

End of Chapter One.



WHEN MR. PESSIMISTIC MEETS MS. AGGRESSIVEWhere stories live. Discover now