Anne-sunget!

Pagdating namin sa bahay ni Jean direcho kami sa kwarto. May dalawang oras pa kami para umidlip. Hindi siya umiimik, humiga lang siya. Hinayaan ko .una siya sa kwarto. Lumabas ako saka ako humiga dito sa sofa nong bigla siyang magtext.

["Nasan ka?"]

["Dito sa sala"]

["Punta ka rito"]

Tumayo ako at pumunta agad ng kwarto.
Nakatalukbong siya, ramdam siguro niyang tumabi ako sa kanya kaya bigla niyang inalis yong kumot sa mukha niya.

"Jillian ulitin mo pa yong ginawa mo sa akin kanina sisipain talaga kita!"

Ang sama ng tingin niya sa akin.

"Patungan kita diyan, eh" pabulong ko lang.

"Ano?!"

Halatang hindi niya narinig.

"Wala! Umurong ka hihiga ako."

Humiga na ako saka ko siya niyakap, magpapayakap din naman susungitan pa ako.

...

Ginising kami ni Jo, one hour lang tulog namin. Para tuloy akong zombie maglakad.

Andito na din yong iba, walo kaming lahat. Yong apat sina Atasha, Ellaine, Yana at Frances mga barkada sa kalokohan. Pinakilala muna namin si Anne sa kanila.

Lahat kami girls.

Isang van na black ang dala namin at si Yana ang magdrive. Six hours yong byahe namin bago nakarating sa place. Pero kailangan mo pang magbangka para makarating sa isla.

Kinuha na namin lahat ng gamit. Yong sasakyan iniwan muna namin sa bahay ng contact naming magasawa si Mang Ed at Manang Lani na medyo my edad na din. Super bait nila at tuwang tuwa sila dahil ang gaganda raw namin. Tatlong bangkang maliliit yong maghahatid sa amin sa Isla.

Sumakay na kami. Medyo nakakatakot lang kapag maliit na bangka ang sinasakyan.
Lagi ko namang inaalalayan si Anne. Halatang kabado siya sa pagsakay dito sa bangka.

Wala pang five minutes na byahe dito sa dagat ay tanaw na namin yong isla. Sigawan na kaming lahat. Sarap ng pakiramdam lalo na katabi ko pa si Anne.

Maganda ang tanawin at maaaninag mo yong ilalim ng dagat dahil napaka-linaw ng tubig. Nakakamangha lalo na't white sand, para kang nagpunta ng boracay.

Maaga kaming nakarating dito sa isla at kokonti palang ang mga turista na andito.

Diretso na kami sa cottage namin. Hindi kalakihan at gawa sa kahoy. Yong sahig tabla pero malinis. May banyo at kusina na rin. Inayos na namin lahat ng gamit namin. Dalawa ang kwarto at may tig dalawang bed.

"Jill, mauna na kami maglibot." si Yana.

"Okay girls."

Kaming dalawa ang naiwan ni Anne.

"Babe okay ka lang? Kanina ka pa hindi naimik."

"Yup, ang ganda rito at masarap magstay sa ganitong lugar."

"Oo nga, ihanda mo na yong two piece mo at magsu-swimming tayo mamaya."

"Hmp!" reaksyon niya sabay talikod. Nagsusungit na naman ang babe ko.

Wala pang isang oras andito na ulit yong iba at magluluto raw. Magiihaw ang trip nila.
May mesa at upuan na gawa sa kahoy dito sa labas, kaya dito kami nakatambay.

"Girls kung gusto niyo nang maligo go na kayo." Si Jean.

"Okay!" sabay-sabay pa sila.

Kami ni Jean at Anne andito nagiihaw.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now