Chapter 20

29 3 0
                                    

Chapter 20


Stacia went with Jordan to go to the police station as they got an update about the incident that happened to him last night. Mabuti na lang ay dumating si Brian at nagbantay kay Kian sa hospital sa mga oras na ito. Nang mabalitaan niya rin ang nangyari sa bagong lalaki ng ex-wife nito ay hindi makapaniwala na sa laki ba naman ng katawan ni Jordan ay pagtutulungan pa itong bugbugin.

Jordan was helpless. Hindi niya mabilang kung ilang tao ang pumalibot sa kanya para pagtulungan siyang bugbugin. He was still thankful they didn't take anything away from him. Walang kinuha sa kanya. Isa rin iyon sa ikipinagtataka ni Stacia dahil kung may intensyong gawin kay Jordan iyon ay  dapat may kinuha sila sa kanya. Ang susi ng sasakyan, ang pera nito, at kung ano pang pagmamay-ari nito.

Pagkarating nila sa police station ay pinaghintay pa sila ng ilang minuto habang inaasikaso nila ang ibang bagay. Si Stacia naman ay hindi mapakali habang kalmado naman ang lalaki. 

Hinawakan ni Jordan ang kamay nito. "Breathe in and out, Stacia. . . Everything will be fine. . . Don't you worry about."

Napasinghal at iling naman ang babae. "Hindi 'ko kaya maging kalmado. Gusto kong kilalanin kung sinong gumawa nito sa sa 'yo. We need to put them into jail for what they have done to you. . . Look at your face! Nakakaawa naman. . . May black eye ka na ngayon. . ."

Jordan put a thin smile on his face. "I may get a black eye, but it doesn't make me less handsome, right?" She chuckled. "See? You're prettier when you are smiling and laughing. I don't want to see you get worried. I'm an adult man and I'll get through this. I'll be fine, okay?"

Napabitaw na lamang nang malalim na hininga si Stacia. She thought that after getting through an emotional ride with Kian ay ito naman ang haharapin niya ngayon. She thought that problems were just getting in her way. She felt like she was cursed to experience and have gone through bad things in life and there was no way out of it, but to feel all the pain and trouble of it.

Ilang saglit lamang nang tawagin na sila ng officer at tumungo sila sa isang private room kung saan sila pumwesto sa tapat ng desk. Muling ni-recall ng officer ang detalye ng report ni Jordan sa pulisya at kinompirma niya rin naman ito. Hindi naman binitawan ni Stacia ang kamay ng lalaki. By doing that, Jordan knew how she cared for him and that was enough.

When the officer said they'd retrieved CCTV footage on the exact area where it happened. They showed the footage to both of them and watched how intense they came to Jordan. What was shown in the footage, Jordan parked his car in the nearby fast food place, pagkababa pa lamang nito ng sasakyan ay may lumapit na mga taong nakasuot ng mask ang mukha. Hindi nila makilanlan kung lahat ba ng mga perpetrator ay mga kalalakihan lamang o may kasamang babae. Limang tao ang pumalibot kay Jordan at apat na kalalakihan ang pinagugulpi siya hangga't sa bumagsak ito sa lupa at bumaluktot upang hindi lubos na masaktan sa mga pagsuntok at sipa na ginagawa nila sa kanya.

Iniwas na lamang ni Stacia ang paningin niya dahil hindi na niya masikmura kung anong ginawa ng mga taong iyon para bugbugin si Jordan ng walang rason. Matapos mamaluktot sa lupa ng ilang minuto ay bumangon si Jordan at tumuloy papasok sa loob ng fast food at saglit lamang ay may dala-dala na itong supot ng pagkain. That ended the footage and after that, Jordan went to the station to report the case.

Hindi pa rin makapaniwala si Stacia sa nangyari. Nang inanunsyo naman ng officer na sinimulan na nila ang paghahanap sa mga taong nangbugbog sa kanya, pero kanilang ipinaalalahanan na hindi madali ang prosesong ito dahil hindi nila makikilanlan ang mga taong may gawa no'n sa kanya gawa ng naka-mask ang mga ito.

Stacia thought it was a hopeless case at hindi nila makukuha ang hustisya para kay Jordan. Inisip na lamang ni Jordan na kung ano man ang mangyari ay ipagpapasang batas na lamang niya. Hindi makampante si Stacia nang sabihin ng officer na ipapatawag na lamang muli sila kung may karagdagang impormasyon muli silang makuha dahil sa ngayon ay hanggang doon lamang ang kanilang nalalaman.

"I shouldn't have let you leave last night. . ." ani Stacia.

Hinarap at hinawakan naman ni Jordan sa magkabilang pisngi ito saka umiling-iling. "Hey, hey. . . It wasn't your fault. Don't ever think that you were the one who did this to me because that wasn't the case. It wasn't your fault. Do you understand me?"

Hindi sumagot si Stacia.

"Hey, look me in the eyes. . . Do you understand me?"

This time, tiningnan naman ni Stacia sa mata ang lalaki at tumango. "Yes, I do. . . I just can't help, but to think about it."

"Yeah, I know. . . I do, too. . ." Niyakap na lamang ni Jordan ito. "Whatever those people's reason for doing that to me, I hope they got what they needed. I wouldn't let them have it again. Now, we should go back to your son. She needed you the most than me, okay?"

Napabitaw na lamang nang malalim na buntonhininga si Stacia habang papunta sila sa sasakyan. All the way, tahimik lamang ang babae habang tinatahak nila ang daan pabalik sa hospital.

For Jordan, ayaw na niya sanang dalhin si Stacia sa sitwasyon na 'yon dahil alam nito kung anong mga pinagdaanan nito. Ayaw na niyang dagdagan pa. He knew for a fact he could do this by himself and find out who did this to him. Hindi rin naman siya titigil hangga't hindi niya nakikilala ang mga ito.

Pagkarating naman nila sa hospital ay nagpaalam si Jordan na pupunta lamang sa trabaho nito. She suggested na magpahinga na lang muna at huwag pwersahin ang sarili na magtrabaho. But Jordan still wanted to go to work as he said he already committed to his client he would be there. Wala namang nagawa pa si Stacia kung hindi ang panoorin itong umalis.

Nang maiwan naman siya sa hospital room kasama sina Brian at Kian ay kanilang tinanong kung anong nangyari. Ikinuwento naman nito sa kanila at nalungkot ang mga ito sa balitang nalaman nila. Habang dumadaloy sa isipan ni Stacia ang bawat pangyayari ay sumagi naman sa isipan nito si Brian.

"Brian, be honest with me. . . I know our marriage didn't end on a good note. I know you're with someone else now, but if you were the one who put him in that state, I wouldn't forgive you."

Nagsalubong ang kilay sa paratang ni Stacia sa kanya. "Anong pinagsasabi mo, Stas? Na ako ang gumawa no'n kay Jordan? Nabubuang ka na ba? Sa tingin mo may panahon pa akong pag-aksayahan ng oras 'yang lovelife mo sa ibang tao kaysa sa buhay ng anak ko at sa partner ko? Anong klaseng pag-iisip 'yan, Stas?"

Nagulat naman si Kian sa pagbulusok ng diskusyon ng kanyang magulang. Hindi niya inaasahan na magtataas ng boses ang mga ito. Nanatili itong tahimik. Hindi nito alam kung paano reresolbahin ang nangyayari sa pagitan ng dalawa ngayon.

"You would do everything to make my life miserable, Brian. Mas pinili mo nga ang ibang babae kaysa sa akin, 'di ba?"

"Hey! Don't put Marlyn in this conversation! Wala akong kinalaman sa nangyari kay Jordan! Tanungin mo ang sarili mo. Ikaw siguro ang dahilan kung bakit nangyari 'yon sa kanya. Una, naaksidente ang anak mo. Pangalawa, pinagbubugbog si Jordan. Tingnan mo ang sarili mo bago ka manghusga ng ibang tao. Baka hindi mo alam, ikaw ang may dala ng malas sa pamilyang ito, Stacia."

"Demonyo ka talaga, Brian!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo. . ."

"Ma. . . Pa. . ." Mabilis namang napilingon ang dalawa sa nagsalitang si Kian. Napasinghap naman si Stacia dahil nakitang nangingilid na ang luha ng anak nito.

"I'm sorry, Kian. . . I'm sorry. . ."

"Get out of here, Stacia. . . Tahimik kami kanina rito. When you came, everything just dropped into sadness. It was like you put us through hell again. Leave. Please."

"I won't leave."

"For the sake of your son. . . Look at what you've done. . . You did this. . ."

"Huh?" Stacia gasped. "I can't believe you, Brian! I'm glad we're over. . ." Muli namang hinarap nito ang anak. "I'm sorry, Kian. . . I'll be back soon. . ."

Stacia quickly left the room, but as soon as she got out and was alone down the hallway, she broke down and didn't know how to pick herself up. When someone saw her, she just got up and walked away. At that point, she doesn't know where to go because as soon as she gets out of the premises, she has no idea what to do next. The only thing that was floating on her mind was to get away with the mess she made and how she could do it might be irreversible, but would it be worth it? She has no idea.

VOLS 1: Stacia WalkerWhere stories live. Discover now