Chapter 10

43 3 0
                                    

Chapter 10


"Hey, Stas. Where are you?" Jordan asked via phone call.

"I'm still at the bank. I'll be going out soon. I'm just waiting for their final sign-off," Stas answered. "I'm gonna have to call you soon. Bawal ilabas ang phone rito."

"Alright, I'll see you later. . ."

When Stacia put her phone down, she was called by the bank staff to fill up something on some document. Sumusunod lamang si Stacia sa pinapagawa sa kanya ng bank staff. Tahimik lamang ito, pero punong-puno ang kanyang dibdib sa emosyon dahil hindi niya naman inaasahan na hahantong sa ganitong sitwasyon ang lahat. Napili nitong umutang sa banko upang mabayaran ang tumataas na bill sa hospital.

Stacia then waited for a few minutes again to finally receive the money she loaned. Ito lang din ang paraan na naiisip ni Stacia upang mabayaran ang bills. Walang insurance si Kian at nahahati ang bayarin ni Brian sa gastusin dahil sa partner nito na si Marlyn. Hindi naman sinisisi ni Stacia ang sitwasyon ng dating asawa dahil nakikita niya rin naman kung paano nito tulungan ang anak.

Hindi lamang siya sigurado kung hanggang kailan magagampanan ni Brian ang responsibilidad niya dahil ang pagiging asawa nga nito kay Stacia ay kanyang tinalikuran. Nang makuha niya ang pera ay tinawagan niya si Jordan pero hindi na naman ito sumasagot. Hinayaan na lamang niya ito at saka siya lumabas ng banko. Sinubukan niya rin namang tawagan si Thamara, pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita at dumadalaw sa hospital. Kapag tinatanong niya si Brian kung alam niya kung nasaan ang anak ay wala itong ideya.

Pumara naman ito ng taxi at sumakay nang may huminto sa kanyang tapat. Diretsyo lamang ito pabalik sa hospital upang maibayad na ang nakuhang pera. Stacia was deep in thoughts while they were heading to the hospital, but later on, she was only realizing it when they were heading far from the hospital. Nagsimulang kutuban si Stacia sa nangyayari kaya niyakap niya nang mahigpit ang bag na naglalaman ng cash na ni-loan niya mula sa bangko. 

Asking the driver could be the dumbest thing to do kaya hindi ginawa ni Stacia. Kanyang tinawagan si Brian pero nagri-ring lamang ito. Ramdam niya ang tagas ng pawis sa kanyang leeg. Kahit na malamig ang loob ng sasakyan ay randam nito ang kakaibang lamig. Ipinilit niyang kalmahin ang sarili, pero saglit lamang nang huminto ang taxi ay humarap ito sa kanya at itinutok ang baril. Walang sabi-sabi kung hindi ay hinawakan nito ang bag na hawak ni Stacia at hinablot ito mula sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay mabilis siyang sinigawan ng holdaper na bumaba ng sasakyan at mabilis nitong ipinaharurot ang sasakyan palayo.

Natulala na lamang si Stacia at napasalampak sa tabi ng daan. May ilan namang lumapit sa kanya at inalam kung anong nangyari sa kanila. Hindi makapagsalita at nanginginig si Stacia. Doon na lang din naman nito napagtanto na hawak nito ang telepono at sinagot ni Brian ang kanyang tawag.

Dahan-dahan niya ito iniangat at inilapat sa kanyang tainga. "Constancia, nasaan ka?" Hindi ito makasagot ng diretsyo dahil nanginginig pa ito sa nangyari. May isang babae naman ang kumuha at sumagot ng telepono nito at ipinaalam ang kanilang lokasyon.

Idinala nila si Stacia sa tabi sa kalapit na karinderya at ipinainom ng tuig. Tinanong nila kung ano ang nawala sa kanya. Hindi masagot ni Stacia. Hawak-hawak nito nang mahigpit ang isa pang bag. Hindi niya ito binitawan.

Ilang saglit lamang nang dumating si Brian na lulan ng sasakyan. Nang makita ang dating asawa na namumutla sa isang tabi ay labis na pag-aalala ang nangibabaw sa pagmumukha nito. Nang lapitan ang dating asawa ay hindi nito napigilang yakapin ng mahigpit. He didn't left Stacia's side and never put his hands away from her.

When she finally started telling Brian how it happened, he was fuming mad. Surely, they would find the nearest precinct so they could ask for help, but one thing that Stacia felt so relieved that the bag that was stolen was just some stuff she was about to take to the hospital. Her personal things and the money that she loaned were with her. Nakahinga rin nang maluwag si Brian dahil napakalaking pera ang dala-dala ng dating asawa at malaking problema rin ang kahahantungan nito kung pati iyon ay naitangay.

VOLS 1: Stacia WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon