Liar 1: Apocalypse

Start from the beginning
                                    

“Come on, demon. Don’t waste our time.” Clio Accardo suddenly spoke as he stood up. Karaniwang tawag na nila sa’kin ang demon’s princess o di kaya’y demon.

“Umupo kayo.” Utos ko sa kanila. Tinaasan naman ako ng kilay ni Tiara dahil doon, samantalang natawa na lamang ang kambal na Ishido at si Trevor. Ilang sandali lamang ay umupo din sila. Kahit naman naiinip ang mga ito, ay susunod at susunod sila sa’kin.

“Nag-tagalog na ang mahal na prinsesa, makinig na tayo.” Natatawang imik ni Clio Accardo, kaya’t sinamaan ko siya ng tingin. Tss. Ang daming pasikot ng limang ito, nakakaintindi at nakakapagsalita naman ng tagalog kailangan pang mag-salita ng lengguwahe nila. Tss.

“For the nth time, what do you need?” Trevor Castillion asked seriously, kaya’t naging seryoso at tahimik ang maliit at madilim na silid na kinalalagyan namin. I smiled at them. Silang lima ang naging katulong ko sa lahat ng bagay, oo mula sila sa iba’t-ibang bansa, ngunit sila ang tinaguriang pinakamalalakas natagong tago.

“Princess Light Smith. The demon’s princess. The real owner of the Diablos’ Territory. Anong pang kailangan ng isang kagaya mo? Tulong namin? Ikaw ang pinaka-malakas sa’min, ano pang-kailangan mo? O kung hindi mo naman kailangan ng tulong, anong sasabihin mo?” Takashi Ishido queried with full of curiosity and a playful smile on his lips.

“Kung hindi dahil sa inyo, wala ako sa pusisyong ito.” Nakangising sabi ko sabay ang pag-tayo. Napatawa naman sila ng marahan dahil sa paunang sinabi ko.

Kaming anim ang bagong Organization at pinaka-malakas ngayon sa buong mundo. Ngunit, hindi ito kalat o kung ano man, nanatiling lihim ang kapangyarihan at karangyaan namin, dahil na din sa Empire, gusto kong surpresahin sila na hindi na sila ang pinaka-malakas na organization sa buong mundo, sa tamang panahon. Oo, nga’t marami pa din silang sakop, ngunit mas higit na ang sakop ko ngayon.

With the help of Thunder Silvestre, nakipag-meet ako sa mga kung sino-sinong mafia nitong nakaraang taon, napakahirap mapa-oo at makumbinsi ng mga ito, halos ginugol ko ang buong lakas at oras ko para makapagtayo ng sarili kong mafia o organization, at ito ang kinalabasan. The Apocalypse. Lahat ng legenadaries noon ay tinatawag ng apocalypse ngayon, dahil sa’kin ibinigay ni Kuya Thunder ang pamamahala sa kanila, dati. At dahil sikat ang legendaries sa mafia world noon, nakuha ko ang atensyon ng mga makakapangyarihang mafia, at kabilang na doon ang mga hawak nina Tiara Wolf, Trevor Castillion, Clio Accardo at ang kambal na Ishido. Butas ng karayom at halos impiyerno din ang dinaanan ko sa kanila, bago ko sila napa-oo at napa-payag na isinapi nila ang lahat ng oragnization nila sa legendaries ko. Kaya’t noong nabuo kaming anim, pinaltan namin ang pangalan ng mga organization namin, at napag-disisyonan namin na apocalypse ang itawag dito. At nawala na ang legendaries na dating kilala noon at pinalabas namin na bumagsak ito, ngunit ang totoo ay mas lumakas lamang ito.

Kaming anim ang namumuno ngayon ng palihim sa buong mafia world.

Mula sa dating magkakaibang grupo ng mafia noon, na pinagsama sama namin ngayon, nabuo ang Apocalypse. At ang organisasyong ito ang magpapagbagsak sa Empire.

Pinatawag ko sila ngayon, dahil balak ko ng simulan ang plano na matagal ko ng inihanda.

“I want to start the fucking game.” I stated seriously, and I heard them say ‘yes’ matagal na nila itong gusto—ang ilantad namin sa buong mafia na kami ang pinaka-makapangyarihan, at pabagsakin ang naghahari-hariang Empire, ngunit pinipigilan ko sila dati dahil hindi pa iyon ang tamang panahon, subalit iba na ang sitwasyon ngayon, gusto ko ng mag-simula.

“And that will be the greatest news, ever.” Tiara’s voice shrieked in delight. Kitang kita ko din sa itim na mata nito ang sobrang excitement.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now