CHAPTER 04: stirring the pot [2.2]

377 21 4
                                    




"OMG! This is life! I am so happy na finally, nakasakay na ako sa isang yacht!" Puno ng kasiyahan na bulalas ni Annika habang nakasandal siya sa railings ng yate na maghahatid sa kanila sa Ford's Island. May hawak pa siyang champagne. "Jackie, picturan mo naman ako here!"

Inabot niya ang cellphone kay Jackie pero hindi nito iyon agad kinuha. May tila hindi makapaniwalang ekspresiyon ito sa mukha.

"What?" tanong dito ni Annika.

"Are you serious? This is your first time na makasakay sa yacht? I think, I saw one of you post na nasa yacht ka."

Nanlamig siya. Paano ba niya sasabihin na gri-nab lang niya ang picture na iyon sa Pinterest at in-edit lang niya at ipinatong niya ang picture niya. Pero hindi niya ipinahalata kay Jackie ang kaba niya. Kailangan niyang mapanindigan na kagaya ng mga ito ay mayaman din siya.

Tumikhim niya. "What I mean is... first time kong makasakay ng yacht na ihahatid ako sa isang island. Anyway, huwag mo na akong picturan. Magse-selfie na lang ako!" Inirapan niya si Jackie.

Hindi pa rin siya nito tinigilan at hindi ito umalis sa harapan niya. "Annika, umamin ka nga sa akin. Are you struggling financially now? Or is it true iyong rumors about you back in high school, that you were just pretending to be like us—rich girls?" Pabulong na tanong ni Jackie.

"Jackie, hanggang ngayon ba ay naniniwala ka pa rin sa rumor na iyon about me? Mayaman ako! If not, paano ko ma-a-afford iyong mga luxury bags, shoes and vacation na nakikita mo sa social media accounts ko, 'di ba?"

"You have a point. I'm just asking. Perhaps you might need financial help. You can count on me."

"I don't need your help. I am not broke." Para matapos na ang usapan nila na iyon ni Jackie ay pumasok na siya sa loob ng yate at nagpunta sa kwarto na naroon.

Hindi na siya kumportable na pag-usapan ang status ng kaniyang buhay. Feeling niya ay nakakahalata na si Jackie sa kaniyang pagpapanggap. Lahat ay gagawin niya huwag lang malaman ng lahat na mahirap siya. Naniniwala siya na hanggang sa mamatay siya ay mapapanindigan niya iyon dahil high school pa lang ay ginagawa na niya ang pagpapanggap na iyon.


-----ooo-----


HINDI mapalis ang malaking ngiti ni Devon nang matanaw na niya ang yacht kung saan nakasakay ang mga kaibigan niya. Nakatayo siya sa may dock at hinihintay ang mga ito. Kanina pa siya roon. Nakasuot siya ng simpleng white summer dress.

Hindi siya ma-update ng nagpapatakbo ng yacht dahil walang network signal sa buong isla. Sinadya iyon nina Ford dahil ang gusto ng pamilya nito ay mag-disconnect sa online world kapag nandoon ang mga ito.

Finally, dumaong na ang yate sa dock at isa-isa nang bumaba ang mga kaibigan niya. Sinalubong niya ang bawat isa ng mahigpit at mainit na yakap. Huling bumaba si Jackie kaya ito ang huling nakatikim ng yakap niya.

Medyo napahiya siya nang alisin ni Jackie ang pagkakayakap niya at nakita niya sa mukha nito na parang naiirita nito.

"I'm sorry..." ani Devon.

"No. It's okay! Hindi mo ba alam? I am not a hugger person?"

"Hindi ko alam. Sorry."

"No worries. By the way, paano pala ang mga gamit namin? Kami ba ang magbubuhat ng mga iyon?"

Umiling si Devon. "Of course, not! May mga helper ako na gagawa niyon."

"Akala ko ba ay tayo lang ang nandito sa island for two days? Bakit may helper?" singit ni Missy.

The Bridal ShowerWhere stories live. Discover now