CHAPTER 08: these b*tches can choke!

297 21 0
                                    





"BREE!" Gulat na bulalas ni Devon nang malakas siyang itulak ni Bree.

Mas lalo pa siyang nagulat sa sunod nitong ginawa nang pinilit nitong hubarin ang damit niya. Hindi na tuloy niya napigilan ang sarili na itulak ito palayo.

"Bree, ano bang nangyayari sa iyo?!" tanong ni Devon. Niyakap niya ang sarili.

"Kailangan mong hubarin lahat ng damit na suot mo ngayon! Pati na panty mo!" pasigaw nitong sagot. Halata sa mukha nito ang takot at pangamba.

"I am not wearing any underwear right now."

"Edi, iyang suot mo na lang—"

"Why?! H-hindi kita maintindihan—"

"Bakit ba hindi mo na lang gawin ang sinasabi ko? This is for your own good!"

Hinila na siya ni Bree at pilit nitong ibinaba ang palda niya. Mabuti at nagawa niya agad hawakan iyon kaya hindi siya tuluyang nahubuan. Totoo kasi na wala siyang suot na panty. Hindi na siya nagsusuot ng ganoon kasi mas presko sa pakiramdam.

"Bree, stop!" Napatili na si Devon.

"'Wag ka na kasing manlaban! Sumunod ka na lang!"

"No! Stop! Bree! Ano ba?! Tama na!!!"

Sa pagkatataon na iyon ay magkakasabay na pumasok sa kitchen ang iba pa nilang mga kaibigan. Sumakto pa na nahubuan na siya ng palda ni Bree kaya nakita ng mga ito ang kaniyang kiffy.

"Fuck you!" Sa bugso ng damdamin ay malakas niyang nasampal sa mukha si Bree at itinulak niya ito nang malakas. "I-I'm s-sorry..." Agad niyang paghingi ng tawad habang itinataas ang palda.

Tutulungan sana niyang tumayo si Bree pero itinaas nito ang isa nitong kamay bilang pagpigil sa gagawin niya. Napaatras tuloy siya.

"B-bakit—w-why—" Hindi na magkandatuto sa pagtatanong si Missy. Bakas sa mukha nito ang confusion. "Tomboy ba kayo?!"

"No!" Mabilis na sagot nila ni Bree.

"Ikakasal na nga ako, 'di ba?" aniya.

"Pwede namang ikasal kahit lesbian. Right? Pero bakit ka nga hinihubuan ni Bree? Magme-make out ba kayo?"

"Missy! Pwede bang huwag ka munang magsalita? Hayaan muna natin silang mag-explain," turan ni Annika.

"Ito kasing si Bree, sabi niya nakita niya akong walang ulo. Tapos may mangyayari raw na bad sa akin. Then, bigla na lang niya akong gustong hubaran!"

Marahang tumayo si Bree. "Dahil kailangang ibaon sa lupa ang lahat ng damit mo para makontra ang bad omen! Sumunod ka na lang sa akin, Devon. Para rin sa iyo ito!" Malakas na sabi nito.

Nilapitan ulit siya ni Bree at ang butones ng blouse naman niya ang pinagdiskitahan nito. Pilit nitong inaalis ang mga butones niyon. Mabuti na lang at lumapit na sa kanila sina Jackie, Annika at Missy para awatin si Bree.

"Bree, ang weird mo na talaga! Pamahiin lang iyon at hindi iyon totoo!" sigaw ni Annika habang hawak sa isang braso si Bree.

"Bitiwan niyo na ako!" Pumiksi si Bree at matalim silang tiningnan isa-isa. "Okay, hindi ko na pipilitin na hubaran si Devon pero kapag may nangyaring masama sa kaniya ay kayong lahat ang sisisihin ko!"

Nag-walk out na si Bree. Walang lingon-likod itong naglakad paalis ng kitchen.

"Bree!" Tawag ni Devon.

The Bridal ShowerDär berättelser lever. Upptäck nu