CHAPTER 04: stirring the pot [1.2]

363 22 4
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




JACKIE: Really? All is set na talaga?

DEVON: Yes. Dominick has taken care of everything, from food to setup, everything! If we need anything else, we just have to tell him, and he'll take care of it. May suggestion pa ba kayo?

ANNIKA: Maganda kung may games!

BREE: Haunted ba ang island na iyon? How about ghost hunting?

MISSY: Ayoko! Afraiiiid!

JACKIE: Bree, shut up! Bridal shower iyon at hindi tayo magsasagawa ng séance!

MISSY: Dapat may macho dancer. Rawr!

JACKIE: I agree! Pero ako na ang bahala sa macho dancer. Baka kasi kapag si Dominick ang pinaghanap natin ng lalaki ay hindi natin magustuhan!

MISSY: Basta, 'yong gwapo, ha! May abs and can make me water!

ANNIKA: Ang haharot naman! Kumalma nga kayo!

BREE: Pwede bang lalaking multo na lang? O kaya mag-hire tayo ng isang serial killer at ang goal natin ay maka-survive.

JACKIE: Breee!!! Stop!!!

Natatawang napapailing si Devon habang binabasa ang patuloy na pagpapalitan ng chat messages ng mga kaibigan niya sa group chat na ginawa niya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang mga ito. Kung paano pa rin mag-usap ang mga kaibigan niya noong high school siya ay ganoon pa rin ngayon.

Ang masasabi niyang nagbago ay siya. Habang nagkaka-edad kasi siya ay nagiging mature na ang pag-iisip at ugali niya. Dati kasi ay masyado siyang maldita, spoiled brat at bully. Malaki rin talaga ang naitulong ni Dominick sa kaniya para baguhin niya ang mga ugali niyang hindi maganda. Inilapit pa siya nito kay Lord. Ito ang nagturo sa kaniya magsimba at magdasal. Natuto siyang magpasalamat sa mga bagay na meron siya ngayon.

Naniniwala si Devon na hindi lamang matatapos sa pagiging bridesmaid ng mga kaibigan niya ang lahat. Nakikita niya na iyon na ang magiging simula upang buuin ang friendship nila na nasira noon nang dahil din sa kaniyang kagagawan...


-----ooo-----


12 YEARS EARLIER...

"Jezebel is almost perfect. Rich, beautiful, and popular. She has the power." Akala mo ay isang totoong teacher na nagle-lecture si Devon sa harapan nina Jackie, Missy, Annika, Bree at Judas.

Naka-bun ang buhok niya at may suot pa siyang eyeglasses na may makapal na black frame. Meron siyang hawak na stick. Sa likod niya ay may malaking white board kung saan nakadikit sa gitna ang picture ni Jezebel. Sa itaas ng picture ay may nakasulat gamit ang marker na "PROJECT: Jeze-bitch's Downfall".

The Bridal ShowerWhere stories live. Discover now