CHAPTER 02: b*itches, unite! [1.2]

316 21 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



12 YEARS EARLIER...

Malalaki ang mga hakbang ni Devon papunta sa rooftop ng pinaka mataas na school building sa Yunchengco High. Jezebel texted her at nais nitong makausap siya. Excited siya na makausap si Jezebel sapagkat nalalapit na ang birthday nito. Tuwing birthday ni Jezebel ay palagi iyong ginaganap sa isang 5-star hotel o kaya ay luxurious private resort.

Last month ay napadalhan na siya ni Jezebel ng invitation kaya sure siya na isa siya sa piling bisita nito na makakapunta. Isang malaking karangalan kasi para sa isang Yunchengco High student ang maimbitahan sa naturang birthday party.

For sure, kaya siya kakausapin ni Jezebel ay hihingan siya nito ng ideas para sa birthday party nito.

Pagdating ni Devon sa rooftop ay hindi lamang si Jezebel ang naroon. Kasama nito ang apat pa nilang mga kaibigan na kasama sa kanilang grupo.

"Hey! What's up?" aniya nang makaharap na sina Jezebel.

"Did you bring the invitation on my party this coming weekend?" tanong ni Jezebel. Medyo kinabahan siya dahil seryoso ang tono ng pananalita nito.

"Y-yeah. It's in my bag. Why?"

Inilahad nito ang isang kamay. "Give it back to me. Now."

"Why? May babaguhin ka ba sa design ng invitation? Jezebel, for me, okay na iyon. Very classy but at the same time it's campy! Just like you!"

"Hindi ka na invited sa birthday party ko, Devon."

"W-what? Is this a prank?" Hindi makapaniwalang bulalas niya.

"I don't do pranks. Ibalik mo na sa akin ang invitation then we're done."

"Done?"

"Yeah. Hindi ka lang sa party mawawala. From now on, hindi ka na rin welcome sa circle of friends ko!"

Napamaang si Devon. "D-dahil ba ito kay Amiel? Because he's courting me? Okay, fine. To be honest, hindi ko siya gusto. If you want, I will tell him na ikaw na lang ang ligawan niya. Jez, please... huwag mo akong alisin sa circle of friends mo. I am nothing without you!" Pakiusap niya. Kulang na lamang ay lumuhod siya sa harapan ni Jezebel at halikan ito sa paa.

"Then what? Ako ang magmumukhang kawawa and desperada? No, Devon! You knew houw much I want Amiel but still, you entertained him! This is your punishment and it'll last for a lifetime!"

Tumiim ang bagang ni Devon. That moment, nalaman niya kung gaano kababaw ang tingin ni Jezebel sa pagkakaibigan nila. Napakadali para rito na itapon na parang gamit na sanitary napkin ang friendship nila nang dahil sa isang lalaki. She thought they are sisters kahit hindi sila magkadugo. Nagkamali pala siya ng akala. Siya lang ang nag-iisip ng ganoon.

The Bridal ShowerWhere stories live. Discover now