CHAPTER 15: last bitch standing

360 25 7
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





NAGULANTANG silang lahat sa biglaang pagbabalik ni Jackie sa kwarto ni Devon habang may dala itong kitchen knife. Akala mo ay si Chucky ito na anumang oras ay mananaksak. Nanlilisik ang mga mata ni Jackie at kita sa mukha nito ang labis na galit. Humihingal ito nang malalim.

"Jackie? Bakit may dala kang kutsilyo?" Ang nagtatakang tanong ni Annika.

"You!" sigaw nito sa malaking boses habang nakatingin kay Annika.

"Me?" Turo ni Annika sa sarili.

"Yes! You! You're a slut! I will kill you!!!"

Napatili silang lahat nang nagpupuyos sa galit na sumugod si Jackie sa kaniya. Sa hitsura nito ay alam niya na seryoso ito sa sinabi nitong papatayin siya nito. Napatakbo si Annika at hindi sinasadyang natapakan niya ang katawan ni Devon. Natumba siya at napaupo sa ibabaw ng kama.

Nang sasaksakin na siya ni Jackie ay mabilis niyang kinuha ang isang unan at iniharang niya iyon sa kaniyang sarili. Sa unan bumaon ang kutsilyo. Malakas na itinulak ni Annika si Jackie na ikinatumba nito.

Nabitawan ni Jackie ang kutsilyo na agad namang kinuha ni Jade at itinapon sa bintana.

"Why did you throw away my knife?! Pakialamera!" Sinugod ni Jackie si Jade at sinampal ito nang malakas.

Natigalgal si Jade sa natanggap na sampal. Ngunit ang maganda nitong mukha ay napalitan ng galit. "Don't you know how much I spent to look this good? To achieve this goddess-like beauty?! Wala kang karapatang sampalin ang mukhang ito dahil kahit piso ay wala kang ginastos dito! Bitch!" At lahat sila ay nagulat nang biglang sinabunutan ni Jade si Jackie.

Nakipagsabunutan din si Jackie kay Jade. "Hindi ko alam kung magkano dahil hindi ako nagpaparetoke na kagaya ninyo ni Missy! Mga retokada! Mga palakang pangit na pinipilit na magmukhang prinsesa!"

"At talagang idinamay mo pa ako?! Nananahimik ako rito!" Malalaki ang hakbang na lumapit si Missy kina Jackie. Lumuhod ito at niyakap si Jackie sa isang binti. "Matagal na akong nagtitimpi sa iyong bitchesa ka!!!"

Walang anu-ano'y kinagat ni Missy ang binti ni Jackie.

"Fuck!!!" sigaw ni Jackie habang bakas sa mukha ang sakit.

Pinilit nitong alisin ang pagkakakagat ni Missy pero parang galit na galit na aso si Missy. Umaangil pa ito na akala mo ay halimaw.

Sa pagkakataong iyon ay lumapit na si Bree sa tatlo para umawat. Pero sa pag-awat nito ay itinulak ito nang malakas ni Jade kaya tumama ang likod nito sa dingding.

Kinabahan si Annika nang makita niya ang unti-unting pagbangon ng galit sa mukha ni Bree. "Kayo na nga ang inaawat, kayo pa ang nananakit! Ngayon, makikita ninyo kung paano ako manakit!" sigaw ni Bree.

The Bridal ShowerWhere stories live. Discover now