CHAPTER 07: bad omen

328 20 6
                                    





"WHY are you holding a knife? Are you going to use that on Devon?"

Napapitlag si Annika mula sa pagkakatitig sa kutsilyo nang biglang magsalita si Jackie sa likuran niya. Narinig niya ang tunog ng takong nito na papalapit. "What? Bakit ko naman gagamitin 'to kay Devon?" Pinilit niyang maging normal.

"Just kidding! You looked tense. Ano bang nangyari kanina sa inyo ni Devon?" Sumandal si Jackie sa may gilid ng lababo.

Sa gilid ng mata niya ay nakikita niya na matamang nakatingin sa kaniya si Jackie. Para na naman itong isang imbestigador.

Ibinalik niya ang kutsilyo sa lalagyan at humarap kay Jackie. Siniguro niya na wala itong mapapansin na kakaiba. "Wala. Nag-usap ng kung anu-ano. 'Di ba, ang sabi mo ay aliwin ko si Devon? Gano'n ang ginawa ko."

"Bakit nauna kang bumalik dito?"

"Sumama ang pakiramdam ko. Bakit ba ganiyan ka laging makipag-usap sa akin, Jackie? Nakakahalata na ako, ha!"

"I can sense that you're hiding something. What are you hiding, Annika?"

"Wala akong itinatago. My life is an open book."

Sa pagkakataon na iyon ay pumasok sa kitchen si Missy. "Tapos na kami! Wala pa si Devon. Gusto niyo bang sunduin ko na siya?" tanong nito.

"Yes! Ikaw na ang sumundo sa kaniya," sagot niya. "Ako naman, magpapahinga na ako. Kayo na ang bahala sa party. May second night pa naman. Doon na lang siguro ako jo-join."

Gri-nab na ni Annika ang pagkakataon na iyon para makatakas kay Jackie. Sa tingin niya ay wala pang alam si Jackie sa sikreto niya. At hindi siya makakapayag na madagdagan pa ang makakaalam niyon!

HINDI na muna bumalik si Devon sa mansion house lalo na at may hinala siya na may inaayos na surprise ang mga kaibigan niya para sa kaniya. Nakatayo pa rin siya sa may tabing-dagat habang nakatanaw sa kawalan. May pagsisisi na siyang nararamdaman ng sandaling iyon dahil sa ginawa niya kay Annika. Doon niya narealize na hindi niya dapat pinangunahan si Annika kasi hindi naging maganda ang dating niyon sa kaniya.

"Devon!"

Napalingon siya nang may tumawag sa pangalan niya. Si Missy pala. Patakbo itong lumapit sa kaniya habang ikinakaway ang mga kamay sa ere.

Muntik na siyang matawa nang makita niya nang malapitan ang ilong nito dahil nakatabingi talaga. Pinigilan na lang niya ang sarili na tumawa dahil baka may ma-offend ulit siya.

"Yes? Why?"

"Tara na sa loob. Tapos na kami sa surprise—"

"May surprise kayo sa akin?" Kunwari ay gulat niyang tanong.

"Yes! Ang slow mo, ha! Kaya nga pinaalis ka namin kasi meron kaming surprise, 'di ba? Humahabol ka na sa pagka-dumb sa akin, ha!"

"Bakit mo sinabi sa akin na may surprise kayo sa akin?"

"Oo nga, 'no..." Napakamot ito sa likod ng ulo. Bigla itong ngumiti nang malaki. "Pero, hindi mo alam kung anong klaseng surprise! Ano? Let's go na!"

Hinawakan siya ni Missy sa kamay at hinila na siya nito pabalik sa mansion house.

Aliw na aliw talaga siya kay Missy. Para sa kaniya ay hindi naman ito ganoon kabobo. Gullible lang ito. Ang cute ng mga sinasabi nito na para bang bata pa ito at wala pang masyadong alam sa nangyayari sa mundo.

Si Missy ang nagbukas ng pinto at sinalubong sila ng kadiliman. Wala siyang makita. Sobrang tahimik.

Hanggang sa sumigaw na si Missy. "Surprise—"

The Bridal ShowerWhere stories live. Discover now