CHAPTER 14: séance gone wrong

217 18 6
                                    





RAMDAM ni Bree na duda ang mga kaibigan niya sa sinabi niyang paraan upang malaman na nila ang katotohanan sa kung sino ba talaga ang pumatay kay Bree ngunit wala siyang pakialam sa iniisip ng mga ito. Ang importante ay maaari na nilang maresolba ang katanungan nilang lahat. Isa pa, matagal na rin bago siya nagsagawa ng isang séance. Itinigil na niya iyon ilang taon na ang nakakaraan dahil sa totoo lang ay hindi safe na gawin ang pagtawag sa isang kaluluwa. Maraming pwedeng mangyari. Mga bagay na pwedeng maging mitsa ng kanilang buhay pero dahil sa desperado na siyang malaman ang katotohanan ay handa na ulit siyang gawin iyon.

Sinabi niya na maganda na gawin nila iyon ng alas tres ng madaling araw dahil sa ganoong oras ay mas aktibo ang mga espiritu at mas madali nilang matatawag si Devon.

Pagsapit ng alas tres ng madaling araw ay nagtipon-tipon silang lima sa may living area. Bago pa iyon ay naghanda na si Bree. Naghanap siya ng isang bagay na pwede nilang gamitin bilang imrovise sa ouija board. May nakita siyang malaking chopping board sa kusina na apat na dangkal ang haba at dalawang dangkal ang lapad. May nakita naman siyang sign pen at iyon ang ginamit niyang panulat ng mga letter, number, yes, no at bye. May drinking glass na rin siyang dala.

"Aren't we just wasting our time with this séance? Why don't we just wait for the police?" reklamo ni Jackie.

"For the clout! Hindi ba kapag nalaman natin kung sino ang killer ay magiging mas sikat tayo? That's the goal!" tugon ni Jade.

"And besides, nag-effort na rin tayong gumising ng madaling araw kaya ituloy na natin," ani Annika.

"Tumahimik na kayo at baka mag-away pa kayo. Gagawin natin ang pagtawag sa kaluluwa ni Devon sa kwarto niya," turan ni Bree.

"What? Bakit doon pa? Ang scary!" sabi ni Missy.

"Dahil doon siya namatay. Basta, sumunod na lang kayo sa mga sasabihin ko kung gusto ninyong maging matagumpay ito."

Nauna na si Bree sa paglalakad paakyat sa second floor. Nakasunod sa kaniya ang mga kaibigan niya hanggang sa makapasok na sila sa kwarto ni Devon. Talagang wala nang atrasan ang gagawin nila. Gusto na rin niyang malaman kung sino ba talaga sa kanila ang totoong salarin!


-----ooo-----


MAY kilabot na gumapang sa buong katawan ni Annika nang pumasok siya sa kwarto ni Devon. Kakaiba ang hangin doon. Kakaiba ang lamig. Mas lalo pang nakadagdag ng takot ang bangkay ni Devon na nasa ibabaw ng kama. Namumutla na iyon.

Inilapag ni Bree ang chopping board na ginawa nitong ouija board sa may pinaka gitna ng kwarto. Sinindihan na rin nila ang mga scented candles na nakapaikot sa kanilang pupwestuhan. Parang wala naman siyang nakita sa movie na tumawag ng kaluluwa na mamahaling scented candles ang ginamit. Pero iyon lang kasi ang meron sa mansion house na 'yon kaya wala rin silang choice.

Paikot silang umupo sa ouija board. Pinatay na rin ni Bree ang ilaw. Nakalibot sa kanila ang mga scented candles na ayon kay Bree ay magsisilbing protection nila sa bad spirits.

Sa paglapag ni Bree ng baso sa gitna ng ouija board ay may malamig na hangin siyang naramdaman sa kaniyang batok. Pinigilan niya ang lumingon dahil baka kung ano pa ang makita niya.

Inutusan sila ni Bree na ilagay ang isa nilang hintuturo sa ibabaw ng baso na nasa gitna ng ouija board.

"Tandaan ninyo na ang goal natin ay ang makausap ang kaluluwa ni Devon. Wala nang iba. If ever na meron kayong makita o marinig na hindi si Devon ay huwag ninyong papansinin." Paalala ni Bree.

The Bridal ShowerWhere stories live. Discover now