CHAPTER 10: alibis and motives

243 18 4
                                    





AFTER an hour, nagtipon-tipon sina Jackie sa living area. Pare-parehas sila ng sinabi—walang sign na may ibang tao na nakapasok sa mansion house. Mas lalong lumakas ang hinala nila na isa talaga sa kanila ang pumatay kay Devon.

Kaniya-kaniya sila ng upo sa mga upuan na naroon. Tahimik silang lahat at nakatitig sa kawalan. Tila walang nais bumasag sa katahimikan ng oras na iyon.

Nagkalat pa rin ang bote ng alak sa sahig na hindi na nila nagawang ligpitin matapos nilang mag-inuman. Hindi naman nila kailangang ligpitin iyon dahil bukas ng umaga, kapag dumating na ang mga helper ay ang mga ito na ang maglilinis lahat ng kalat nila sa mansion house.

Hindi siya naniniwalang nagpakamatay si Devon. Ikakasal na ito. Masaya ang lovelife nito at meron itong almost perfect life. Kaya nga kahit nasa kaniya na rin ang lahat ay hindi niya maiwasang mainggit kay Devon. Para kay Jackie, hindi deserve ni Devon ang lahat ng meron ito. Sa kabila ng pagiging demonyita nito lalo na noong high school sila ay nagtataka siya kung bakit bini-bless pa rin ito ng sobra-sobra.

"So, ang gagawin natin ay hintayin ang mga susundo sa atin bukas. Then, saka natin sasabihin sa kanila na p-patay na si Devon." Si Annika ang bumasag sa nakakabinging katahimikan.

"Why, Annika? Do you have any other ideas on what we can do? Do you want to play detective and find out who killed Devon?" sarcastic niyang tanong.

"Good idea, Jackie! Oo nga, bakit nga ba hindi ako maging detective para alamin kung sino sa inyo ang pumatay sa kaibigan ko!"

"Wow! Kami lang talaga? Hindi ka kasama sa suspect? So, now you're suddenly the super concerned friend of Devon? It's not like you didn't agree with our plan to get revenge on that bitch?" Natatawa niyang wika.

"Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang gawin iyon kay Devon, Jackie!"

"Lahat tayo ay magiging suspect kapag napatunayan na murder ang nangyari. Tayo-tayo lang ang nandito. Kaya kung isa man sa atin ang talagang pumatay kay Devon, we are all in danger," singit ni Bree.

"D-danger? Bakit?" tanong ni Missy.

"Ibig sabihin, nandito pa rin sa loob ng mansion house ang killer. Pwedeng ikaw, Missy..."

"Hey! H-hindi ako—"

"Or si Jackie, Annika at pwede ring ako. What if, hindi lang si Devon ang target ng killer. Paano kung lahat tayo ay plano niyang patayin. Kaya payag ako na dapat ay alamin natin kung sino ang killer ni Devon bago dumating ang mga susundo sa atin dito sa isla. Maraming pwedeng mangyari sa maghapon. Lalo na sa gabi at madaling araw..." Sa tono ng pananalita ni Bree ay para bang nananakot ito.

Natahimik si Jackie. Kung iisiping mabuti, may sense ang sinabi ni Bree. Malaki nga ang chance na isa sa kanila ang pumatay kay Devon. Kung ganoon, wala siyang dapat pagkatiwalaan sa mga kasama niya sa mansion house. Lahat ay dapat na ituring niyang suspect. Malaki rin ang chance na hindi lang si Devon ang bibiktimahin nito. Pwedeng isa pa sa kanila or worst silang lahat!

"Basta ako, wala akong dahilan para patayin si Devon," turan pa ni Bree.

"Walang dahilan o hindi lang namin alam ang dahilan?" tanong ni Annika. "Nag-usap kami ni Missy kanina. Bobo siya pero may point ang sinabi niya. Hindi ka masalita pero nang makita mong patay si Devon ay para kang sinapian ng madaldal na pokpok. Ang dami mong sinasabi. Ang dami mong hanash na ito dapat ang gawin, iyon dapat ang gawin. For what? Para pagtakpan ang krimen na ginawa mo?"

"I don't blame you for speaking like that to me, Annika. Everyone is a suspect here. Pero may alibi ako kaya hindi ako ang pumatay kay Devon. Nasa kwarto na ako after nating mag-inom. Hindi na ako lumabas. Then, may narinig akong tunog ng helicopter. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na papalayo 'yong helicopter. Hindi na ako lumabas ng kwarto. I took my sleeping pills at natulog na ako. Nagising na lang ako sa pagsigaw at pag-iyak mo. Saka bakit ako? Wala na akong pakialam kay Devon. Pinilit niyo lang akong sumama dito."

The Bridal ShowerWhere stories live. Discover now