CHAPTER 11: who's that girl?

244 18 1
                                    





WALANG emosyon at dire-diretso ang hindi kilalang babae sa paglapit kina Jackie. Nakataas sa ere ang hawak nitong kutsilyo na parang isang kilalang killer doll sa pelikula. Sa hitsura nito, tila ba papatayin sila nito. Well, maganda ang babae. Akala mo ay manika ang hitsura. Malaki ang mga mata at nakapilantik ang makapal at mahabang pilik-mata na akala mo ay mga paa ng ipis. Ang lips nito ay makapal na akala mo ay isa itong Bratz Doll. Kinky ang itim nitong buhok na umaabot hanggang beywang. Sexy ang babae. Petite. Bilog na bilog at tayong-tayo ang dibdib. Akala mo ay kurbada sa isang zigzag road ang beywang!

Sa kabila ng takot ni Jackie, na-insecure siya sa babaeng iyon.

"'Wag mo kaming papatayin!" sigaw ni Annika.

"I mean, kung gusto mong pumatay—ito na lang!" Itinulak siya nito paunahan. "Siya na lang ang patayin mo kasi kampon iyan ng demonyo!"

"How dare you?! Kung meron man dapat patayin dito, ikaw 'yon and not me!" Galit niyang sigaw kay Annika.

Huminto ang babae at isa-isa silang tiningnan. "Who's killing who?" Ang nagtataka nitong tanong. May kakaiba sa boses nito. Matinis pero parang may bahid ng pagiging... lalaki!

"You! Aren't you going to kill us like what you did to Devon?!" pasigaw na turan ni Jackie.

"What?! Devon is dead? Are you kidding me?" Biglang napatingin ang babae sa hawak nitong kutsilyo at agad nitong ibinaba iyon. "Oops! Sorry! I will not kill anyone of you. Nagulat lang ako when I saw you all! But, true ba? Devon is dead?!"

"Paulit-ulit? Oo nga! Patay na siya! At ikaw ang pumatay sa kaniya!" sabi ni Missy.

"No, no, no, no..." Umiling-iling ang babae. "I'm just here for her bridal shower. I came late but I am now here!"

"Pwede ba? 'Wag mo kaming gawing tanga! Pinatay mo siya! Tingnan mo nga at may dugo ka pa sa damit mo!" ani Annika.

"Oh! This red thing? You are wrong. This is red wine! Smell me, bitch, and you'll know..."

Hindi sila nagsalita. Alam ni Jackie na gusto nilang malamang lahat kung nagsasabi ng totoo ang babaeng iyon pero nag-aalinlangan silang lumapit dito dahil sa hawak nitong kutsilyo.

Tila na-sense nito na takot silang lumapit kaya itinapon nito sa malayo ang kutsilyo. "I'm sorry. Wala kasi akong mahanap na pang-open sa red wine kaya ti-nry ko iyong knife. Pero one of the bottle na nakuha ko ay nabasag ko sa dirty kitchen. I go back to pantry at nabuksan ko iyong bote pero tumapon naman here sa aking sexy crop top! Gosh! I am so fragile and clumsy!" Maarte pang tumawa ang babae.

Si Annika ang naglakas-loob na lumapit sa babae. Inamoy nito ang damit nito at nakumpirma ni Annika na hindi nga dugo ang pula na iyon kundi red wine.

"Teka, bakit ka nandito? Who the hell are you? Paano ka nakapunta dito sa private island na 'to?" Magkakasunod na tanong ni Jackie.

"They say, smart people have many questions! I think you're a smart one! By the way, nakapunta ako dito sa island by my private helicopter. Naiwanan kasi ako ng yacht na maghahatid sa akin here—"

"Sandali, sandali!" Putol ni Bree. "Ikaw ang sakay ng helicopter noong madaling araw? Hindi nag-land ang helicopter dito. Paano ka nakababa roon?"

"Nag-parachute ako! You know, I love skydiving! Unfortunately, nag-land ako sa part na maraming puno. I was so scared sa forest here pero wala namang snakes and tigers na um-attack sa akin. At nakapasok ako here sa mansion house kasi hindi naka-lock ang main door."

The Bridal ShowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon