Chapter 2

620 16 0
                                    

SOMEONE'S POV

Agad na nagtungo si Antonia sa restroom upang ayusin ang sarili. Napangiti sya ng makita ang napakaganda niyang reflection sa salamin pagkatapos niyang mag ayos ng sarili.

ANTONIA'S POV

Ang ganda ko naman. Saan kaya kami pupunta ngayon? Bahala na ok lang nman kahit san kami magpunta basta magkasama kami. Makalabas na nga baka nainip na iyon sa paghihintay sa akin.

Naglakad na ako pabalik sa loob ng opisina. Nakita ko si Michelle na nakatitig sa screen ng kanyang laptop. Kinuha ko ang isang folder upang papirmahan ito sa kanya. Lumapit ako sa tabi ng table niya upang ilagay dun ang folder ngunit sa di sinasadya napatingin ako sa screen ng laptop niya. Isang pamilyar na mukha ang nakita ko doon si Rhian, a girl who broken her heart. Ngayon pala ang kasal nito. At ganun na lang ang galit na nadama ko dahil sa ginawa nito kay Michelle.

"So, sya pala ang dahilan kung bakit ka ganyan" sabi ko sa kanya habang titig na titig ako sa kanya.

Magkahalong emosyon ang nakita ko sa mga mata niya ng tumingin siya sa akin. Sakit at lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya parang gusto ko syang yakapin ng mga oras na yon upang kahit papaano mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Iniiwas niya ang tingin niya sa akin.
Walang salita na tumayo sya sa kinauupuan niya,

"Tara na umalis na tayo malayo pa ang pupuntahan natin" sabi nito habang papunta sa may pinto.

Sumunod ako sa kanya. Walang salitang namagitan sa amin habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

Mataman ko siyang pinag masdan habang binubuksan niya ang pintuan ng driver seat ng kotse

"Nasaan si Mang Doming?" Tanong ko sa kanya habang papaupo sa passenger seat sa unahan ng kotse.

Lumingon siya sa akin. Blangko ang expression ng mukha niya. Hindi nito sinagot ang tanong ko na iyon. Kaya tahimik na lng akong umupo at ibinaling ang mga mata ko sa unahan ng kotse.

My world, My UniverseWhere stories live. Discover now