Chapter 1

1.4K 16 0
                                    

SOMEONE'S POV

Lunes ng umaga stress na stress si Antonia dahil sa sobrang trapik. 8:00 ng umaga ang pasok niya sa opisina ng Dee Group of Company. 8:15 na sya ng makarating dahil sa sobrang trapik at hirap sumakay. Malayo din ang binabyahe niya mula Bulacan kung saan sya nakatira hanggang Makati ang Opisina ng DGC.

ANTONIA'S POV

Nakakainis nman late ako. Mapapagalitan ako nito ng boss ko eh. Bakit kasi sobrang trapik dito sa pilipinas. Sana di mainit ang ulo nito may pagkaistrekto pa naman ito pagdating sa trabaho pero sa kabila nun mabait naman ito. Kaya di ko mapigilang humanga sa kanya. Ang paghanga na nauwi sa pagmamahal.

MICHELLE"S POV

What happened to her? She's late. Sa anim na taon niyang pag tatrabaho sa akin bilang secretary ko ngayon lang nanyari na nalate ito.

Antonia is not my secretary only, She also like a friend who always listen to me. Lalo na noong panahon na iniwan ako ng taong pinakamamahal ko. Si Rhian, sa kanya umikot ang buong mundo ko pero sya rin ang taong nagpaguho nito.

SOMEONE'S POV

Naantala ang pag iisip ni Michelle ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Antonia na bakas sa mukha ang pag aalala at pagod.

ANTONIA'S POV

Naku po mukhang galit ito. Sobrang seryoso naman ng mukha nito ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko. Pero sa kabila ng pagiging seryoso nito napakaganda nito sa suot na corporate attire na kulay pula.

"G-Good morning Ma'am" Nabubulol na sabi ko.

"Sori po nahirapan po akong sumakay dahil sa sobrang trapik" sabi ko habang lunalapit sa table ko.

Nakita kung tumayo sya sa pagkakaupo sa upuan na nasa likod ng working table niya.

"Fix yourself first. May pupuntahan tayo" saad nito sa malalim na boses sabay huminga ng malalim.

May problema ba ito? Bakit parang ang lalim ng buntong hininga nito. Nakaramdam ako bigla ng pag aalala para dito. Minsan di ko na rin maintindihan ang sarili ko sobra akong naapektuhan pag dating dito.

My world, My UniverseOnde histórias criam vida. Descubra agora