Hinarap niya ako. "Sorry Himea, pero may importante pala akong lakad ngayon." sabi niya. Hinagod niya ang batok niya sabay ng pag-iwas niya ng tingin saakin. Napataas ang kaliwang kilay ko.


"Okay." tinalikuran ko na siya saka naupo sa sofa at kinuha ang librong kaninang binabasa ko. Sinimulan ko na ang pagbabasa. Nakakaisang sentence palang ako pero napansin ko na hindi pa umaalis si Usui at nakatayo padin dun.


"What are you still waiting for? Get out of my place now. Dun ka sa importante mong gagawin." walang kahit na anong bahid ng pagkairita o pagkainis ang tono ng boses ko ng sabihin ko yun pero dapak! Sa loob loob ko sumabog na ang bulkan at nagsimula ng dumaloy sa katawan ko ang lava. Nakakainit ng dugo!! Importante pala ah. Dun siya sa babe niya! Bwisit! But somehow, I felt something strange, disappointment siguro. Napailing ako mentally. The heck! I shove that thought away. Tsk! No way in hell that I'll be disappointed in him!


"Joke lang." napatingala ako at napatingin kay Usui nung bigla niyang hawakan ang wrist ko. Dahil sa pag-iisip hindi ko na siya napansin na nakalapit na pala saakin. Ngayon naman nakangiti na siya. Napapoker face ako.


"Ako ba talaga ginagago mo?" inis kong tanong sa kanya.


Kumamot siya sa ulo. "Syempre mas gusto kitang makadate kesa kay..." hindi niya naituloy ang sasabihin niya nung marealize niyang masasabi niya ang pangalan nung 'babe' niya!


Sinamaan ko siya ng tingin. "Kesa kanino?!"


He awkwardly laughed. "Wala! Tara na nga!" pinatayo niya ako saka hinila palabas ng condo unit ko. Gagung to!


--


At the ice cream shop.


"Did you heard my phone convo awhile ago?" tanong niya saakin. Nakasandal lang siya sa upuan habang nakatingin saakin.


"Huh? Hindi." I lied. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy nalang ang pagkain ng vanilla ice cream. Trip ko malamig ngayon, paki niyo? Tsaka, nakaka 20 minutes nadin kaming naglalakad ni Usui sa loob ng mall at nakakatamad. Wala naman kaming ginagawa kundi ang magtingin lang. At nakakasawa yung mga tingin ng mga babae sa loob ng mall. Tch!


"Talaga lang ah?" he look to me suspiciously.


I glare at him. "Ou! Gusto mo ng sapak?!" inambaan ko siya. "Just shut up okay?"


Tinawanan niya ako saka pinat pa sa ulo. Wengya! Ginawa pa akong aso nito. Pinalis ko ang kamay niya. "Tss."


After that, nanahimik nalang ako pati din siya habang patingin tingin sa paligid pati narin sa cellphone niya. Mukhang may tinataguan ang lalaking to ah. Tss. Hanggang sa natapos ko ang paglantak sa ice cream ko, ganun padin siya. Bothered by something. Tumayo ako dahil may tawag ng kalikasan.


"San ka pupunta?" tanong niya agad pagkatayong pagtayo ko palang.


The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon