Chapter 3: My second kiss

Start from the beginning
                                    

Ano ka ngayon? Ha! Kala mo 'di ko pa nakakalimutan yun? First kiss ko yun so of course I would remember!

"Shut up." He replied softly as he looked away. Nagsmirk na lang ako at umalis na doon but when I was halfway out na I heard him shout, "SEE YOU AT SCHOOL, ENGOT!"

So ako pala 'tong engot ngayon? Edi wow! Siya na! Siya na talaga! Umirap nalang ako saka umuwi na. Mas lalo lang akong maiinis kapag mag-stay pa ako dito.

There's still a beautiful day ahead and I won't let someone like him ruin my day.

Keep calm and forget about the nuisances in this world. Take that douche for example.

•Chantelle's POV•

Dumilat ako para i-check yung time. Wow! I woke up even before the alarm clock!Himala! Siguro maganda yung tulog ko.

Oh well. Magluluto nalang ako. Pinuntahan ko yung girls sa mga rooms nila pero wala si Audrey.

Nasaan kaya yung bruhang yun? Siguro nag-puntang convenience store at nakatulog dun? Hay, ewan!

Para kasing alien yun. Bigla biglang maglalaho na parang bula at bigla ring dadating na parang kabute.

Pumunta ako sa baba tapos sakto namang pumasok si Audrey. Tumingin siya sa'kin na parang nagulat.

"Whoa, Am I hallucinating or what?" Pang-aasar niya sakin. Inirapan ko siya tapos sinabihan ng baliw. Pero tumawa lang ang bruha. Good mood ata siya ngayon?

"Oh-khay." Medyo nawi-weirduhan ako sa inaasal niya dahil parang may iba. Ano naman kay? "Spill." Napatigil naman siya at tumingin sakin habang umiinom ng gatas.

"What?" Pag mamaang-maangan niya.

"Why're you in a good mood?" I asked, directly to the point.

"Because I had a good night sleep." She smiled widely.

"Talaga lang ha, baka naman...napanaginipan mo si Zach?" Pang-aasar ko rin sakanya. Mabilis pa naman magka-crush 'to. Hindi lang halata.

"Actually, yes. I dreamt of him." Tumili naman ako kaya napababa yung dalawa. Ganun ba kalakas yung tili ko? Baka naman gising na sila at napabilis lang ng paglakad.

"KYAAAAAH!" Tili ko na parang ewan. "Wahaha!"

"Anong meron?" Tanong ni Hazel habang nagstre-stretching.

Si Amber naman, ayun, nakapikit pa rin habang bumababa ng hagdan.

"Audrey dreamt of Zach!" I shrieked. Tumigil naman si Hazel sa pagstre-stretching niya tapos napadilat yung mga mata ni Amber.

"WHAT?!" Sabay nilang sigaw kaya napatakip kami ni Audrey ng tenga.

Binatukan ako ni Audrey at sinabing, "Ikaw kasi eh! Napaka—malisyosa! I dreamt of KILLING him! Hindi yung nasa fairytale land kami!" Ang sakit nung pagbatok niya sakin ah!

"Sabi ko nga, pinapatay mo siya sa utak mo." Sabi ko with an eye roll habang mina-massage yung nape ko.

"Heh! Tara na nga! Kain na tayo. Gutom na ako eh." Pag-iiba niya ng usapan. Style niya kamo, bulok.

"Kailangan talaga isigaw? Ang lapit lang kaya natin sa isa't isa." Saway ni Hazel sakanya. Nag peace sign naman si Audrey with a sheepish smile on her face.

Conflict and LoveWhere stories live. Discover now