SPECIAL CHAPTER

3.1K 46 5
                                    

Falesia

"Ano, Callie? Hindi mo idedelete yung inupload mong tiktok? Hahayaan mong makita yung ng mga anak natin?". Nakapa meywang na tanong ko sakaniya.

"Lovey, they don't know pa naman how to watch there eh. Tsaka..". Hindi niya pa natatapos yung sinasabi niya ay inend kona yung call. Bahala siya sa bohai niya.

Nakaka inis siya. Nakaka asar. Bakit ba kasi niya need pang mag upload ng ganun? Alam naman niyang madaming nagkakagusto sakaniya!

Hindi pa nakaka isang minuto ay tumawag siya ulit. Sinagot ko nalang ulit pero vc naman ngayon.

"Lovey, I deleted it na. Don't be mad, I'm sorry."

Naka hoodie siya ngayon at naka sun glass.

"Hoy, anong trip mo at naka ganiyan ka ng suot? Anong oras ka din ba uuwi?".

"Pauwi na'ko, Lovey. Don't be mad na. I'm just teasing you. You're so cute kasi. Sa sobrang cute mo makaka Ilan na naman ako sa'yo later." Nilakihan ko siya ng mata at pinakita yung bunso naming anak.

Pauwi na siya ngayon galing sa trabaho. Ewan ko kung sa trabaho ba or kung saan to nanggaling dahil balot na balot.

Binitbit ko si Belle and pinaupo sa legs ko.

"Hi, mommy!". Bati nito kay Callie.

"Hello, sweetheart. Wag pasaway kay mommy ha? May pasalubong ako sainyo ni kuya. Where's your kuya?".

Tinuro naman ni Belle ang kapatid niyang lalaki kahit hindi nakikita ni Callie. Kaya natawa kami pareho sa pagiging adorable niya.

"I'll end the call na. So that safe makaka uwi ng house si mommy, okay? Iloveyou sweet heart." Nag flying kiss pa siya sa anak namin.

"I love you too, mommy! Kweep safe po."

Inangat kona yung phone sa'kin at saakin naman siya nagpaalam.

"I love you, Lovey. Can wait to be with you and fv--KALILA AURELLIA FERREIRA" Diniinan ko yung pangalan niya dahil lumalabas na naman yung pagiging malandi niya. Nandito yung anak namin.

"Lovey, chill, I'm just joking. I'll end the call na."

"Oo, patayin mona. Kasi ikaw na ang papatayin ko kapag hindi kapa nanahimik sa kalandian mo. Naririnig ka ng mga bata."

Pinatay niya yung call habang tumatawa. Sakto naman may kumatok sa pinto kaya kaagad kong binuksan.

"Hi babies." Isa pa tong stress. Hays. Napasapo nalang ako sa'king noo. "Namiss niyo ba ang ninong niyong pogi?."

"Hindi ka naman po pogi, tito ninong eh." Sagot ng anak ko na si Kalleb. Na kinabusangot ni Sceven pero ako naman ay natawa.

Sumalubong ang mga bata kay Sceven. Gustong gusto nila si Sceven dahil bukod sa isip bata 'to ay hindi rin sila pinapagalitan. Kung tratuhin niya kasi ang mga anak namin ni Callie ay parang ka-edad niya langHAHAHA haynako kaya hanggang ngayon wala pa ring nagiging jowa eh.

"Hello, kids." Sinalubong din nila Kalleb si Xean at mas natuwa nung nakita nilang may pasalubong na dala ito.

"Hati kayo ni Belle ha?". Inabot ni Xean yung dala niyang chocolates kay Kalleb.

"Opo, pero mamaya pa po namin kakainin. Sabi po kasi sa amin ni momma after kumain ng lunch tsaka lang kakain ng chocolates and after ay magtoothbrush para hindi masira ang teeth." Ginulo ni Xean yung ulo ni Kalleb na kinabusangot ng panganay namin.

Isa sa napansin ko sa kaniya ay ayaw niyang nagugulo yung buhok niya. Bata pa pero nagpapapogi na ang baby namin hehe.

Pumasok na rin si Cora. Dito na naman tatambay ang walaya. Araw araw ako nasstress sa kanila hayss. Sasakit nila palagi sa ulo kapag ang iingay nila eh. Minsan yung mga bata pa ang sumasaway sa kanila.

Serendipity (ProfessorxStudent) (Ferreira Series#2) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें