CHAPTER 18

2.2K 40 8
                                    

Falesia

"Love, wake up."

Nagising ako sa mahinang pagtapik na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong idinilat yung mga mata ko dahil tinatamad pa ako magising.

Hindi naman ako nasilaw sa ilaw dahil may kung sinong nakaharang para matakpan yung ilaw.

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako kanina kasi narinig kong tinawag akong love ng kung sino.

"Drisson, I said wake up. I'll leave you alone in my office if you don't get up there."

And with that, kaagad akong bumangon mula sa pagkakahiga dahil ayoko namang maiwan mag isa dito. Nakalimutan kong nasa office niya pa nga pala ako at dito ko naisipang ibigay yung free time ko.

"Professor Ferreira, anong oras na po?."

Bitbit na niya yung bag niya at yung pambansang marker niya na sobrang bigat.

"7pm. So, if you don't want to be left alone here, follow me."

WHAT?!! 7  AS IN FVCKNG PM?!

"I tried to wake you up, I swear, but you were the one who didn't want to wake up so I just gave up. You also look tired so I just let you sleep. Don't worry, I've also excused you from your other subjects."

Medyo napahinga na ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Tinignan niya pa ako nang nagbabanta na parang sinasabing hindi kapa kumilos dyan, iiwan talaga kita dito look kaya mabilis pa sa pagkilos niya ang ginawa ko. Ayoko namang maiwan dito 'no, mamaya may multo pa dito. Kapag mga skwelahan pa naman madaming naka tirang mga hindi natin nakikita kaya bago pa ako makakita ay nauna na akong lumabas sa kaniya.

Geez, skwelahan ba talaga 'to? Bakit ang creepy naman yata?

Rinig ko yung pagtunog ng pinto ng office ni Prof sign na nailock niya na ito.

Habang naglalakad kami sa hallway rinig ko yung bilis ng tibok ng puso ko. Panaka naka yung pagtingin ko sa kaniya pero siya mukhang may malalim na iniisip.

"Profe--".

"What would--".

Nagkatinginan kaming dalawa nung nagkasabay kaming magsalita.

"Mauna kana po."

"No, you go first."

Kulit naman niya eh. Pinapauna na nga. Hindi ako magpapatalo, kasi wala naman akong sasabihin. Sadyang gusto ko lang siyang tawagin kanina para tumingin siya sa akin. Ganda kasi ng mga mata niya, lalo na kapag sa akin lang nakatingin hehe.

"Mauna kana, Miss Professor. Wala naman talaga akong sasabihin, papansin lang talaga ako." Kita kong kumunot yung noo niya pero muli ring bumalik ito sa pagiging seryoso.

Mukhang may iniisip siyang sabihin na parang ayaw niyang sabihin. Mukha na nga siyang natatae kasi hindi siya mapakali.

"Professor Ferreira, ano bang sasabihin mo? Sabihin mo na, kaysa yung nagmumukha kang--".

"What would be your dream first date, and what time should I pick you up?".

O_O

SERYOSO?

TINATANONG NIYA PA LANG AKO KUNG ANO YUNG DREAM DATE KO PERO TINATANONG NA RIN NIYA AGAD YUNG ORAS?

PALA DESISYON NGA KASI

Sumilay yung kakaibang ngiti sa kaniyang labi. Tsk, sabi ko na eh inaasar na naman niya ako. Kapag nalaman kong pinagttripan na naman niya ako hindi ko siya papansinin kahit na Professor ko siya.

Serendipity (ProfessorxStudent) (Ferreira Series#2) Where stories live. Discover now