CHAPTER 16

2K 39 1
                                    

Falesia

Isang oras nalang ang hinihintay para magsimula ang program pero ilang oras na akong parang bomba dito na sasabog dahil sa kaba.

Kingina naman kasi.

Pagbalik talaga namin sa manila kakalbuhin ko 'yun si Kristel. Hindi ko na din kasi siya ulit nakita matapos niya akong nakawan ng halik sa gilid ng labi sa convenience store. Mukhang pinag taguan na ako ng walangya.

Takot makulong?

Ikukulong ko lang naman kasi yung leeg niya sa mga kamay ko.

Kanina ko pa hinahanap si Professor Ferreira pero hindi ko makita. May lahi talagang multo 'yon eh, napaka ghoster.

Baka kasama na naman niya si Sir Romeo kaya nawala na naman siya na parang bula. Edi magsama sila! Pake ko? Baka bustedin ko siya jan agad kahit na hindi naman talaga malinaw sa akin ang lahat kung nanliligaw ba talaga siya sa akin or ano. Gulo gulo niya kasi tapos masyado pang desisyones.

Sinabi na rin niya yung feelings niya para sa akin pero wala naman siyang sinabi kung ako lang ba laman ng puso niya. Hmmp! Walang binigay na assurance. Paano ako susugal sa kaniya niyan? Edi ako ang natalo at nalugi kung wala naman palang kasiguraduhan ang lahat.

"Ay palaka!".

Napapadalas na ang pagiging magugulatin ko. Shems, mukhang kulang na ako sa Yakult. Hahanap nga ako ng mabibilhan mamaya, babawasan ko na yung binigay ni lola sa aking pera.

And speaking of Kristel, bakit nandito siya??

"Wow, grabe sa palaka ha? Sa ganda kong 'to palaka?? Omg ka girl ha."

Naalala ko yung balak kong gawin sa kaniyang pananakal kaya tumayo ako at lumapit sa kaniya.

Nanlaki naman yung mga mata niya dahil hindi niya ini expect yung ginawa ko.

"Ouch! Alisin mo nga 'yan, that's so masakit."

"Oa mo ha. Hindi ko naman diniin 'no." Pareho kaming natawa. Ang arti kasi, eh hindi ko naman talaga diniin yung pagkakasakal sa kaniya.

"Bakit ka pala nandito? Wala ka namang sinalihan diba?". Curious lang naman ako kasi ano namang gagawin niya dito eh sa pagkaka alam ko hindi siya sumali. Isa nga siya sa nagback out kay Miss Irene eh.

Sumimangot naman siya. Mukhang hindi niya nagustuhan yung tanong ko sa kaniya.

"Grabe haaa, parang ayaw mo akong nandito. You can tell me naman kaysa yung ganiyan. Nakaka hurt kana." Umarte pa siya na parang nasaktan. Jusko! Para siyang si Cora.

"Hindi ah. Curious lang ako kung paano ka napunta dito."

"Wala bang pa I miss you muna jan, girl?". Akmang yayakap siya sa akin pero naitulak ko na yung mukha niya palayo.

Geez, ayoko ng ganiyan. Physical contact? No way, pero kapag kay Professor Ferreira, Yes way!

"Strike two kana ha! Sakit mo naman."

"Eh hindi mopa nga sinasagot yung tanong ko kung bakit ka nandito. Tsaka hindi ako mahilig sa ganiyan no."

Tukoy ko sa pa I miss you-I miss you na yan. Never naman kasi ako nakatanggap ng ganiyan galing sa family ko. Kay lola lang talaga ako nagsasabi ng gano'n kaya kapag nag I miss you too ako pabalik or mag I miss you panigurado ko Gold ka hahaha.

"Kaya lang naman ako nandito kasi pinapunta ako ni Ate. Ayoko nga eh kasi tinatamad ako pero no choice." Ayan, ngayon naka busangot na ang mukha niya. "Anong tinatawa tawa mo dyan? May lahi ka bang baliw or may nakikita kang hindi ko nakikita?".

Serendipity (ProfessorxStudent) (Ferreira Series#2) Where stories live. Discover now