CHAPTER 31

1.9K 31 0
                                    

Falesia

Ang mesang inakala kong magiging tahimik ay napuno ng tawanan at kasiyahan dahil lamang sa mga kapitbahay na inaya ni Callie na sumabay sa amin. Naging maganda naman din ang naging daloy ng kanilang usapan. Kung minsan ay ramdam kong naiinis ang propesora dahil napipikon siya sa mga asar sa kaniya, ngunit mabilis din naman siyang kumakalma kapag hinahawakan ko na ang kanyang kamay na nakikita nila kaya kami ay kanilang tutuksuhin.

Pag tapos naming kumain ay sinakay na naman niya ako sa kaniyang sasakyan at nagpunta sa lugar kung saan maganda talaga. Para kang nasa langit dahil sa ganda. Wala yatang alam na lugar na hindi maganda ang propesorang ito.

"This is my rice field. I chose this place because apart from the beautiful sorrounding,
the breeze is also pleasant, so I decided to purchase land here as well as magpatayo ng bahay kubo. So refreshing and nakaka kalma. Did you like it?"

Totoo yung sinabi niyang refreshing dahil pagdating palang namin sa kanila kanina ayun talaga ang una mong masasabi dahil iba talaga yung dapo ng hangin ng hangin sa balat mo. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nasa probinsya ka.

"I love it."

Hindi na ako nagulat nung malaman kong pag mamay ari niya ito dahil alam ko namang sobrang yaman nila. Magiging president na nga rin siya ng AA eh.

Pansin ko lang, kapag siya ang kasama ko at kapag tinatanong niya ako kung nagustuhan ko ba yung ganito ganiyan, ang sagot ko palagi I love it. Syempre kapag sa kaniya galing tagos to the bones eh, ibang klase kasi siya. Yung tanong niya na alam na niya kaagad yung sagot kasi halata namang magugustuhan ng kahit na sino yung ipapakita or ibibigay niya. Ganiyan ang epekto niya. Pero dapat sa'kin lang. Subukan niyang gawin din sa iba yari siya sa'kin.

"What's with that face? You look like you want to murder me right now, as if I've done something wrong"

Mabilis akong umiling. Shems, masyado naman kasing napaghahalataan na nakatitig sa'kin kaya alam niyang nakatingin ako sa kaniya eh.

"Wala ah, ganda mo lang" totoo yan na may halong kaemehan para hindi na siya magtanong pa.

Oh diba? Nag shut up siya HAHAHA.

"Aurellia! Kinagagalak kong makita kang muli"

"Ako rin po, Mang Nestor" nagmano siya sa matanda kaya nagmano rin ako. Napunta tuloy sa akin yung atensyon ng matanda.

"Sino naman itong magandang dilag na kasama mo, anak?" Anak?

"Girlfriend ko po"

"Napaka gandang bata naman. Kumain na ba kayo?" May sinusungkit siyang mangga kaya nagcrave tuloy ako sa manggang may suka at asin tapos madaming sili.

Natry niyo naba yon? Suka na may asin tapos isawsaw dun yung mangga? Promise napaka sarap! Weird man kasi maasim na yung mangga at maasim na yung suka pero pinagsasama ko sila? Basta pake niyo ba? Bakit hindi niyo itry? Masarap! Ipapatikim ko kay Callie mamaya. Aayain ko siyang mamitas ng mangga niya.

Tulad nga ng sinabi ko, ipapatikim ko sa kaniya pero heto siya at weirdong nakatingin sa akin dahil sinawsaw ko lang naman yung mangga sa suka na may asin na may sili.

Inalok kasi kami ni Mang Nestor kanina kung gusto ba namin ng mangga pero bago pa ako makasagot ay pumayag na kaagad si Callie dahil halata naman daw na gusto ko. Sobrang natuwa yung kaloob looban ko kanina dahil sa kaniya. 

"Say ahh" tinapat ko sa bibig niya yung mangga na kasasawsaw ko lang sa suka na may asin pero lumalayo siya sa akin.

"Bellucent, stop. I think it will be better kung sa bagoong isawsaw yung mango, right Mang Nestor?" Ayan, nagpapakampi na siya. Tumawa naman yung matanda pero hindi sumagot.

Serendipity (ProfessorxStudent) (Ferreira Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon