CHAPTER 20

2.1K 36 6
                                    

Falesia

"Ano baaa Sceven lubayan mo nga ako."

Lunch time ngayon pero hindi ako nagpunta sa office ni Professor Ferreira dahil bukod sa hindi niya ako pinatulong na bitbitin yung napaka bigat niyang marker, eh ayaw ko rin munang magpunta don dahil baka makatulog na naman ako sa sofa niyang pagkanda lambot-lambot.

"Siaaaa, dali na kasi. Isang pic lang galing kay Professor Ferreira. Ipaalam mo'ko sa kaniya dali na. Lilibre kita pagtapos"

Ayan, kanina niya pa ako kinukulit na ipaalam ko daw siya kay Professor Ferreira na makipag pic sa kaniya dahil kailangan niya daw. May pustahan daw sila nung classmate niyang may crush kay Prof. May gana pa talaga siyang manlibre galing dun sa pagpupustahan nila ah? Alam ko rin naman na kaya siya hinamon nung classmate niya dahil alam nun na hindi nakikipag picture si Prof sa mga student lalo na napaka terror nung panot na yun, ay este nung Professor na 'yun.

As if rin naman na papayag ako. Hindi pa kami pero putangina niyo, akin lang yun. Oo makapal mukha ko. Ipagdadamot ko siya kasi sa'kin lang siya forever and ever period!

And speaking of that Professor, tanaw na tanaw ko siya mula sa labas ng cafeteria habang kasama yung dalawang Professor which is si Sir Romeo and Miss Irene. Naguusap yung dalawa pero siya seryoso lang ang itsura.

Palinga-linga siya sa paligid na para bang may hinahanap ang kaniyang mga mata at nung magtagpo ang aming mga mata, sumilay sa kaniyang mga mata ang kasiyahan? Naks! Sabik siyang makita ako. Akala ko ako lang ang nakakaramdam nun, nalimutan kong gusto nga pala talaga niya ako.

Tulad ng gini-gate keep kong kanta, hindi sila sa akin pero ipagdadamot ko sila sa ibang tenga-hindi ka sa'kin pero ipagdadamot kita sa iba.

Hahanap lang ako ng tamang pagkakataon para sagutin ka. Wag ka sanang mapagod maghintay sa akin.

"I miss you, Sia!."

Maski yung pagyakap ng kung sino ay walang nagawa para kuhanin ang attention ko sa pakikipag titigan kay Prof. Akala ko hindi pa siya iiwas, pero umiwas siya ng... pa irap? Ano na namang nagawa ko?!

"Sia!."

Napunta yung attention ko sa tumawag sa akin at nanlaki yung mga mata nung makita ko si Cora sa harapan ko.

Anong ginagawa niya dito?

"Paano ka nakapasok dito?."

Yung kaninang masiglang itsura niya ay napalitan ng nakabusangot na itsura.

"Ang gandang bati naman niyan, Sia. Mukhang hindi mo nga talaga ako namiss edi sa kaniya kana." Aysus, nagtampo pa nga.

"Huy, namiss din kita pero nagtataka lang ako kung paano ka nakapasok dito?. Ang alam ko kasi bawal pumasok ang mga outsider kapag hindi importante ang pinunta dito."

Totoo naman yun, kasi napaka higpit ng rules ng skwelahan na'to buti nga nakapasok ako dito kahit na scholar ang nagdala sa akin.

"Ako ba Sia hindi mo namiss?."

Tinulak ko palayo yung mukha ni Sceven na sumingit sa gitna namin ni Cora. Rinig kopa yung bulong niya ng "sige, ganiyan naman kayo eh." Na siyang nakapag pairap sa akin, sadboy amp.

"Obvious naman diba? Kaya ako nandito dahil dito na rin ako mag aaral! Sinundan ko kayong tatlo dito para mabuo na tayo ulit."

Natuwa ako sa balitang sinabi niya kaya bigla akong napayakap sa kaniya. Kita ko yung gulat na rumestro sa mga mukha nila kaya natawa ako.

"Anong nakain mo? Bakit nangyayakap ka yata ngayon?." Tanong ni Cora.

"Hindi ka mahilig sa ganiyan ah?." Dagdagn naman ni Xean na hindi ko napansing nandito na rin pala.

Serendipity (ProfessorxStudent) (Ferreira Series#2) Where stories live. Discover now