CHAPTER 4

2.9K 55 3
                                    

Falesia

Ilang araw na ang nakalipas at nagpaplano ngayon yung mga teachers para sa gaganaping laban sa cebu. Naghahanap sila ng magaling kumanta, umarte at sumayaw na studyante. Wala akong hilig sa ganiyan kaya si Falesia tahimik lang~

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung nangyari yun sa office ni Professor Ferreira. Ayoko na sanang alalahanin dahil iba yung nagiging dating nun sa buong sistema ko.

Hindi ko maintindihan yung sarili ko dahil hindi ko naman gusto si Prof, pero crush? Siguro oo dahil maganda siya at magaling magturo, kaso ang weird niya dahil kung minsan ay bigla nalang siyang susulpot galing sa kung saan at magugulat na lang ako dahil sa klase ng titig niya.

Hindi ko nga alam kung may nagawa ba akong mali dahil palagi na lang siyang ganon. Minsan bigla bigla na lang niya akong hahatakin at ipabibitbit yung white board marker niya na sobrang bigat hanggang sa makarating kami sa susunod niyang klase. Tulad ngayon na naka sunod lang ako sa kaniya patungo sa room niya.

“My heart is still smiling.”

Ayan yung palagi niyang sinasabi these past few days kapag tinutulungan ko siyang magbuhat ng napaka bigat nga niyang marker.  Ngumiti lang ako sa kaniya dahil hindi ko naman alam kung anong ibig niyang sabihin.

Paano ngingiti yung puso, sige nga? Tsaka kailan niya pa nakita yon?

Pumasok na siya sa loob ng classroom. Bumalik na rin sa pagiging seryoso yung itsura niya.

Dahil break time ko naman ay nagikot ikot muna ako sa loob ng campus. Wala akong kasama ngayon dahil hindi ko katugma yung sched nung dalawang monggoloid. Feeling ko nga crush ni Xean si Professor Ferreira dahil palagi niya itong kinukulit kapag nakikita niya kaming magkasama, pero si Prof naman ay iniikutan lang siya ng mata, pero hindi pa rin maikakaila na may takot pa rin siya sa professora dahil kapag nakita niya yung malamig na mata nito ay nananahimik na siya.

Sa akin naman ay wala ng talab 'yon. Ni hindi na ako natatakot kapag tumitingin sa'kin yung malalamig niyang mata niya. Nasanay na rin kasi ako dahil palagi niya akong tinititigan kapag nasa klase.

Sa unang tingin ay hindi mo iisipin na may nilalaman yung mga tingin niya, pero kapag nakasanayan mo na ay dun mo marerealize na may mga nakatagong emotion dito.

Hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa ko papunta dito sa music room. Umupo ako sa upuan kaharap ng piano.

Dinama ko ang bawat tunog nito bago ako nagsimulang sabayan yung tono ng kanta na aking kakantahin.

Can't be too loud, can't be too busy
If I don't answer now, are they still gonna need me?
Can't be too proud, can't think I'm pretty
Do they keep me around, so their flaws just seem silly?
I say I'm okay

'Cause they wouldn't care anyway
And I could try to explain
But my efforts in vain, they can't relate to how I've-
Drawn out in Sharpie where I take the scissors🎶


"You sounds like an angel."

Naramdaman ko nalang may tumabi sa gilid ko dahilan para umurong ako ng onti. Masyado kasi siyang malapit at talagang dumikit sa akin ang braso niya.

Nakatingin siya sa akin. Kita ko yung paghanga sa mga mata niya habang nakatingin.

"I'm Kristel, and you are?".

She offered her hand on me and I kindly accepted it.

"Falesia."

"Nice meeting you, Falesia. You have a nice voice that's why I said that. I can recommend you with my Professor to join our--."

Serendipity (ProfessorxStudent) (Ferreira Series#2) Where stories live. Discover now