CHAPTER 33

1.6K 28 1
                                    


Cora's Pov.

"Palabasin niyo yan! Ayoko silang makita hanggat hindi pa natatapos ang imbestigasyon"

"Pakinggan mo muna kami, Sia. Kahit sagli--hindi! Lumabas na kayo!" Pamumutol niya kaagad kay Xean. Ang sakit kasi hindi niya kami .agawang tignan kahit saglit man lang.

"Sia please.."

"Just give her some time. She's hurt. I hope you understand. For now, just let her be"

Humarang sa amin si Professor Ferreira kaya napatingin kami pareho ni Xean sa kaniya, pero hindi pa rin niya kami mapipigilan. Gusto naming magpaliwanag

Si Sceven naman ay nakatingin lang sa amin sa loob habang naguguluhan. Manahimik ka na lang muna, wag kana ding makisali please lang. Sakit na nga sa ulo ni Sia tapos dadagdag pa siya.

"Sia, please pakinggan mo kami kahit saglit"

"Ayoko nga. Umalis na kayo. Kung patuloy kayong mangungulit at mang aabala dito.. hindi talaga ako magdadalawang isip na tablahin kayo"

Gulat man kami sa narinig na sinabi niya, hindi pa rin kami mawawalan ng pag asa.

Hindi na kami nagpumilit pa ni Xean na lapitan siya dahil mukhang ayaw niya talaga. Sarado pa yung isip niya para makinig sa'min. Hindi naman namin gustong itago yung nalalaman namin pero hindi pa kasi panahon para aminin sa kaniya. Nagkataon lang na nakita niya kami at ayun din yung mismong gabi na nawala si Nay Marie. Nakakalungkot sobra.

Sobrang close sila ni Sia kaya naiintindihan k yung sakit na nararamdaman niya ngayon, pero mali naman na kami kaagad ang sisihin niya kahit hindi naman talaga niya alam yung katotohanan.

"Go home now" nakalimutan kong nandito pa nga pala 'tong shota ni Sia. Kung hindi ko lang din siya Propesora ay matagal na rin siyang nakatikim sa'kin eh.

"Mawalang galang na ho Professor Ferreira. Uuwi kami sa ayaw at sa gusto namin. Kaya kung pwede, wag na kayo mangealam sa'min"

Hindi ko kasi nagugustuhan yung pagiging pakelamera niya. Hindi niya alam kung gaano kasakit sa'min ngayon yung ganito dahil bukod pa sa pagiging kaibigan yung turing namin kay Sia. Nasasaktan din kami sa nangyayari.

"This is not about you guys. It's about Sia, my girlfriend. The situation will be worst if you're not going to listen to me. Don't be stubborn kids"

"Stubborn? Sino kaya yung madalas kong mapansin na nakasunod kay Sia mula sa malayo?"

Pareho kaming napatingin kay Xean nung nagsalita siya. Nakasunod? Ibig bang sabihin hindi lang ako yung nakakapansin non, na madalas nakasunod si Professor Ferreira kay Sia?

"What do you mean by that, Mister Gomez?" Seryoso lang naman yung itsura niya habang naghihintay ng sagot kay Xean. Ito na naman yung expression ng mukha niya na wala kang mababasang kahit ano.

"Palagi ko kayong napapansing nakasunod kay Sia. Anong ibig sabihin non? Stalker kaba niya?" Napa amang naman siya nung marinig yung sinabi ni Xean.

Ilang beses ko na din sinubukang itanong sa kaniya yan kaso bigla biglang dumadating si Sia kaya hindi ko nagagawa.

"Ako din, madalas kitang napapansin. Wala ka naman sigurong masamang balak sa kaniya, hindi ba?"

"What are you guys talking about? I'm not a stalker. First of all I don't need to explain myself to you. Go home"

Talagang umiiwas siya sa tanong dahil pumasok na rin siya kaagad sa kwarto na ino-occupy ni Sia.

"Cora paano na 'to? Kailangan nating sabihin sakaniya"

Serendipity (ProfessorxStudent) (Ferreira Series#2) Where stories live. Discover now