24: Ups and downs

21 0 0
                                    

Chapter 24: Ups and downs

"Would you believe me if I say I met an angel, ma?" tanong ni Chelsea kay Carlyn. Kumakain sila ngayon sa isang karinderya na malapit lang sa subdibisyon nila. 

Pagkakita pa lang nila sa isa't isa sa ospital kanina, nagyakap silang dalawa. Sa ilang iglap ay nalimutan nila ang hidwaan sa pagitan nilang dalawa bago nangyari ang aksidente. Nakakapagtaka sa karamihan, pero hindi na iyon bago sa kanilang mag-ina. 

Ang kinaibahan lang noon at ngayon ay tuluyan nang ibinaon sa limot ni Chelsea ang sama ng loob kay Carlyn. Na kahit mag-away man sila ulit, hinding-hindi niya na uungkatin ang nakaraan.

"Ayoko nang magalit sa'yo, mama. Gusto ko na lang tayong maging masaya," linyang binitawan ni Chelsea habang mahigpit na nakayakap kay Carlyn sa ospital. Kaya ngayong nasa labas na sila ay mapayapa na silang nakakapag-usap. 

"Anong sabi mo?" tanong ni Carlyn.

"Maniniwala ba kayo 'pag sinabi kong may nakilala akong anghel?"

The question is... is he really an angel? Or he is her father disguising as one? 'Yon ba ang rason kung bakit ayaw magpakita ni Asher kay Carlyn dahil kilala siya nito? Pero ba't niya naman gagawin iyon? 

Ilan lamang iyon sa mga katanungang bumabagabag sa isip ni Chelsea habang naghihintay ng sagot. Nung nakita niya si Carlyn kanina ay pansamantala niyang nalimutan ang tungkol kay Asher. Ngayong tahimik na silang kumakain at walang gaanong mahanap na pag-uusapan ay saka niya naalala ang tungkol sa anghel. 

"Ako rin may nakilala," nakangiting sagot ni Carlyn. Kanina pa hindi mabura ang ngiti sa labi niya. Noong nagkita sila ni Chelsea sa ospital kanina ay wala silang sinayang na oras. Inayos agad nila ang lahat ng mga bayarin para makalabas na sa ospital. Ayaw na ayaw na niyang manatili rito kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang dumating ang kaniyang anak. At hanggang ngayong malapit na sila sa bahay ay lubos pa rin ang pasasalamat niya.

"Sino, ma? Sinong anghel? Si Asher?" aligagang tanong ni Chelsea. Lumingon siya sa paligid at napasimangot nang hindi makita ang anghel sa paligid.

"Ikaw ang anghel na nakilala ko," tugon ni Carlyn.

Nagsalubong ang mga kilay ni Chelsea. Halos matawa rin siya sa tinuran ng kaniyang ina dahil hindi siya makapaniwala. "Ako? Anghel? Sa sama kong 'to? Joke ba 'yan, mama?"

"Seryoso ako, Chelsea. Kahit hindi halata dahil lagi kitang pinapagalitan at hindi maayos ang trato ko sa'yo. Pinagdarasal ko na sana lagi ka Niyang bigyan ng lakas kasi sakitin ako at mahina. Kasi kahit ayoko, wala akong magawa kundi magawa kundi magpatulong sa'yo... kahit noong panahong bata ka pa at dapat naglalaro ka pa."

"M-Ma..." garagal na sambit ni Chelsea. Nakaramdam siya ng matinding guilt. All this time she felt hatred towards her mother. Hinihiling niya ang kamalasan nito, matanto kung gaano siya kasaya kahit wala ito, at kung anu-ano pang masasamang bagay. Hiniling niya iyon nang hindi nalalamang kahit parang hangin o 'di kaya alipin ang turing sa kaniya nito, pinagdarasal pala siya.

"Pasensya na sa mga pagkukulang, Chelsea. Patawad kong hindi mo na-enjoy ang buhay mo nang dahil sa'kin..." dagdag pa ni Carlyn. Inabot niya ang kaliwang kamay ni Chelsea na nakapatong sa lamesa at mahigpit na hinawakan. Marami pa sana siyang gustong sabihin pero hindi niya na nagawa dahil sa pagbabara ng lalamunan. Tanging ang mga mata niya na lang ang nangusap sa kung gaano siya nagpapasalamat dahil si Chelsea ang naging anak niya.

"Ma, please. No drama. Nakakahiya sa mga tao rito," mangiyak-ngiyak na saad ni Chelsea. Wala naman talagang gaanong kumakain sa karinderya. Sinabi niya lang iyon para mapagaan ang atmospera sa pagitan nila at para na rin mapigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. 

Heaven Sent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon