10: The Deadline

18 0 0
                                    

Chepter 10: The Deadline

"Malapit ka na sa hangganan ng 'yong buhay. You're going to die soon, Chelsea."

"Die? As in?" Nag-sign language si Chelsea para ipakita ang simbolo ng pagkatigok.

Nang walang mababakas na kahit anong emosyon, marahang tumango si Asher. Hindi niya intensyong sabihin ang totoo, maski magbigay ng kahit kaunting pahiwatig ukol dito pero hindi niya napigilan dahil na rin sa naging takbo ng usapan nila.

Natulala si Chelsea at nabato sa kinatatayuan kaya nakaramdam ng pagsisisi si Asher sa biglaang pagbabalita.

Babawiin na sana ni Asher ang kaniyang tinuran o kaya magsasalita na sana upang mapagaan kahit papaano ang loob ni Chelsea pero sumilay ang sa labi nito.

"Fuck! Finally! 'Yan yata ang kauna-unahang good news na narinig ko mula sa'yo. Best gift ever! Thank You, Lord!" sigaw ni Chelsea at pumalakpak pa dahil sa tuwa.

"'Y-Yan ang reaksyon mo?" tanong ni Asher at halos matumba sa kinatatayuan. Bumakas sa itsura ni Asher ang pagtataka. Sa halip na si Chelsea ay siya pa mismo ang mas nagulat.

"Bakit? Ano bang gusto mo? Ngumawa ako at maglupasay sa sahig? Tss."

 "Malapit na ang deadline mo rito sa mundo. Ayos lang talaga sa'yo yon?" paniniguro pa ni Asher.

"Tangina, paulit-ulit? Ikaw yata ang may 'di kayang tumanggap na mamamatay na ako. Bakit? Ma-mi-miss mo ako?"

Hindi nakapagsalita si Asher at nanatili lang nakatitig kay Chelsea, dahilan para medyo maasiwa ito.

"Ayan ka na naman sa titig mo sa mala-diyosa kong mukha. Sisingilin na talaga kita."

"Bakit?" halos magkasalubong na kilay na tanong ni Asher.

"Bakit ano? Ba't ang ganda ko?"

"Hindi, kundi bakit ayos lang sa'yo?"

"Obviously, para hindi ko na rin kailangang magtiis sa lintik na buhay na 'to. Basta hindi ako makaramdam ng sakit bago mamatay, okay na sa'kin 'yon— But wait, how am I going to die? Sakit ba? Aksidente? Bangungot?"

"Hindi ko tiyak."

"Nyeta, magbabalita na nga lang kulang-kulang pa. Salamat sa spoiler, ha," sarkastikong tugon ni Chelsea sabay irap.

"Maaaring bunga ng kasalanan. Maaari ring—"

"Ah, so mamamatay ako kasi masamang damo ako," patango-tangong sambit niya. "Gets ko na. Mapaghiganti talaga at masama ang tinutukoy mong Diyos."

"He is Merciful, Chelsea. Magbakumbaba ka at tumalikod sa'yong mga kasalanan at ika'y patatawarin."

"I don't give a fuck if he's going to forgive me or not. But yeah, curious ako tungkol sa sinasabi mo. Kung maaawain siya, ba't ang daming taong nahihirapan?"

"Hindi kasama sa pangako Niya ang walang paghihirap sa mundo ngunit sinabi Niya—"

"Ugh. Nevermind that. Hindi na pala ako interesado," mabilis na pagbawi ni Chelsea. "Gusto ko na lang malaman yung tungkol sa pagkamatay ko. Sinong gagong papatay sa'kin?"

"Paano ka nakasigurong papatay nga sa'yo at hindi aksidente?"

Nagkibit-balikat si Chelsea. "Well... let's just say... it's kind of... uhm—it's just me against the world. Ang daming inggit sa'kin and vice versa."

Napaawang ang bibig ni Asher.

"Kung magulat ka, parang 'di mo ako binantayan since birth, ah. Tsaka detective slash espiyang anghel ka, 'di ba? Dapat alam mo kung sino ang walangyang 'yon."

Heaven Sent LoveWhere stories live. Discover now