4: Her sideline

22 0 0
                                    

Chapter Four: Her sideline

Kung sa ibang tao ay araw ng pahinga ang Linggo, para kay Chelsea ay hindi. Bukod sa pagtuturo sa paaralan ay may isa pa siyang trabaho na isinasagawa sa bahay. Nagbebenta rin siya ng mga damit at mga gamit sa online. Trabaho talaga iyon ng kaniyang ina pero naipasa lang sa kaniya buhat noong magkasakit ito. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang nagtutuloy ng negosyo dahil hindi pa ito gumagaling.

Kapag sinisipag, kung saan bihira lang nangyayari, nag-li-live selling siya sa loob ng ilang oras. Isa ang araw ngayon sa bibihirang pagkakataong sinisipag siya.

"Asan na ba yung ring light ko?! Peste, 'pag ako tinamad na naman!" gigil na saad ni Chelsea habang hinahalungkat ang mga gamit na nakakalat sa sahig. Ilang araw nang nakatambak ang mga ito pero ngayon niya lang naisipang galawin dahil sa mga orders na natanggap niya ngayong araw.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ay kumatok si Asher sa pinto bago pumasok.

"Anong kailangan mo?" tanong ni Asher.

"Ring light. Nakita mo ba 'yon?!" pasigaw na tanong ni Chelsea.

"Hindi. Saan mo ba pinatong?"

"Akala ko mala-CCTV kang anghel ka? Ba't 'di mo alam kung saan ko 'yon ipinatong?"

"Wala na iyon sa trabaho ko."

"E di hanapin mo na lang!" asik ni Chelsea. Itinuro niya rin ang makalat na sahig. "Tapos itong mga kalat na 'to-'yang mga 'yan. Linisin mo ang lahat ng 'yan para hindi makita sa background kapag nag-live lang ako. Mag-aayos lang ako."

Tuluyang pumasok si Asher sa kwarto para maglinis ng mga kalat at ayusin ang mga gamit. Sa kabilang banda ay nagpahid na ng kolorete sa mukha si Chelsea.

"Ayusin mo ang pagliligpit, ah. Magtatanong ako sa'yo mamaya kung sa'n mo nilagay ang mga paninda ko," may halong pagbabantang tanong ni Chelsea habang nakatingin kay Asher mula sa repleksyon sa salamin. Napasulyap siya sa magasing hawak nito. Iyon ang magasing natanggap niya sa estrangherong lalaki sa mall. Initsa niya iyon kung saan kagabi kaya kasalukuyan 'yong nasa lapag.

"Dapat hindi ka nagkakalat kung hindi mo kayang magligpit."

Tumaas ang isang kilay ni Chelsea, samantalang ginuguhitan niya ang isa pa. "Pake mo ba? Atsaka akin na nga 'yang hawak mo. Patingin ako."

Tahimik na naglakad si Asher palapit kay Chelsea sabay abot ng magasin.

Binuklat ni Chelsea ang magasin sa bandang gitnang pahina. Bumungad sa kaniya ang ilang linya mula sa Bibliya. May dalawang bersyon ito mula sa dalawang lengguwahe, Ingles at Tagalog.

***

Philippians 3:13-14

13 Brothers and sisters, I do not consider myself yet to have taken hold of it. But one thing I do: Forgetting what is behind and straining toward what is ahead, 14 I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus.

Filipos 3:13-14 ASND

Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap. Tulad ng isang manlalaro, nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Dios na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

***

"What the hell does it mean?"

"Hindi pa huli para magsimulang muli," tugon ni Asher. Pinulot niya ang ring light na nakatago sa ilalim ng lamesa para ibigay kay Chelsea.

Heaven Sent LoveWhere stories live. Discover now