6: The conversation

30 0 0
                                    

Chapter Six:  The conversation

Hindi na bago para kay Chelsea ang magpa-free time para sa kaniyang mga estudyante. Isa ang araw ngayon sa mga araw na tinatamad siyang magturo. Nakaupo lang siya sa teacher's desk habang nakangiting nakikipagpalitan ng mensahe sa textmate niyang nagpakilala na bilang Kobi. 

"Ma'am, ano pong tanong sa number 19 at 28?" tanong ni Trisha pagkalapit kay Chelsea habang dala-dala ang answer sheet. Kababalik lang sa kanila ng mga test paper nila ngayong araw kasi noong isang araw pa natapos ang pagwawasto para masigurado niyang halos nakalimutan na nila ang nilalaman ng pagsusulit.

Mabilis na kumunot ang noo ni Chelsea. "Para sa'n?"

"Sigurado po kasi ako sa mga sagot ko pero mali rito."

"Tiningnan mo na ba sa mga kaklase mo ang sagot nila?"

"Opo, ma'am. Tama naman ang pag-check sa papel ko pero..." Tumingin si Trish sa papel niya na para bang isa itong malaking palaisipan kung paano nangyari. 

Palihim na napangisi si Chelsea saka nagsalita. "'Yun naman pala, eh. Ano bang inaatungal mo d'yan?"

"W-Wala po, ma'am. Baka nagkamali lang po ako ng na-shade-an."

"Past is past. Bawi ka na lang sa second quarter."

"Sige po, ma'am. Salamat po." 

Bagsak-balikat na bumalik si Trisha sa pwesto niya. Wala pang ilang saglit ay nilapitan siya ng isa niyang kaklase para magpaturo tungkol sa isang aralin. Hindi kasi ito nakapasok nung isang araw dahil sa sakit kaya may ilan itong nakaligtaang aralin. Si Trisha ang Top 2 sa klase kaya siya ang nilapitan nito. Tinangka na nitong lapitan kanina si Robin pero ang sagot lang nito ay, "basta madali lang 'yan!" sabay balik sa ng tingin sa nilalaro.

"Alin ba yung 'di mo gets? tanong ni Trisha.

Sa kabilang banda, ibinalik din ni Chelsea ang tingin sa kaniyang phone. Wala siyang pakialam sa mga estudyante niyang nag-iingay ngayon. Ang iba'y natutulog, nakikipagdaldalan, nagsusulat at nagbabasa ng kung anu-ano, at may pailan-ilan ding estudyante sa bandang likod na nagbabatuhan ng papel.

"Ugh, Bible verse. Pati ba naman dito sa school 'di pa rin ako tatantanan ng anino ni Asher? Give me a break," dismayadong sambit ni Chelsea nang bigla siyang makatanggap ng ganito mula kay Kobi.

Fr: Kobe

Bible verse for today: Deuteronomy 31:6  Be strong and courageous. Do not fear or be in dread of them, for it is the Lord your God who goes with you. He will not leave you or forsake you.

U can meet me whenever u r ready. ;) lets have a great time!

Sa sobrang ingay ng klase ay hindi na marinig ni Chelsea ang kaniyang isipan. Naging blangko ito kaya't hindi siya makapag-isip nang maayos tungkol sa pwedeng isagot kay Kobi. Biglang pumasok sa isip niya si Asher. Marahil ay naging tao na ito ngayon kaya wala na siyang marinig na bulong sa kaniyang isipan. Kasi kung anghel pa rin ito, malamang ito ang magsisilbing konsensya niyang nagbibigay ng babala at paalala tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin. 

Tungkol pala kay Asher, naging taong-bahay siya ngayon. Bukod sa paglilinis ay nagkukumpuni siya ng gamit sa bahay ni Chelsea para lang may magawa. Hindi siya nagtatangkang lumabas ng bahay dahil sa takot na mapahamak habang nasa kalagitnaan ng misyon. Nakakaramdam na siya bilang isang normal na tao kaya alam niyang kailangan niyang mag-ingat. Sa ngayon ay nag-iisip na lamang siya ng paraan kung paano matutulungan ang taong kaniyang binabantayan nang hindi ito gaanong sapilitan.

"Class, masyado nang maingay. Dinig na kayo sa kabila!" paghampas ni  Chelsea sa lamesa. Mabilis na napatahimik ang buong klase at napatingin sa kaniya. Wala talaga sa plano niyang sumigaw pero nadala siya ng inis dahil hindi siya makapagdesisyon. May parte sa kaniyang gusto nang makipagkita pero may parte ring ayaw dahil kay Danrick at dahil sa tingin niya ay masyado itong mabait.

Heaven Sent LoveWhere stories live. Discover now