5: The Test papers

23 0 0
                                    

Chapter Five: The test papers

"What is life?"

Ito ang isang tanong na ni minsan ay hindi pumasok sa isipan ni Chelsea. Hindi dahil sa alam niya na ang tunay nitong kahulugan, kundi dahil wala siya oras para alamin ito. Sa katunayan nga'y sa  lagpas dalawang dekada niyang nabuhay sa mundo, hindi niya pa ito napagninilayan. Ang alam niya lang ay kailangan niyang kumain at magpahinga para mabuhay.

Walang bago sa buhay niya araw-araw. Bukod sa kain-tulog ay trabaho lang ang inaatupag niya. Ito rin ang dahilan kung bakit kapag may nagtanong sa kaniya ng "para kanino ka bumabangon?" ay wala siyang maisasagot. O baka meron pala. Ang kaso ang taong iyon ay malayo sa kaniya ngayon at walang katiyakan kung may pag-asa pa silang magkaayos.

Walang naiiba sa buhay ni Chelsea. Pero kung siya ang tatanungin, sapat na ito sa kaniya. Kuntento na siya rito at wala siyang balak baguhin.

"Chelsea, tumunog ulit ang phone mo," pagkalabit ni Asher.

Napamulat si Chelsea at napatanggal sa suot niyang earphone na nakakabit sa Mp3 player. Bumungad sa kaniya si Asher na nakatayo sa gilid ng sofa.

"Ano?" kunot-noo niyang tanong.

"May nag-text sa'yo," pagturo ni Asher sa phone ni Chelsea na nakapatong sa center table.

"Inistorbo mo lang ba ako para d'yan? Gusto mong magpapansin sa'kin?"

Umiling si Asher. "Baka kasi importante."

"Spy kang angel, 'di ba? Dapat alamin mo kung ano 'yan." Umirap si Chelsea at pumikit ulit. Isusuksok niya sana ulit ang earphone sa tainga nang biglang magsalita si Asher.

"Pwede na ba tayong magkita?" walang emosyong pagbasa ni Asher sa phone.

"Anak mg tinapa! Hoy! Ba't mo pinapakailamanan 'yan?!"

"Sabi mo kasi—"

"'Di mo ba alam ang salitang sarkastik?!" Mabilis na tumayo si Chelsea para agawin ang phone mula kay Asher. Sinamaan pa niya ito ng tingin bago bumalik sa pwesto. Sa pagkakataong ito, umupo na lang siya. Tahimik siyang nag-reply sa nag-text.

"Sino 'yan?"

Umirap lang si Chelsea bilang tugon.

"Magkakilala ba kayo?"

"Bagong ka-chat ko. May angal ka?!" asik ni Chelsea nang hindi na makapagtimpi.

"Bago?"

Bumakas sa itsura ni Asher ang magkahalong gulat at pagtataka, isang bagay na hindi niya nararamdaman noong ganap pa siyang anghel. Sa tuwing may kakaibang ginagawa si Chelsea, ang ginagawa niya lang ay gabayan ito sa tamang landas. Ito ang unang beses niyang mag-usisa tungkol sa mga bagay-bagay.

"'Di ba alam mo ang bawat galaw— ah,tatlong araw pa nga lang pala kaming magka-chat. At ikaw, limang araw nang nampe-peste  sa buhay ko. Alis ka na nga!"

"Tatlong araw, estranghero, magkikita... alam mo bang delikado 'yan? Hindi ka dapat nakikipagkita sa taong hindi mo pa kilala."

"Chat lang 'to kasi kinikilala ko pa lang siya. You know,... flings. And no one is harmed by just chatting, okay? Isa pa, 'di na ako bata para pagsabihan mo. And in fact, superb ako pagdating sa self-defense. Kaya kong patumbahin kahit tatlong maseselang tao pa 'yan," pagmamayabang ni Chelsea ngunit hindi iyon ang napansin ni Asher.

"Fling? 'Di ba—"

"Don't—" Itinaas ni Chelsea ang mga kamay niya. "Mention Danrick. Kumukulo pa rin ang dugo ko sa kaniya."

Heaven Sent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon